Chapter 2.3

280 45 1
                                    


Isang maitim na pigura ang bigla na lamang lumitaw sa isang mataas na bahagi sa himpapawid. Makikitang nakatanaw lamang ito sa malaking gusali. Kanina pa siya maingat na sumusunod sa ginawang paglalakbay ng batang nagngangalang Little Devil.

Hindi nito sukat aakalaing mararamdaman siya ng nasabing batang tila sa tingin niya ay sobrang hina pa lamang nito kumpara sa lakas ng taglay niya.

May takip ang ilong at bibig nito ng isang kulay itim na tela upang ikubli sng pagkakakinlanlan nito. Halatang isa tlaaga itong martial arts experts dahil ni hindi man lang kababakasan ng takot at pag-aalinlangan ang mukha nitong sundan ang batang pakay nito patungo sa bayang ito.

Aalis na sana ito nang makita niya ang paglitaw ng isang nakaputing roba na nilalang sa hindi kalayuan mula sa kaniya.

Nakatitig ito ng matiim sa gawi niya habang makikitang may hawak itong isang malaking sandata na kung tawagin ay katana. Halatang isa itong Samurai.

BAM!

Isang nakakatakot na enerhiya ang inilalabas nito habang nakatingin sa kaniyang gawi na siyang pinakawalan nito na halatang binabantaan siya nito.

"Sino kang nilalang ka upang magpalabas ng sarili mong enerhiyang nakakasulasok. Hinahamon mo ba ang pwersa ng Xitang Village?!" Sambit ng nasabing nilalang na nakasuot ng kulay puting roba habang mat takip ang mukha nito ng isang puting tela. Sa baritonong boses nito ay halatang isa itong lalaki.

"At bakit ko naman iyon gagawin?! Malay ko bang panandaliang awra lamang na natural na umalpas ito sa aking katawan at hindi ko hinahamon ang Xitang Village kung iyong mamarapatin." Matigas na wika ng malumanay na boses ng isang babae ngunit mahihimigan pa rin ang emosyong tila hindi ito nagpapakumbaba bagkus ay may pagka-arogante nag tono nito.

"Wag mo kong linlangin Binibini dahil alam kong nagsisinungaling ka sa iyong sinasabi lalo na at nakita kita kung paano mo gustong lapitan ang isang nilalang na iyon." Seryosong saad ng lalaking nakasuot ng puting roba.  Agad nitong itinaas ang hawak nitong katana dahil alam niyang dito rin mauuwi ang lahat.

Ang tila plain na ekspresyon ng mukha ng nasabing babae ay bigla na lamang napalitan ng pagngisi dahil mahahalata mo talagang hindi talaga ito natatakot o kung ano pa man.

"So hindi komoooommimmoomomoimmom naoooooooooooomoooooooooooomomooo kailanganomooooomooooo9oooo9oooo pangooooooooomooooooooo magpanggapooooooooo paoo9mo hahaha... Tinitingnan ko lang ang bayang ito magingoommo ang iba pang mga bayan na nandirito sa Dou City bago ito tuluyang mapuksa at malusaw hahahaha!" Makahulugang wika ng magandang babaeng tila humalakhak pa ito ng malademonyo na animo'y parang nasisiraan na ito ng bait.

"Isang kang baliw babae! Hindi ko aakalaing anlakas ng loob mong sabihin ang mga katagang iyan na maaaring ikapahamak mo sa loob ng Do City. Ang iyong katampalasanan angg siyang mag-uuwi sa iyo sa malagim mong kamatayan!" Galit na sambit ng nakaputing roba na lalaki na halatang naiinis na rin talaga ito ng sobra sa mga sinasabi ng misteryosong babaeng nakasuot ng kulay itim na roba.

"Sabihin mo sa akin yan sa oras na tuluyan ng mawasak ang Dou City maging ang mga kahariang nakapalibot rito. Isang malaking ginhawa sa amin ang pagkawala ng Sky Flame Kingdom hehehe!" Puno ng pang-uuyam na sambit ng misteryosong babaeng may telang nagkukubli sa mukha nito.

Sa paraan ng pagsasalita nito ay parang may alam ito sa mga nangyayari o magaganap sa hinaharap na siyang ikinapangamba ng nakaputing roba.

"Tungkol na naman ba ito sa Blood Skull Alliance huh?! Kailan ba titigil ang pesteng alyansang iyon para manghasik ng lagim sa buong lugar rito na siyang saklaw ng batas ng Dou City huh?!" Puno ng pagkagalit na sambit ng lalaking nakasuot ng puting roba.  Hindi niya mapigilang maglabas ng nakakapangilabot na enerhiya na itinuon nito sa mismong kaniyang sariling katana.

Skill: Slash of Death!

Isang nakakapangilabot na enerhiya ang bumalot sa katanang hawak nito habang mabilis na iwinasiwas ito patungo sa kalaban niya mismo na siyang walang pag-aalinlangan nitong isinagawa.

Ngunit ganon na lamang ang hilakbot ng nakaputing roba sa sumunod na pangyayaring naganap.

Tatlong magkakasunod na air slash ang ginawa nutong atake na papunta mismo sa kinaroroonan ng misteryosong babae ngunit sa isang kumpas lamang ng kamay nito ay tila nagkaroon ng abnormalidad ang daloy ng hangin dahilan upang sa isang iglap lamang ay tila naglaho ang tatlong magkakasunod na atakeng tatama sana rito.

Nanlaki ang mga mata ng nakaputing roba na nilalang habang halos matuod ito sa kinaroroonan niya.

Whoosh!

Isang nakakapanghilakbot na  enerhiya ang bigla na lamang naramdaman ng dalawang nilalang nang may naramdaman silang isang nilalang na naririto sa kinaroroonan nila ngayon.

Isang uugod-ugod na matanda ang makikitang dumating sa oras na ito. Malayo pa lamang ito ay mapapansin mong hindi talaga ito ordinaryong nilalang.

"Hmmp! Ano'ng ginagawa mo rito tanda? Mukhang sa ayos ng pananamit mo ay mukhang hindi ka rin taga-rito katulad ko. Ipinadala ka ba rito ng aking master upang tulungan akong hulihin ang pesteng batang iyon na siyang dahilan ng pagkatalong muli ng Blood Skull Alliance?!" Nanggagalaiting tanong naman ng misteryosong babae lalo na at mababakasan na naiinis ito sa mismong organisasyin na iyon. Maging sila ay naapektuhan dahil sa kapalpakan ng Blood Skull Alliance. Sa tingin niya ay ginagawa lamang siyang sunud-sunuran dahil sa pagkabigo ng nasabing alyansa.

"Mukhang sa inaasta mo Binibini ay hindi mo ko nakikilala hahaha... Hindi mo gugustuhing ako'y makilala. Dahil sa labis na pangingialam niyo sa maliit na lupaing ito ay ayaw niyo naman sigurong ako'y galitin hindi ba?!" Kalmadong sambit ng matandang lalaking nakasuot ng maruming puting roba. Kahit ganon man ang suot nito ay para bang hindi ito kinakapitan ng dumi at malinis na malinis ito King titingnan.

Imbes na matakot ang misteryosong babae ay tila hindi ito nakaramdam ng alinmang pangamba. Sa tingin niya ay normal lamang ang pagbabantang ito at purong kayabangan lamang ng matandang hukluban na ito.

"Ikaw ang wag mangialam tanda dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo! Tikman mo to!" Sambit ng misteryosong babae sa matandang lalaking bagong salta lamang sa lugar na ito. Makikitang hindi ito natatakot sa banta ng matandang gusto siyang balaan na umalis na sa lugar na ito.

Sa isang kumpas ng kamay nito sy kitang-kita kung pasnong tila nangasira ang daloy ng hangin at parang talim itong humahangos patungo sa kinaroroonan ng matandang lalaki.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon