prologue

374 9 1
                                    

"IMPATIENT TO remove the last barrier between them, she hooked her thumbs into the top of his brief trunks, bent her knees and pushed them downward. Dropping lower, she dealt out a sweet torment of her own, scattering hectic kisses over his chest, his ribs, his lean belly. Her teeth raked his protruding hipbone. Her tongue lathed the hollow just inside it. . . "

Tokneneng naman oh! Sobrang intense na ng mga pangyayari. Pati ako na tahimik lamang na nagbabasa ay pinagpapawisan na sa kung ano mang susunod na senaryong magaganap.

Nang sundan ko ang sumunod na pahina, ay gayon na lamang ang panggilalas ko.

"Oh hindeee!!" Buwis-buhay kong pagngawa. Potek naman! Sa lahat ba naman ng pahina na pwedeng mapunit at matuklap, eh iyon pang wakas!

"Tumahimik ka nga Sid. Nambubulahaw ka ng mga naiidlip na langaw at lamok. Mahiya ka naman sa buong sanlibutan. Kita na yang ngalangala mo."

"Grabe ka naman Solly! Anong buong sanlibutan ba yang sinasabi mo, eh nasa loob lang naman tayo ng classroom. At echos me lang huh, wala akong nabubulabog na ano. Tayo lang kaya ang tao sa silid-aralan na ito." Pambabara ko naman sa kaibigan kong matalik.

Medyo maaga pa naman kaya wala pa gaanong mga estudyante ang nagagawi. Tutal tapos na naming linisin ang mga silid na nakatoka sa amin, kaya hayun pabasa-basa na lang ako sa may sulok.

Working scholars kaming pareho ni Solly. Hindi naman kasi kami masyadong katalinuhan kaya kailangan naming magbanat ng buto para lang makapag-aral.

"Kahit na Sid. Pag nagkataong may mga bangaw na nagmamanman sa atin, isumbong pa tayo kay Madame Principal at baka matanggalan pa tayo ng scholarship. Lagot na!" Madramang turan ni Solly na nakatingala pa sa ibabaw ng kisame animo'y naghahagilap ng divine intervention, gaya ng palaging iginagawi ni Sister Agatha.

"Kuh...hayaan mo na ang mga bangaw na iyon. Hindi nila matitibag ang partnership powers natin." Pagkokonsola ko sa kanya.

Bangaw ang katawagan namin sa mga kontrabidang echoserang frogs na walang ibang layunin kundi ang siraan kami sa Pamunuan ng Akademya upang kami ay mapatalsik. Pero, sorry nalang kayong mga palaka! Matayog pa ang determinasyon namin na mairaos ang huling taon sa sekundarya.

Maya-maya, nagdagsaan na sa pagdating ang ilang mag-aaral. Sumunod naman ang di-magkamayaw na sigawan at kaguluhan.

Anak ng tinapa, naman oo! Andito na pala ang sanhi ng kaguluhan. Ang puno't dulo ng kasalukuyang delubyong nagaganap. Araw-araw, ganitong eksena ang bubulaga sa iyo at sa totoo lang ang sakit sa tenga.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa isang iyon----isa siyang taekwondo jin, black belter at SEA Games Gold Medalist, part time model at band vocalist. Bonus na yung taglay niyang kagwapuhan at katalinuhan.

Hay. . . Phil, my labs kelan ka kaya magiging akin?!

"Aray!" Isang kaltok-de-kalimot ang ipinatikim sa akin ni Solly.

"Kakahiya ka. . .tulo-laway mo Sid! Punasan mo nga yang armchair mo. Nananaginip ka na naman ng gising! Tsk...tsk..." Napailing-iling pang saad niya saka nito inayos ang salamin na bahagyang nawala sa pwesto.

"Wala naman ahh!" Depensa ko ng mapagtantong ginu-goodtime na naman ako ng kaibigan.

Napabungisngis lang ang bruhilda. Hmmmpp...

Siya namang pagpasok ng aming class adviser na si Mrs. Desiedida S. Mujabal.

"Class, lend me your ears for a while" panimula niya. "On leave for a month si Ms. Gina Mosh, ang adviser ng star section. At dahil ang nahanap na substitute, unfortunately ay  naaksidente kaya minabuti na lamang ng pamunuan na hatiin ang klase at i-distribute sila sa iba't ibang sections. Bale may anim na taga-star section ang makiki-seat in sa atin sa loob ng isang buwan. Am I making myself clear, Class?!"

"Yes, ma'am!"

"Good!" Pakli ni Mrs. Mujabal saka tinungo ang labasan. Pagpasok niya muli may kasama na siyang estudyante na mula sa star section. Gayon na lamang ang hiyawan ng buong klase ng makilala ang isa sa mga makiki-seat in sa amin----- walang iba kundi ang kinahuhumalingan ng buong sambayanan ng akademya, si Phil Ynares.

My gosh! Kung ito man ay pira-pirasong pangarap, pagtitiyagaan ko talaga itong buuin.

Tomoooh!

"Okay, class settle down. Let's continue our oral recitation in Physics. Where are we now... okay... Ms. Yulo, differentiate the Law of Acceleration from the Law of Gravity." Diretsahang tanong ni Mrs. Mujabal.

Putakte naman ng ina mo, oo! At ako pa talaga ang sinuwerteng tinawag.

Ugh! Hindi ako prepared Ma'am pero kailangan kong magpakitang gilas. Katabi ko pa naman si Phil, my labs. Alphabetical order kasi ang seating arrangement namin at alternate, boy-girl. Sinuwerte namang magkatitik ang aming apelyido.

Oh, ha?! Destiny lang yan mga tsong! Bwahaha...

"Ms. Yulo... stand up, we're waiting for your answer." Napahalukipkip pang saad ng aming Physics teacher.

Kahit nangangatal at bahagyang nangangatog pa ang aking mga tuhod, pinilit kong tumango at humanap sa madlang kaklase. Lunok-laway muna ako bago nagsimulang magsalita.

"LAW OF GRAVITY is easier than the LAW OF ACCELERATION. B-because... because it's easier to FALL..." sinadya kong ibitin ang sasabihin, saka ko tinitigan ng mataman si Phil bago nagpatuloy sa pagsasalita... "...than to MOVE ON."

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now