kabanata ix

108 4 0
                                    

IBINABA AKO NI Phil sa Sto. Domingo Church sa instruksiyon ko na din. Nagpumilit pa nga siyang hintayin ako ngunit mariin na akong tumanggi. Mabuti naman at pumayag din sa wakas, kaya hayun lumarga na siyang mag-isa. Nang masiguro ko na talagang nakaalis na siya, dumiretso ako sa pinakamalapit na comfort room saka agad nagpalit.


Whoah! Nagkakasala naman ata tayo neto ng di-oras. Haist! Kung ano-ano pang topak kasi ang naiisip ko at nagawa pa ang kalokohang iyon. Ang eng-eng lang! 


Matapos makapagpalit sumibat na ako. Nakasilid na sa hawak kong paperbag ang 'props' ko kanina. Habang lulan ng jeep pabalik sa apartment na tinutuluyan ko, sumagi sa akin iyong nakita ko sa loob ng sasakyan ni Phil. Crap!


Ngayon lang rumehistro sa akin na sulat-kamay ko pala iyon. Papaanong napunta sa kanya ang kopyang iyon? Tapos kanina...nung lingunin ko siya ang lapad-lapad pa ng pagkakangiti wari'y may ipinahihiwatig.


Ugh! Nahalata na kaya niya?!


Dahil sa nagliliwaliw sa kabilang kontinente ng mundo ang utak ko, kaya hindi ko na namalayan na lumampas na pala nang tatlong kanto mula sa apartment ko.


"Manong para ho! Diyan lang sa tabi." with matching tuktok ng barya dun sa bubong ng jeep. Matapos maiabot ang bayad, binagtas ko ulit ang daan pabalik. Tsk. Tangangers lang!





















KINABUKASAN SIYEMPRE,  balik naman ako sa dating gawi---ang pagiging dakilang parlorista. Maraming kustomer ng araw na iyon kaya pansamantalang nawaglit sa isipan ko ang mga kaganapang hindi kaaya-aya.

Chos! Kaganapan talaga. Parang kay lalim lang ng hugot.

Nang medyo wala na gaanong kustomer doon na nagsimulang mag-usisa si Basha.


"Atiiee...how's the reunion eklavu niyo?!" pasimpleng tanong ng baklita habang busy naman ang kamay sa pagni-nail file.


Nagkibit-balikat ako. "Ganun pa rin mga kaklase ko noon. Kamustahan toda max lang kami, tapos may daming lafang na panglamon, videoke...mga ganun-ganon ba. Ano pa bang bago? Same old, same old...ika nga nila."


Napatango-tango naman siya. "Eh atiiee, di ba you saveeh beach party yun?! Edi bongggaciousness the OOTD ang peglalu nila. Ugh..the body, the abs and the such! Nomnom! Yumminess overload! Ay pak na pak!" aniya pa kapagkuwan saka pumalakpak. Kita mo talagang nagniningning pa ang kanyang precious eyes. He/She even batted his/her peluka. "Nakew, FB and IG mode tayels. Ye know baka may newest uploaded photo ang mga hotness fafaness kahapon bout sa parteh-parteh niyo atiiee! Eiii..." at talagang namimilipit pa ang binabae sa sobrang kilig. -,-

Ang Parlorista Na RakiteraWo Geschichten leben. Entdecke jetzt