Chapter 3.1

324 46 3
                                    


Mabilis ang naging takbo ng mga araw ng pamamalagi ni Li Xiaolong sa loob ng Cosmic Dragon Institute at sa loob ng dalawang linggo ay puro mga pag-aaral at pagsasaliksik ang ginagawa niya sa silid-aralan nila.

Masasabi niyang walang special treatment na nangyayari sa loob ng paaralan dahil lahat ng naririto ay talaga nga namang may kaniya-kaniyang mga kalakasan na hindi basta-bastang masasabi lamang na nakapasa dahil lamang sa tawag ng swerte.

Meron kasing mga estudyante na matatalino at meron ding katamtaman lamang at ang iba'y mga natural na tamad lamang ang pinapairal sa kanilang sarili.

Maraming mga nakasalamuha si Li Xiaolong sa loob ng dalawang linggo simula ng opisyal na araw ng pasukan. Iba-iba man ngunit wala man lang siyang makitang estudyanteng maaaring ituring niya na bagong kaibigan.

Sigurado siyang mga baguhan din ang mga ito at kagaya niya ay ngayon lamang nakapag-aral sa prestirhiyosong paaralan na ito. Ang kaibahan lamang ay isa lamang siyang estudyanteng huling nag-aral kumpara sa mga mas bata sa kaniya rito.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan siyang makipagkaibigan ay dahil na rin sa tanyag siya sa buong Cosmic Dragon Institute at tinitingala siya ng lahat.

Hindi talaga niya inaasahan ang malugod na pagtanggap ng lahat sa kaniyang pagbabalik muli sa Cosmic Dragon Institute sa taong ito. This really makes his heart fluttered.

Yun nga lang ay iniiwasan din siya ng lahat dahil sa natamo niyang ranking noong nakaraan.

Ipinakilala man siya sa lahat ngunit alam niyang pahapyaw lamang ito. This is really true ngunit alam niyang hindi niya ginusto ang mga bagay na ito.

Matagal din siyang nawala ngunit pinapahalagahan pa rin siya ng nasabing prestirhiyosong paaralan at hubugin bilang isang malakas na eksperto sa hinaharap.

Isa pa sa ikinasisiya niya ay maraming mga cultivation resources ang binibigay ng prestirhiyosong paaralan sa mga estudyante na siyang tumutulong sa kanila upang pataasin ang antas ng cultivation level nila at pangtustos sa kanilang sariling mga abilidad at pag-eensayo.
Cultivation Hall, Cultivation Grounds, Alchemy Rooms, Training Rooms at iba pa ay mayroong mga access ang mga estudyanteng baguhan man o matagal ng nag-aaral sa Cosmic Dragon Institute ay libreng makakagamit nito. Ganon kabuti ang Cosmic Dragon Institute sa kanilang mga mag-aaral.

Ngayong araw naman ay isang panibagong araw para kay Li Xiaolong. Nandirito sila ngayon sa harap ng isang malaking portal na makikitang hindi pa naa-activate. Kung titingnan ay parang malaking  pabilog lamang na bagay ang makikita na may malaking butas sa gitna na siyang magsisilbing pintuan patungo sa ibang lugar.

Isa ito sa pinakasimpleng portal na maituturing dahil kung hindi nagkakamali si Li Xiaolong sa mga nabasa niya patungkol sa ganitong portal ay nangangailangan ito ng enerhiya upang ma-activate ito.

Mayroon silang Energy Stones na pinapamahagi ng Cosmic Dragon Institute sa kanilang estudyante upang magawa nilang mapataas ang lebel ng cultivation level nila at ito rin ang karaniwang ginagamit upang ma-activate ang nasabing pabilog na portal.

Dito ay magsisimula na ang totoong pagsasanay nila at kung bakit nangunguna ang paaralan ng Cosmic Dragon Institute kumpara sa iba.

Yun lang ay sobrang dami nila. Li Xiaolong couldn't find his word kung gaano kalaking enerhiya ang kinakailangan upang mapatawid ang mga kapwa noya estudyante sa kabilang lugar. Sa dami nila ay mukhang mamumulubi ang paaralan upang makapasok ang mga estudyante maging ang pagpapalabas sa mga ito pagkatapos ng paggalugad sa  pupuntahan nilang lugar.

Nasa kulang-kulang isang libo ang mga estudyanteng naririto. Hindi niya alam na marami din ang mga estudyante ngayong taon ng pasukan. He really didn't want to underestimate anyone here dahil alam niyang may ibubuga din ang mga ito habang ang iba ay may tinatagong kalakasan sa ibang aspeto.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon