Chapter 1.5

305 45 3
                                    

BANG!

Isang malakas na enerhiya ang bigla na lamang umalpas sa kinaroroonan ng batang si Li Xiaolong partikular sa papel na hawak-hawak nito.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nagsalita ang lahat dahil mukhang hindi natutuwa sa kanila ang anak ng pinuno nila ng Green Lotus Pavilion at tsaka ayaw rin nilang maparusahan noh.

Walang ano-ano pa ay mabilis na tinupi ito ng batang si Li Xiaolong at mabilis na binigay kay Li Gumu ng walang pag-aalinlangan.

Nagulat naman si Li Gumu sa naging kilos ng batang si Li Xiaolong. Ni hindi man lang siya nito pinagsalita at agad na hinawakan ang kamay nito upang ibigay ang kung ano mang bagay na iginuhit nito sa loob ng nasabing malapad na papel.

"Ano ito Li Xiaolong? Bakit mo ito ibinigay sa akin?!" Tanong ng batang si Li Gumu habang makikita ang labis na pagtataka sa mukha nito. Halata kasing hindi nito gets ang naging kilos ng batang si Li Xiaolong.

"Tanggapin mo yan bilang aking pasasalamat. Alam kong kailangan na kailangan mo iyan. Ayaw ko namang makita kang malungkot dahil sa malakas ako haha!" Sambit ng batang si Li Xiaolong sa masayang boses. Hindi ito kakikitaan ng  tono ng pagmamayabang o kung ano pa man. Masasabi niyang tila may kung ano sa boses nito.

"Ah eh hindi ko naman hinihiling na suklian mo ang kabutihan ng ama ko o n-----!" Sambit ng batang si Li Gumu na may kaseryosohan. Talagang hindi naman talaga need ito. Naputol pa ang pagkakasabi niya dahil pinigilan siya ng batang si Li Xiaolong na magsalita.

"O siya kailangan ko ng umalis Li Gumu dahil baka naghihintay na sina Ate Jianxin sa akin." Magalang na sambit ni Li Xiaolong habang makikitang gusto na nitong umalis at lisanin ang lugar na ito.

Napakamot na lamang ang batang si Li Gumu at mabilis na ring nagwika.

"Mukha nga eh, hinihintay ka na nila itay doon pati ng iba pa. Maaari kitang ihatid doon." Seryosong sambit ng batang si Li Gumu habang gusto pa nitong
ihatid si Li Xiaolong.

"Wag na Li Gumu dahil baka pag-initan pa nila ako lalo kung sasamahan mo pa ko. Nasisiguro ko naman na buhay at kompleto pa naman akong makakapunta roon hindi ba?!" Wika ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito mapigilang magbiro sa huling pangungusap na winika nito.

Mabilis na nilampasan ni Li Xiaolong si Li Gumu. Ang tanging nagawa lamang nito ay lingunin ang papalayong pigura ng batang si Li Xiaolong na nakasakay na muli sa likod ng dambuhalang halimaw na Three Stripe Blood Snake.

Hindi niya aakalaing totoo nga ang sabi ng ama nito na mayroong dambuhalang mga halimaw na alaga ang batang si Li Xiaolong. Isa itong ganap na beast tamer.

Magkaganon man ay masasabi niyang hindi niya talaga malalampasan ang kakayahan ng batang minsang nakita niya lamang ordinaryong nilalang lamang at hindi kakompetensiya. Mukhang mali siya ng inaakala dahil hindi nga dapat kompetisyon dahil sa mga oras na ito, isang cultivation boundary ang lamang nito sa kaniya at mas lalong wala siyang lakas ng loob na hamunin ito sa isang friendly match dahil kitang-kita naman ng lahat ang natatanging abilidad nito ngunit nabalot ng takot ang puso ng mga saksi sa lakas na ipinamalas ni Li Xiaolong.

Tunay ngang nakakapangilabot pala ang nilalang na hindi mo kailanman inaasahang lamang na lamang sa iyo. Never in his entire life expecting like this.

Mabilis na umalis sina Li Xiaolong at Li Gumu na tinatahak ang magkaibang direksyon. Masasabing sa unang pagkakataon ay nakita ni Li Gumu ang palaging sinasabi ng ama niya na meron talagang mga nilalang na hindi mo kailanman maaabot at hindi mo kailanman gugustuhing maging kalaban ito sa hinaharap.

...

Ilang minuto pa ang nakalilipas ay tanaw na tanaw na ng batang si Li Xiaolong ang malaking bulwagang sinasabi sa kaniya ng Ate Jianxin niya na hinihintay siya ng mga panauhin niya. Hindi niya alam kung sino ang mga ito dahil sa totoo lamang ay wala rin siyang kaalam-alam kung sino ang mga ito. Ang tanging clue niya lamang sa nasabing sinabi ng Ate Jianxin niya ay mga importanteng nilalang ang mga ito base sa pagkakaintindi niya ng mensaheng gusto nitong ipaabot sa kaniya habang sinasalita nito ang mga pangungusap na hinahabi ng bibig nito.

Gusto niya rin namang lisanin ang Green Lotus Pavilion kaya naisip niyang pumunta rito. Aba'y malay niya kung sino ang mga sinasabi nitong bisita niya.

Bumilis naman ang tibok ng puso ng batang si Li Xiaolong hababg papalapit siya sa nasabing bulwagan. Kung hindi siya nagkakamali ay isang open space iyon. Nasa lokasyon iyon patungo sa mataas na burol dahil iyon naman talaga ang nararapat dahil malapit iyon sa mga manor ng dati nilang bahay kasama ang mga bahay ng mga opisyales lalong-lalo na ng dating lider ng Green Martial Valley Union na ngayon ay wala na.

Ramdam na ramdam ng batang si Li Xiaolong ang masaganang enerhiyang umalpas sa buong paligid. Nasa paanan pa lamang siya ng burol ay masasabi niyang tila bumigat ang yabag ng mga paa niya. Ramdam niyang unti-unting bumalik ang pait ng nakaraan sa kaniya.

Magkagayon man ay pinilit niya pa ring makaakyat patungo sa itaas ng burol at iwinala ang mga negatibong bagay na naiisip niya. Siguro ay sa tagal ng buwang nasa loob ng kweba siya ay nakatulong iyon ng malaki upang gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano.

Malaki din ang pasasalamat niya sa Ate Jianxin niya maging sa ama ni Li Gumu na si Li Mo dahil timulungan siya nitong makarecover at pagsabihan ang nasasakupan nito upang manahimik. Ramdam niyang tunay at mabubuti ang intensyon ng dalawang miyembro ng Li Clan noon na piniling umalis na siyang masasabi niyang naging tamang desisyon sa mga ito.

Naisip niyang lahat ng bagay na nangyayari sa isang nilalang ay may dahilan, nasa atin lamang siguro kung magpapadaig tayo sa takot at sumugal muli sa buhay upang mabuhay. Iyon ang gagawin niya, ang bumangon at ituloy ang nasimulan niya. Makailang pagkatalo at pagkadapa na ang nakamit niya, ngayon na dapat ay immune na siya ay susuko siya.

Gumuhit na lamang ang ngiti sa labi ng batang si Li Xiaolong. Naisip niyang tama na ang pagmumukmok isa pa ay kahit bumigat man ang paa niya o alinman sa parte ng katawan niya ngayon ay alam niyang kayang-kaya pa rin siyang buhatin ng dambuhalang halimaw na Three Stripe Blood Snake na siyang Soul contracted beast niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon