Chapter 3.3

340 52 5
                                    


BANG!

Malakas na bumagsak sa lupa ang batang si Li Xiaolong matapos niyang makapasok sa loob ng lagusan.

Kung paanong agresibo siyang hinigop sa loob ng lagusan ay ganoon din siya ka-agresibong iniluwa ng lagusan patungo sa lugar na kinaroroonan niya.

Pasalamat lamang sya dahil isang madamong parte ng lupa siya ibinagsak nito na siyang ikinatuwa niya pa rin kahit papaano.

Agad na inayos ni Li Xiaolong ang sarili niya sa pamamagitan ng pagpagpag ng roba niya nginit ramdam niya ang labis na panghihina.

Hindi dahil sa kakaensayo niya kahapon kundi parang tinakasan siya ng lakas dahil na rin siguro sa pagkakatanggal niya ng mga simbolong bumabalot sa nasabing mystic energy stone.

Mabilis man kung titingnan ngunit ang labis na konsentrasyon at mabilis na pagtanggal ng mga simbolong bumabalot sa nasabing pambihirang bato maging ang patuloy na pagsuplay ng enerhiya niya ang naging susi upang tuluyan niyang ma-activate ang mystic energy stone lalong-lalo na ang nasabing hugis bilog na portal na humigop sa kaniya.

"Kailangan kong lisanin ang lugar na ito at maghanap ng pansamantalang pagtataguan. Hindi ako maaaring makampante lalo na at mukhang nasaid ang mga enerhiyang nawala sa akin." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis itong naglakad-takbo sa direksyong tinatahak nito. Hindi siya maaaring manghina o panghinaan ng loob lalo na sa kalagayan niya.

Kung maka-encounter siya ng mga nilalang rito na gusto siyang saktan o kitilan ng buhay ay siguradong magagawa ng mga itong maisagawa ang masamang plano ng mga ito.

Ngunit may pagkakataon pa upang maiwasan ito. Li Xiaolong think about how he can survive. Parang hinigop ng biglaan ang enerhiya niya sa katawan ng tuluyan ng maactivate ang nasabing Portal kaya nasisiguro siyang ikakamatay ng sinuman ang ginawa niya kanina. Naisip niyang pinupuntirya siya ng guro nilang si Mistress Nüying upang siguro ay patunayan ang abilidad niya bilang isang inscriptionists.

...

Nakapasok na sa loob ng pabilog na portal ang lahat ng mga estudyanteng kalahok habang pinauwi ni Mistress Nüying ang mahigit apatnapong mga estudyante na hindi pinalad na tinawag niya kanina alinsunod sa sinabi niya kanina upang maging patas naman siya sa lahat at patunayan ang sinabi niya.

Nakatunghay ang nasabing ginang sa loob ng na-deactivate na portal na magsisilbing training ground ng lahat ng pumasok na mga estudyante. 

Lahat ng mga masasagupa ng mga ito sa loob ay parte ng training na maaaring ikasugat o ikamatay ng mga estudyanteng naroroon sa kung saan man sila ilalagay ng nasabing portal. Masuwerte ang papalaring makababalik at mabubuhay habang ang hindi papalarin ay magsisilbing libingan na ang lugar na iyon kung sakaling hindi mahanap ang katawan ng mga ito sa loob.

Lahat ng mga estudyante ng Cosmic Dragon Institute ay mahalaga ngunit kagaya ng batas ng paaralan ay tanging ang mga tunay na malalakas o pinakamalakas ang maaari nilang sanayin at paunlarin. This is to create a better future for everyone at hubugin ang mga ito sa tunay na reyalidad ng mundong ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Napalingon naman si Mistress Nüying sa isang sulok ng makitang may bagong dating na nilalang. Hindi maipagkakailang hindi na ito nagulat pa sa pagdating ng isang pamilyar na aura ng bagong dating lamang na nilalang.

Sa tagal niya ng naririto ay lubos siyang naging pamilyar sa mga kapwa niya guro at pansin niyang hindi man lang ito nag+-inform na pupunta ito ngayong araw na wala naman sa usapan nila.

"Kamusta na Nüying? Hindi ba naging pasaway ang mga bagong saltang mga estudyante ko?" Tanong ng bagong dating na nilalang habang nakasuot ito ng salamin. Kitang-kita na nagtataka ito at gusto ng agarang sagutan sa tanong nito.

Ang bagong dating lamang na nilalang ay walang iba kundi si Mistre Yunru na siyang orihinal na humahawak sa bagong dating na mga estudyante na mag-aaral rito.

"Okay naman Yunru ang mga bagong saltang mga estudyante. Ang hindi ko lang maintindihan ay hindi ko aakalaing mayroon agad akong nakitang magandang binhi sa lahat ng mga bagong hasik na mga papatubong pananim sa Cosmic Dragon Institute na under sa iyo." Masungit na saad ng nasabing ginang na si Mistress Nüying. Kitang-kita na hindi nito nagustuhan ang nasabing pangyayari ngayon.

Tila nanlaki naman ang mata ni Mistre Yunru sa narinig niya mula sa bibig ng nasabing ginang. Kahit kailanman ay hindi niya ito nakitang harap-harapang inamin ang nasabing pagkabilib nito sa mga estudyante.

"Nakakagulat naman ang iyong pambungad Mistress Nüying. Naisip kong tila ba may napili kang maraming binhi sa iyong unang araw bilang temporaryong guro ng unang baitang na ito.

"Tila ba tama ang hinala ng paaralan ng Cosmic Dragon Institute sa Little Devil na iyan. He is really a inscriptionists." Sambit ni Mistress Nüying na makikitang parang hindi ito naniniwala sa nakita niya.

"Sinabi ko naman sa iyo eh na walang dahilan ang Cosmic Dragon Institute upang dayain ang nasabing impormasyon. Isa pa ay hindi naman tinatago ni Little Devil ang pagiging inscriptionists nito. Kilala ito sa paggawa ng talisman." Saad naman ni Mistre Yunru. Makikitang tila ba confident ito sa kaniyang mga sinasabi. Kung hindi siya nagkakamali ay nasabi na rin ni Pollux at Adhara ang pagiging inscriptionists ni Little at hindi talaga nito itinago ang nasabing propesyon nito pagdating sa paggawa ng simbolo.

"As in paggawa lang ng mga talisman?! Ngunit bakit ngayon mo lamang sinabi ito sa akin? Hindi mo ba alam na ang pagiging ganap na inscriptionists at ang simpleng paggawa lamang ng talisman ay magkaiba?! Nagawa ko pang ipa-unseal yung mystic energy stone kay Little Devil!" Tila gulat at magkahalong inis na wika ni Mistress Nüying habang makikitang tila gusto niyang takasan ng ulirat sa mga oras na ito. Oo istrikta siya sa mga palatuntunan niya pagdating sa mga ginagawa niya ngunit seeing how he committed a huge mistake right now is really unforgivable to Little Devil's side.

Kung hindi kasi siya nagkakamali ay siguradong makakaramdam ng ibayong panghihina si Little Devil sa mga oras na ito o di kaya ay maaari itong bawian ng buhay kung hindi nito makayanan ang pagkawala bigla ng enerhiya nito sa katawan.

"Hindi ko aakalaing  nagkakamali ka rin Mistress Nüying ngunit wag kang mabahala, Little Devil really is something. Naniniwala akong malalampasan ito ni Little Devil. Paano pa't nanguna ito sa trial ranking at isa pa ay hindi ito basta-bastang natatalo lamang." Confident na turan ni Mistre Yunru na halatang naniniwala sa kakayahan ni Little Devil.

Napalukipkip na lamang si Mistress Nüying sa gilid habang naghihintay ng pagtatapos ng nasabing training period sa labas ng nasabing portal. Alam niyang dahil sa kapalaluan niya ngayon ay maaari siyang maparusahan nito ngunit malugod naman niya itong tatanggapin kung sakali ngunit sana lang ay ligtas na makalabas si Little Devil.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now