Chapter 2.7

280 45 2
                                    

"Hahaha... Hindi ko aakalaing tunay nga ang aking obserbasyon. Hindi ka isang conjurer. Sigurado akong may tumutulong sa iyong nilalang upang gumawa ng mga sneak attacks!" Seryosong wika ng batang si Li Xiaolong habang siansabi ang mga katagang ito.

"Paano mo nasabi ang mga bagay na iyan?! Walang tumutulong sa akin!" Saad naman ng batang si Moon Saber na halatang hindi ito aamin sa mga bagay na naobserbahan ni Little Devil.

"Talaga ba? Nagmamaang-maangan ka pa? Wala kang maitatago sa akin lalo na sa sword mark ng tatlong espadang alam kong hindi mo ito pagmamay-ari. At ang dalawang pike kanina ay sigurado akong hindi sa iyo galing iyon!" seryosong sambit naman ni Li Xiaolong dahil ayaw niyang maniwala sa sagot ni Moon Saber.

"Hahahaha... Kahit ano'ng sabihin mo ay wala pa rin iyong kwenta. Wala kang ebidensiya Little Devil kaya wag kang mangbintang!" Inis na turan ni Moon Saber na halatang hindi ito natutuwa sa pinagsasabi ni Little Devil sa kaniya.

"Talaga ba? Paano kaya kung isumbong kita sa mga awtoridad rito lalong-lalo na sa Dou City? Sigurado akong hindi lamang ikaw ang masisira kundi ang buong angkan o pamilyang meron ka!" Pagbabanta naman ni Li Xiaolong habang sinasabi ang mga katagang ito.

"Wag mo kong takutin Little Devil. Sa oras na mapaslang kita ay siguradong hinding-hindi mangyayari ang gusto mo!" Inis na inis na wika ni Moon Saber habang mapakla pa itong tumingin kay Little Devil.

"Yun ay kung may abilidad kang gawin iyon. Hindi ko aakalaing ang isang batang katulad mo ay nagagawa ang karumal-dumal na gawain. Talagang niyurakan mo ang isang dangal ng isang swordmaster!" Mapang-uyam na wika ni Li Xiaolong habang nakatingin ng matalim sa gawi ni Moon Saber.

"Ano naman kung gayon? Hindi lamang ikaw ang may pangarap Little Devil kaya wag kang mag-alala dahil katapusan mo na ngayon din!" Galit na wika ni Moon Saber na halatang naiinis na talsga siya kay Little Devil ng sobra.

Umilaw ng malakas ang tatlong espada kasabay nito ang mabilis na pagbulusok nitong muli sa direksyon ng batang si Li Xiaolong.

Agad na nakita ni Li Xiaolong na mukhang aatake ang kalaban niya sa kinaroroonan niya. Talaga nga namang hindi niya mapigilang makaramdam ng panganib mula rito.

Tunay ngang malaking banta sa kaniya ang nasabing nilalang sa likod ni Moon Saber. Talagang madaling linlangin ang isang ito at mukhang hindi talaga ito nagbibiro sa mga sinabi nitong kikitlan siya nito ng buhay sa loob ng Battle Arena na ito.

BANG! BANG! BANG!

Todo-iwas ang ginawa ng tatlong katawan ng batang si Li Xiaolong lalo na at nakakamatay ang mga atake nito. Hindi siya makapaniwala sa lakas ng isang ito.

Malalakas na pagsabog ang naganap dahilan upang ang malawak na battle arena na ito ay nagmistulang nabalutan ng mga alikabok dulot ng mga pagsabog sa kalupaan.

Walang nagawa ang batang si Li Xiaolong kundi ang lumipad paitaas. He will not be in a lower hand anymore. Alam niyang di siya mananalo sa pagsunod sa mga atake ng kalaban niya o pag-iwas rito.

"Sa tingin mo Little Devil ay makakaligtas ka sa mga kamay ko? Hinding-hindi mangyayari iyon!" Sambit ni Moon Saber kasabay nito ang pag-alpas ng tatlong pambihirang espada na mabilis na patungo kay Li Xiaolong.

Fire Skill: Unmarked!

Tatlong pigura ni Li Xiaolong ang nagliwanag at lumabas ang nakakapasong apoy mula sa mga kamay ng mga ito.

Mabilis na nalaglag ang tatlong pambihirang espada sa kalupaan na siyang ikinagulat ng lahat. Ikaw ba naman ang hindi magulat sa nasabing pag-atakeng iyon. Hindi kailanman maaaring mangyari ang kinatatakutan nila dahil higit na malakas ang espada kaysa sa enerhiya ng apoy lamang. Kita nilang malapit na itong mahagip sa dibdib ang kalaban ngunit hindi ito nagtagumpay sa mga binabalak nito.

*crack *crack    ---- BANG!

Sumabog ang suot-suot na singsing ni Moon Saber sa kanang kamay nito sa mismong ring finger nito dahilan upang

Napangiti na lamang si Li Xiaolong dahil sa tama ang kaniyang sariling intuition. Nandirito lamang ang kahinaan ng nasabing ataek nito gamit ang pambihirang espadang hindi naman talaga nito pagmamay-ari at gusto siyang ipapaslang rito.

Nakaramdam ng galit si Li Xiaolong habang iniisip ito kung sino ba ang gusto siyang tuluyang burahin sa mundong ito. Alam niyang marami na siyang mga kalaban noon pa man at aalm niyang hindi na siya mabanwasan ng mga may galit sa kaniya.

Nasapo ni Moon Saber ang kamay nitong tila walang tigil sa pagdurugo dulot ng nasabing pagsabog. Nawala na rin bigla ang tatlong pambihirang mga espadang gamit nito ni walang bakas kung nasaan ito.

Hinang-hina at parang papel ang kulay ng balat nito dahil sa labis na panghihina nito.

"Paanong nangyari ito. Hindi maaari! Ako dapat ang mananalo sa labang ito!" Parang lantang gulay na sambit ni Moon Saber ngunit nagawa pa nitong sumigaw kahit na hinang-hina na talaga ito.

"Nakakaawa man ang lagay mo ngunit mukhang mali ang iyong pagkaunawa sa mga bagay-bagay patungkol sa paggamit ng sandata. Isa kang Saber User ngunit nagawa mong linlangin ang sarili mo upang gamitin ang espadang hindi mo naman talaga gamay. Isang kahihiyan ang ginawa mo para sa mga saber users!"
Puno ng inis na wika ng batang si Li Xiaolong sa kaedaran nitong si Moon Saber.

Isang kalapastangan ang ginawa nito lalo pa't hindi niya aakalaing magagawa ito ni Moon Saber sa mga saber users.

Ano'ng palagay nito? Okay lang na gumamit ng espadang hindi naman talaga ito marunong at napipilitan lamang. Gumagamit man siya ng ibang mga uri ng sandata ngunit alam niyang maling-mali ang ginawa ni Moon Saber dahil ginamit niya ang kakayahan nito sa maling pamamaraan.

Halatang ang istilo ng atake nito ay isang uri ng atake gamit ang saber na mas magaan at matalas kumpara sa espada. He really didn't know na ang espada ay pang close combat habang ang saber ay pang-atake sa malayo at pang-sneak attack. Ang dalawang sandata ay hindi maaaring ikumpara sa isa't-isa.

Natahimik na lamang si Moon Saber sa kaniyang sariling kinaroroonan at napasalampak sa lupa. Nangingilid ang luha nito habang nakatingin kay Li Xiaolong.

Nagulat na lamang si Li Xiaolong nang mapansin ang paglitaw ng apat na maliliit na saber sa ulo ni Moon Saber. Ramdam ni Li Xiaolong ang Killing intent mula rito habang nanlaki ang mga mata ni Moon Saber dahil sa labis na gulat at pagkatakot.

Kasabay nito ang paglitaw ng isang may edad na babaeng nakasuot ng puting roba na may disenyo ng isang berdeng dragon (Jade Dragon). Makikita ang galit sa mga mata nito habang nakatingin kay Moon Saber.

"Ang lakas ng loob mong mandaya sa loob ng Arena ko bata. Hindi lamang iyon, nagawa mo pang paniwalain ang lahat sa kakaibang kakayahan mo. Isa kang kahihiyan sa mga saber user na katulad ko!" Madiing saad ng ginang na bagong dating lamang papasok sa loob ng Battle Arena.

Hindi nakaimik si Moon Saber dahil mukhang iisa lamang ang kakahantungan niya at iyon ay ang kamatayan. Bakas sa ginang na nasa hindi kalayuan sa kaniya na nagpupuyos ito sa galit.

Hindi naman nag-aksaya ng oras si Li Xiaolong kundi ang pigilan ang susunod na gagawin ng ginang. Sanay naman siyang makakita ng patayan ngunit hindi naman niya maaatim na mapaslang ang isang katulad ni Moon Saber. Ramdam niyang magiging malakas na eksperto ito sa hinaharap kung magagabayan lamang ito ng tama. His saber style is really good dahil alam niyang sobrang bigat ng tatlong espada iyon at pinagsabay pa nitong atakehin siya.

Yun nga lang ay mali ito ng ginamit. Kung sino man ang nilalang sa likod ni Moon Saber ay alam niyang may pagkatanga ito at sigurado siyang ngayon niya lamang ito ginawa lalo na at nandito siya. Siguradong may nagmamatiyag sa kanila kanina pa pagpunta pa lamang nila rito. Ngunit sino?!

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now