Chapter 2.11

305 54 4
                                    


Ngunit tila napatahimik ang lahat nang biglang humawi ang tumpok ng mga batang mga estudyante nang biglang may dumating na isang nilalang patungo kay Li Xiaolong.

Naramdaman naman ni Li Xiaolong ang presensya ng isang nilalang na gumamit ng enerhiya nito habang kumakaripas patungo sa kaniya.

Pinakiramdaman ni Li Xiaolong ang daloy ng hangin upang malaman ang eksaktong lokasyon ng nasabing agresibong nilalang.

Bago pa man mahawakan ng bagong dating na nilalang ang robang suot ni Li Xiaolong ay mabilis na tinabig nito ang kamay ng nasabing nilalang bago pa siya tuluyang hablutin nito.

PAH!

Umalingawngaw ang tunog ng pagtabig ng batang si Li Xiaolong dahilan upang mapaatras ang nasabing nilalang na kinukubli ang presensya nito sa hangin.

Ilang metro mula sa kinaroroonan ni Li Xiaolong ay nakita niya ang pigura ng isang pamilyar na nilalang. Kung hindi siya nagkakamali ay isa ito sa mga nakalaban niyang kapwa niya batang kalahok sa ginawang trial noon ng Cosmic Dragon Institute.

Tunay ngang maliit ang mundo at tila sa dami-daming posibilidad ay dito pa sila magkikita na unang araw pa lamang.

Kakasimula pa lamang ng pasukan ngunit mukhang may makakaaway na siya.

Kitang-kita ni Li Xiaolong kung gaano katalim ang tinging ipinupukol ng bagong dating na nilalang sa tinatahak niyang daan. Mukhang sa tingin nito ay para siyang hihiwain ng buhay.

Kung nakakamatay lamang ang tingin nitong tila mayroong personal at mabigat na galit na kinikimkim sa puso nito.

"Sa wakas ay nagkaharap rin kitang muli Little Devil. Base sa tingin mo ay tila naaalala mo ako." Sambit ni

Walang kagana-gana namang tiningnan ni Li Xiaolong ang nasabing nilalang sa harap niya na halos kaedaran niya lamang at nagwika.

"Sino'ng hindi makakalimot sa makapal na mukha mo. Ikaw kaya ang ipahabol sa sangkaterbang mga nilalang, di mo ba matatandaan iyon?!" Sarkastikong sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin na ngayon sa direksyon ng nasabing nilalang.

Kung hindi nagkakamali si Li Xiaolong ay ito ang kasama ng batang galing sa Kǒng Clan. Pambato ng mga ito to be exact.

Napasinghap naman ang lahat sa sagot ng batang si Li Xiaolong at tila ba hindi naman mapigilan ng lahat na bigyan ng nakakatawa ngunit mapanghamak na tingin ang bagong saltang nilalang.

Nagpupuyos naman sa labis na yamot at galit ang batang si Mǎ Jian. Tila ba napahiya siya sa naging pabalang na sagot ni Little Devil.

"Hahaha... Porket nangunguna ka sa Trial Ranking Little Devil ay lumalaki na ang ulo mo. Bilog ang mundo Xiaolong, maaaring ngayon ay magiging maayos pa ang lagay mo ngunit nasisiguro kong magiging impyerno ang buhay mo rito hmmp!" Seryosong saad ng batang si Mǎ Jian habang makikitang binabantaan nito ang existence ng batang si Little Devil.

Bored naman siyang tiningnan ni Li Xiaolong at walang ano-ano pa ay nagsalita itong muli.

"Ganon ba? Mukhang paghahandaan ko pala talaga ang mga araw na sinasabi mo. Salamat sa iyong paalala! Mauna na ko ha!" Nakangiting sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis na itong naglakad papalayo na mukhang may importanteng lakad.

*Ting *Ting *Ting

Bago pa man magsalitang muli si Mǎ Jian ay isang malakas na tunog ng bell ang umalingawngaw sa buong sulok ng paaralan dahilan upang magsitskbuhan ang mga estudyante patungo sa direksyon kung saan naroroon ang malaking hall upang pagdausan ng pagtitipon ng lahat ng mga estudyanteng baguhan man o matagal ng nag-aaral sa mismong paaralan ng Cosmic Dragon Institute.

Hindi maipagkakailang isang mahalagang araw ito sa lahat dahil sa unang araw ito ng pasukan at masyadong masikreto ang paaralan sa mga future activities kaya maaaring mayroong mahahalagang anunsyo at pagbabago sa darating na mga araw sa pamamalagi nila sa Cosmic Dragon Institute.

Hindi mapigilang makaramdam ng inis si Mǎ Jian sa takbo ng pangyayari ngayon-ngayon lamang. Napahiya at mukhang palaban ang nasabing Little Devil na isa lamang ordinaryong nilalang.

Napa-imbestigahan na nila ang nasabing nilalang na ito na kaedaran niya lamang. Galing lamang ito sa mahinang angkan at sobrang dukha pa ng mga ito. Ultimo pagkain lamang ng mortal ang kinakain ng mga ito dahil sa labis na kahirapan. There are just fools at naniniwala siyang lamang sila ng higit kaysa rito dahil sila ay kumakain ng mga pambihirang mga pagkain at sangkap samantalang ito ay salat sa anumang bagay na tinatamasa nila.

