kabanata vii

116 4 3
                                    


"O NGAYON NAMAN mga bata, tukuyin niyo alin sa mga sumusunod na pares na mga salita ang magkasingkahulugan at magkasalungat." Itinuon ko ang stick na hawak sa mga salita na nakasulat sa chalkboard.

"Malawak-Maluwang" basa nila. "Magkasingkahulugan." magkapanabay naman nilang wika.

"Matalino-Mangmang"

"Magkasalungat."

"Mabango-Mahalimuyak"

"Magkasingkahulugan."

"Wow! Very Good! Ang gagaling na ninyo." puri ko sa kanila. Maya-maya, tumunog ang cellphone kong nakasilid sa bag.

"Ahh...sandali lang, class." paalam ko sa kanila saka ako lumabas mula sa silid na iyon upang sagutin ang tawag.


Si Solly ang napatawag. Katunayan nga pang-ilang beses na niya itong pagkontak sa akin. Pinaalalahanan pa rin niya ako hinggil sa gaganaping reunion sa araw na ito.


"Soledad...sinabi ko na sa'yo na tatapusin ko muna ang pagtuturo ko dito sa orphanage saka ako susunod diyan. Maliwanag na---"

"Uhmm...I'm sorry, it's not Soledad..."



Awtomatikong napahinto ako sa pagsasalita. Diyata't naging boses-lalaki si Solly. Posible kayang nanakawan ng cellphone ang bruha?! OMG!

Naman! Naman! Talamak na talaga ngayon ang masasamang gawi.


"Ahh...Sid?! Are you still there?!"


Napatakip ako ng bibig. Tokwa! Inglesero pa 'tong si Manong Snatcher, hah! At take note, tinawag pa niya ako sa palayaw ko.

Uhh...wait, kilala niya ako?! Papaanong. . .


"Sid?! Sid. . .actually, it's me Phil. Phil Ynares. Remember?!"


Anak ng tinapa. Anak ng tilapya. Anak ng kabalya. Emegeed! Si Phil Ynares ang kausap ko. SI PHIL YNARES! Intense lang pipz! Whoaahh! Maghunus-dili ka Isidra! 


"O-ohh, a-ahh...i-ikaw pala yan M-Mr. Y-Ynares." Err...eh di nabulol din ang popoy niyo. Tsk. Di ko 'to inasahan, pramisees!


"Just call me Phil, Sid. Just like the old times. Masyado kasing pormal ang Mr. Ynares." aniya pa na binuntutan ng mahinang tawa.


"A-ahh...o-okay Phil, my la---" agad akong napatakip ng bibig.


Ugh! Tokneneng! Muntik ko nang madugtungan ng 'my labs'. Buti nalang talaga at napigilan ko pa. Ipapahamak pa yata ako netong matabil kong dila. -,-


"Yes?! May sasabihin ka ba?!"


Crap! 'tay tayo diyan!


"A-ano kasi Phil, my...may tatapusin lang muna ako saglit dito sa orpahange, saka pa ako makakapunta jan. Okay lang ba?!"

Whooaah! Lusot pa rin sana ang alibi ko.


"Yeah, it's quite fine. If you like, pwede kitang sunduin jan."

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now