Chapter 2.2

331 48 4
                                    


Kasalukuyang naglalakbay ang batang si Li Xiaolong habang nakasuot ito ng isang jade mask na may kakaibang disenyo. Isa ito sa ibinigay na mask ng magkapatid na ito dahil pinaghandaan talaga ng kambal na sina Pollux at Adhara ang pagpunta rito.

Hindi talaga alam ni Li Xiaolong kung bakit ang lalakas ng trip ng magkambal na ito. Hindi niya aakalaing ganito kaangas at adventurous ang mga ito.

Kagaya niya ay nakasuot din ng jade mask ang dalawa ngunit iba sng disenyo ng mga ito. Tanging mga mata lamang nila at noo ang natatakpan nito ngunit batid ni Li Xiaolong na mapoprotektahan nito ang tunay na pagkakakinlanlan nila dahil mayroong abilidad ang pambihirang Jade mask na ito na i-nulify ang sinumang susubok na tuklasin ang pagkakakinlanlan nila.

Ayon Kay Adhara ay espesyal ang Jade mask na ito at subok na ng karamihan. Purple Heart Realm Experts can't peep them kaya ligtas ang gamitin ito. Isa pa ay bata sila at walang intensyon ang mga Purple Heart Realm Experts na hulihin o kalabanin sila dahil siguradong hindi din sila tatantanan ng awtoridad ng Dou City at paslangin sa harap ng publiko. Ganon kabagsik ang parusa sa mga Purple Blood Realm pataas na boundary lalo na kung nasa tamang edad na ang mga ito. Hindi pwedeng baliin ang batas dito at maaari lamang ikapahamak ng sinuman ang pagrerebelde o paggawa ng mga krimen dito.

Li Xiaolong really knows how capable Dou City in capturing those rebels lalo na ang mga estrangherong mula sa labas ng lungsod kagaya ng Blood Skull Alliance.

Ngunit alam ni Li Xiaolong na hindi pa tapos ang sigalot sa pagitan ng Dou City at Blood Skull Alliance dahil nitong nakaraang mga araw ay nakatanggap siya ng sulat galing sa Feathers Guild na hindi nabibilang ang pwersa o branch nito sa alinman sa Sky Sword Pavilion, Green Lotus Pavilion o sa tatlong Kaharian. Malaya pa ring guamgawa ng transaksyon ang nasabing Guild sa alinmang mga pavilions at sa mga kahariang nakapalibot rito.

Dahil una pa lamang ay walang sinuman ang gustong kumalaban sa Feathers Guild. It has been rumored na merong mga maimpluwensyang indibidwal na subukan ang Feathers Guild ngunit naglaho lamang na parang bula ang mga ito, ni walang naiwang bakas ng existence ang mga ito. Siguro siyang may katotohanan ito lalo na at kilalang-kilala ng spirit artifact ang nasabing guild na ito na nag-eexist pa noong mga panahon pa nito.

Kasalukuyan silang naglalakad patungo sa isang malaking gusali sa hindi kalayuan. Kung di siya nagkakamali ay ito ang sinasabi ng magkambal na sina Pollux at Adhara na Arena sa loob ng Xitang Village. Hindi talaga makapaniwala si Li Xiaolong sa kaniyang pagbisita dito. Talaga nga namang maganda talaga ang lugar rito at marami silang nadaanang mga bagay na kakaiba ngunit parang normal na lamang rito.

Katulad niya ay nakita niya ang mga batang nagsasanay na maging isang martial art experts sa hinaharap at marami pang iba. Kung pagbabasehan ay matatapang ang mga nilalang na naririto sa bayan. Takot mo na  lamang siguro na gumawa ng gulo sa labas dahil baka di ka na makauwi ng buhay.

Sa una ay medyo nagkaroon siya ng pangamba ngunit suot-suot nila ang logo ng Cosmic Dragon Institute bilang isang representasyon ng pagkakakinlanlan nila ngunit iyon ay para matakot ang mga kakalabanin nila mamaya.

Hindi naman natatakot si Pollux at Adhara na pumunta rito dahil ligtas naman ang lugar na ito sa kanila at walang nagtangkang gumalaw o gumawa ng masama laban sa kanila. Takot lang ng mga ito sa maaaring gawin ng Cosmic Dragon Institute kapag ginalaw ang mga estudyanteng nagmula sa paaralang ito.

"Nandito na tayo Xiaolong, papasok ka ba o kakaladkarin ka namin papasok?!" Seryosong wika ni Pollux nang makitang andoon pa sa labas ng pasukan ang batang si Li Xiaolong samantalang sila ay nakapasok na. Lumabas silang muli para tingnan kung asan na ang batang si Li Xiaolong.

Mabilis namang nakatikim ng batok si Pollux kay  Adhara. Aangal pa sana at magrereklamo si Pollux sa nambatok sa kaniya na si Adhara na siyang mas matanda sa kaniya ng ilang minuto lamang ngunit kita niyang nakakuyom ang kamao nito sa ere tandang makakatikim ito kapag gumawa ito ng kabulastugan.

"Pumasok ka na dito Xiaolong. Hayaan mo na ang ungas na kapatid kong to. Excited na kong makita kang lumaban. Okay lang matalo ka sa unang beses ngunit aasahan ko ang iyong pag-unlad.

Napangiti na lamang si  Li Xiaolong nang makita ang mga eksena kanina. Talagang amasona talaga si Adhara at halatang nirerespeto ito ng nakababatang kambal nitong si Pollux.

"Sige Adhara. Papasok na ko. Naninibago lang ako sa lugar at alam mo naman ako, napakaignorante." Saad ng batang si Li Xiaolong habang  nakangiti pa ito ngunit parang may kung ano sa mga mata ng batang si Li Xiaolong.

Hindi naman ito nahalata ni Adhara maski ni Pollux dahil medyo malayo pa ang distansya nila na siyang ikinapanatag naman ng loob ni Li Xiaolong.

"Siguro naman ay sapat na ang pagtingin-tingin mo diyan ano?! Pumasok na tayo Xiaolong este Little Devil pala hehe!" Sambit ni Pollux ng natatawa ngunit mabilis itong sa gawi niya kung saan naroroon ang kambal niyang si Adhara na naniningkit ang mga nitong nakatingin rito na may inis ang ekspresyon na nakapaskil sa mukha nito.

Napatango na lanang ang batang si Li Xiaolong dahil sa sinabi ni Pollux.

Hindi siya mapakali sa mga oras na ito ngunit nagawa niya pa ring maging kalmado kahit na may bumabagabag sa kaniyang kalooban lalong-lalo na sa gagawin pa lamang niya. Para bang may mali siyang naiisip na mangyayari maya-maya lamang. Ewan, basta masama ang kutob niya mula sa oras na ito.

Isa sa dahilan kung bakit di siya pumasok kanina ay may napansin siyang kakaiba kanina. Parang may nakamasid sa kanila kani-kanina lamang mula sa kalayuan.

Batid ng batang si Li Xiaolong na hindi ordinaryong nilalang ang naramdaman niyang presensya kanina at hindi pamilyar sa kaniya ang awra nito na napakaitim at nakakasusulasok ngunit parang humahalo ito hangin ngunit agad-agad din itong nawala.

Ngunit ang labis na ipinagtataka niya lamang ay wala naman siyang naiisip na kalaban o nakalaban niya at wala siyang kaalam-alam kung sino o ano'ng klaseng nilalang ito.

Ang hirap nitong matunton at malaman kung sino ba talaga ito. Sa dami ba naman ang nakikita niyang dumadaan ay parang tanga siya kung manghuhula na lamang siya sa dumadaan-daan o tumtambay sa mga corners sa lugar na ito.

Isa ito sa dahilan kung bakit di siya pumasok kaagad, ito ay upang bantayan kung sino ba talaga ito ngunit dahil sa biglaang pagkawala ng nakakasulasok na awrang naramdaman nito ay batid niyang naitago nito ang sarili mula sa kaniyang sariling kakayahan. Sa tingin niya ay malamang sa malamang ay nasa paligid lamang ang nilalang na ito ngunit naghahanap lamang ito ng pagkakataon laban sa kaniya o sa kanila mismo.

Ang labis na ikinapagtataka ni Li Xiaolong ay tanging siya lamang ang nakaramdam ng panganib na ito at hindi ang dalawang nilalang na kasama niya na sina Pollux at Adhara. Kampante siguro ang mga ito kaya ganon.

Pumasok sa loob ng malaking gusali si Li Xiaolong at sumunod na lamang ito sa patutunguhang direksyon ng magkambal na parang aso't-pusang nagbabangayan na ngayon na hindi batid ang masamang nararamdamang panganib ng batang si Li Xiaolong  mula sa mga oras na ito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now