Patutunayan nilang mali ang Cosmic Dragon Institute sa pagtanggap at pagpili sa Little Devil na iyon upang mag-aral rito. Hindi sila makakapayag na ang isang hampaslupang nilalang lamang ang maghahari-harian dito. Hindi sila magpapatalo rito o susuko hangga't hindi napapatalsik ang pesteng Little Devil na iyon.

Dahil sa labis na pag-iisip ni Mǎ Jian ay hindi niya namalayang nakarating na siya sa loob ng malawak na hall.

Bumalik lamang siya sa kaniyang ulirat nang makita niyang kumakaway sa kaniyang gawi ang isa sa maaaring maging kasangga o kakampi niya upang labanan si Little Devil.

Agad na niyang tinawid ang pagitan nila at nakarating na siya sa pwesto ng nasabing magiging kasangga niya.

"Ano'ng nangyari Mǎ Jian? Hindi ko aakalaing unang araw ng pasukan eh late ka? Aba'y himala atang nahuli ka ng punta rito." Sambit ng batang si Kǒng Xiaobo habang makikitang nagtataka ito. Never kasi itong nahuli ng punta sa mga mahahalagang okasyon at mas lalong di ugali ni Mǎ Jian na magpahuli.

"Tama lang ang punta ko rito noh. Nga pala, nakita mo na ba ang bagong saltang nilalang na ito na mukhang may utang sa atin ng malaki?!" Makahulugang wika ng batang si Mǎ Jian habang nagtatanong ito kay Kǒng Xiaobo.

"Hmmp! Ang walang kwentang Little Devil ba ang tinutukoy mo?! Oo, nakita ko na ang nilalang na iyon. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ninakaw nitong double blade sword ng aking angkan na hanggang ngayon ay di pa rin nitong ibinabalik sa akin!" Galit na galit na sambit ni Kǒng Xiaobo habang makikitang hindi nito mapigilang manggalaiti sa mga oras na ito.

Bumalik pa rin sa alaala niya ang hirap na dinanas niya sa parusa ng kanilang Clan Chief. Mabigat na parusa ang ipinataw sa kaniya dahil sa pagkawala ng isa sa mahalaga at iniingatang bagay ng kanilang Kǒng Clan.

"Ano'ng plano natin Kǒng Xiaobo upang gantihan ang pesteng Little Devil na iyan? Tiyak akong hindi magiging maganda ang dulot ng pag-aral niya rito. Mas mabuting maturuan ang nilalang na iyan ng mas nakakalakas rito!" Seryosong saad ng batang si Mǎ Jian  habang nagpipigil lamang ng kaniyang sariling inis.

"Marami akong planong naiisip upang gantihan ang nilalang na iyan. Isa pa ay gusto kong bawiin ang double blade sword na ninakaw niya sa akin upang maibalik ko ang dignidad na meron ako at ng aking magulang sa aking angkan!" Seryosong wika ni Kǒng Xiaobo habang makikitang malalim itong nag-iisip na ipanggagamit niya laban kay Little Devil.

"Ako ang unang gagawa ng hakbang upang turuan ng leksyon ang pesteng Little Devil na iyan!" Inis na sambit ni Mǎ Jian habang makikitang gusto na nitong kumilos upang labanan si Little Devil at turuan ito ng leksyon ngayon din.

Ngunit mabilis siyang binatukan ni Kǒng Xiaobo dahilan upang makaramdam ito ng sakit at mapatigil ito sa maaaring gagawin nitong plano sa kasalukuyan.

"Huwag kang magpadalos-dalos Mǎ Jian kung ayaw mong magmukhang masama sa lahat lalo na sa mga guro ng Cosmic Dragon Institute. Wala kang laban sa atensyong meron ang pesteng Little Devil na iyan sa kasalukuyan. Mag-isip ka ng mabuti!" Seryosong sambit ni Kǒng Xiaobo habang makikitang hindi ito sang-ayon sa gagawin ni Mǎ Jian laban kay Little Devil.

Napatango na lamang si Mǎ Jian matapos niyang mapagtanto na tama nga si Kǒng Xiaobo. Maaaring ikapahamak niya pa ito at nasa pampublikong lugar sila. There's no way na makakatakas siya sa mata ng mga martial arts experts na naririto na kapwa kaedaran niya. He is not that confident na mangdamay ng kapwa niya at baka balikan pa siya ng nga ito. This will just benefit Little Devil, at siya ang magdurusa sa magiging resulta ng mga gagawin niya.

Napakuyom na lamang siya ng sarili niyang kamao habang nagngingitngit ang kalooban niya. Nagpipigil lamang siyang ipalasap ang tsglay niyang lakas at kapangyarihan kay Little Devil. Naniniwala siyang makakahanap din siya ng tamang pagkakataon upang maisagawa ang maitim nilang plano laban kay Little Devil.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon