Chapter 3.4

276 47 3
                                    


BANG! BANG! BANG!

Malalakas na mga pagsabog ang naganap sa lugar na kinaroroonan ni Li Xiaolong lalo na at hinahabol siya ng limang ekspertong hindi siya nilulubayan ng mga Ito kani-kanina pa. Maliliksi ang mga galaw ng mga ito habang hindi magawa ni Li Xiaolong na matakasan ang mga ito at napapanatili ng mga ito ang distansya sa kaniya ng likuran lamang

Matapos niyang maghanap ng pagtataguan kanina ay tila ba minalas siya dahil mukhang mayroong mga ekspertong tila gumagala upang maghanap ng mga mabibiktima nilang mga nilalang.

Li Xiaolong didn't expect it to happen earlier than he expected. Napasubo na lamang siya sa ganitong klaseng sitwasyon na hindi naman niya ginustong talaga.

"Wag niyong hayaang makatakas ang ungas na iyan!" Seryosong saad ng nasabing lider ng humahabol na grupo kay Li Xiaolong.

"Masusunod boss!" Sagot naman ng isang miyembro ng grupong ito na siyang sinang-ayunan naman ng iba pang miyembro.

Li Xiaolong find it inconvenient lalo na at mukhang hindi talaga siya tatantanan ng mga humahabol na nilalang sa kaniya.

BANG! BANG! BANG!

mga naglalakihang mga bolang apoy ang bigla na lamang ibinato sa kaniya ng kung sinumang nilalang dahilan upang tumalsik si Li Xiaolong sa gilid.

PAH!

Li Xiaolong manage to balance himself ngunit agad siyang nakaramdam ng hapdi lalo na at natamaan ang paa niya sa nasabing atake ng kung sinuman.

Matalim na tumingin si Li Xiaolong sa isang direksyon kung saan nakaramdam siya ng isang presensyang tila ikinubli lamang nito ang sarili sa kanila. Alam niyang hindi maganda ang pagiging mariki kung lumaban ng nasabing nilalang.

"Magpakita ka. Alam kong ikinukubli mo lamang ang iyong sarili sa hangin!" Panimula ni Li Xiaolong sa mataas na boses. Hindi niya aakalaing after he recover his energy kanina ay nagawa pa ng nilalang na ito na gamitin ang maruruming taktika upang gulangan siya.

Labis namang nagtataka ang mga nilalang na humahabol kay Li Xiaolong ngunit napaatras din ang mga ito ng isang pigura ng nilalang ang bigla na lamang lumitaw sa direksyong tinitingnan ni Li Xiaolong.

"Magaling, magaling Little Devil. Hindi ko aakalaing ako ang unang makakakita sa iyo rito. Talagang kinalulugod kong ako ang magdadala sa iyo sa hukay.

Imbes na inis ang naramdaman ni Li Xiaolong ay mukhang kabaliktaran ito sa nararamdaman niyang pagkagalak. Isang emosyong nagagalak ngunit makikita ang labis na emosyon sa mata nito.

"Hehehe... Ikinagagalak rin kitang makalaban. Mukhang tama nga ang aking hinala, gusto akong paslangin ng sinumang nag-utos sa inyo hehehe..." Malademonyong sambit ni Li Xiaolong habang makikitang mabilis na umilaw ang kamay ni Li Xiaolong.

"Mag-ingat kayo!" Sambit ng bagong dating na nilalang sa limang nilalang na humahabol kay Little Devil.

Hindi niya aakalaing pagkatapos ng lahat ng preparasyon niya o nila ay nakaramdam siya ng takot at pagkahilakbot sa maaaring gawin ni Little Devil.

Body Crashing Chains!

Pumulupot na lamang ang parang mga buhay na kadena sa leeg ng limang ekspertong humahabol kanina kay Little Devil o Li Xiaolong. Makikita nag labis na pagkagulat at ibayong sakit sa leeg nila.

Hindi sila makahinga at animo'y pinipilit ang leeg nila dahilan upang manghina ang mga ito ng tuluyan.

Tuwang-tuwa naman ang loob ni Li Xiaolong sa mga oras na ito. Kung hindi dahil sa paglitaw ng isang nilalang na ito ay hindi niya mahuhuli ng sabay-sabay ang maliliksing mga nilalang na ito dahil sa kakaiba nilang Chasing Skill. Hindi ordinaryo ang mga ito and he can't deal peak Xiantian Realm Expert na may kakaibang liksi.

Gustuhin mang malaman ni Li Xiaolong ang nasabing skill na ito ngunit hindi naman ito gaanong kalakas para sa kaniya. He is also has chasing skills at mas higit na makabuluhan ang mga nalalaman niya kaysa dito.

Sa pagpitik ng kamay ni Li Xiaolong ay malakas na sumabog ang kadenang nakapulupot sa leeg ng mga humahabol sa kaniya kanina na mga kalaban niya dahilan upang tumalsik ang mga sariwang dugo sa pira-pirasong parte ng leeg ng mga ito at gumulong-gulong ang mga ulo ng mga peak Xiantian Realm Experts na kanina pa siya di tinitigilan ng mga ito.

Kitang-kita naman ang sindak sa mga mata ng bagong dating lamang na nilalang. Kitang-kita niya kung paano walang awang pinaslang ni Little Devil ang mga kalaban nito na wala man lang kalaban-laban sa kaniya.

"Saan na nga ba tayo? O tama, gusto mo rin pala akong hulihin hindi ba? Ngunit sa nakikita kong takot sa mga mata mo ay mukhang malabo ang aking mga naiisip." Kalmadong sambit ni Li Xiaolong na animo'y hindi ito gumawa ng karumal-dumal kani-kanina lamang na nasaksihan pa ng kalaban niya. Parang ang malademonyong ngisi nito ay napalitan ng ngiting napakalawak.

Napatigil naman sa paghakbang paatras ang bagong saltang nilalang na ito habang makikitang tila nagpanting ang mga tenga nito sa narinig niyang sinabi ni Little Devil. Halatang minamaliit siya nito at niyuyurakan ang pagkalalaki niya maging ang pagiging mahusay niyang martial artist.

"Manahimik ka Little Devil. Hindi ko aakalaing ang kapal ng pagmumukha mong lumitaw at magpakita pa dito sa Cosmic Dragon Institute. Para ano, gawin mo ang nais mong gawin? If I know, marami ang galit sa iyo at maaaring maging kaaway mo sa hinaharap dahil sa nakukuha mong atensyon sa matataas na nilalang sa loob ng paaralan natin!" Walang kagatol-gatol na saad ng nasabing lalaking nag-aaral din sa Cosmic Dragon Institute na ito. Halatang isa siya sa may galit na kinikimkim sa paglitaw ng Little Devil na ito at gusto niya ring mawala ito sa landas nila.

Sino ba naman kasi ang gustong malamangan at ibahagi pa ang mga cultivation resources ng Cosmic Dragon Institute sa kapwa nito? Kung walang mga talentadong mga batang martial artists na dumarating sa prestirhiyosong paaralang pinag-aaralan niya ay siguradong sa kanila pa ring mga average lamang ang talento mapupunta ito. Little Devil is just one of the talented individuals na maaaring kumuha ng lahat ng mga bagay na meron sila sa hinaharap lalo na sa cultivation resources. Marami na ngang malalakas na eksperto ay dadagdag pa ito sa mga palamunin ng Cosmic Dragon Institute? Hindi siya o sila makakapayag that's why they accept the offer.

Average man ang talentong meron sila kung maituturing sa Cosmic Dragon Institute lalo na sa kapwa nila estudyante ay naniniwala silang mapapaslang nila si Little Devil dahil na rin sa kasanayan at agwat ng mga edad nila. They are really capable of kicking and killing those newbies.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now