kabanata iv

132 5 2
                                    


KINABUKASAN, MAAGA akong pumasok sa trabaho at gaya ng nakasanayan nilakad ko lang ang daan papuntang salon.


Nang mapadaan ako sa kina Aling Bekki, may mangilan-ngilang kadalagahan at kabekihan ang umiistambay sa gilid ng kanilang compound. Isa kasi sila sa pinakamalaking dealer at supplier ng isda sa buong lugar. Nagsusuplay din sila sa ilang food chains, stalls at kilalang restaurants. Hindi lang mga isda, kasali na din ang iba't ibang klase ng seafoods.


Wait...hindi ang business trend ni Aling Bekki ang inaaantabayanan ng mga kadalagahan at feeling nagdadalaga ha. Kundi ang mismong mga workers at errand boys nito. Mabenta kasi sa kanila ang mga "taga-buhat" ng timba at kinahong foam ng mga isda at seafoods. Karamihan kasi sa kanila ay tuma-topless at hindi maikakailang mayroon din namang may itsura. May mga face value, kumbaga!


Saktong pumarada sa harap ng gate ang bagong dating na fish dealer truck. Nang bumaba ang mismong driver ng nasabing truck, ay ganoon na lamang ang pagsitilian ng mga kabekihan na nagdadalaga na 'yata'. -,-


"Oh my gosh, oh my gosh! Ang super h-hot ni Fafa Uke!"


"Ayy teh, lumuwag strap ng bra ko sa kaguwapuhan niya!"


"Sisteret! Malalaglag na yata aking panty sa sobrang hotness niya...eeiihh" 


Tapos nun...may tumilapon ngang isang red na T-back.

Ugh! So gross!


Ano ba yan...hindi na nahiyang ikalat sa gitna ng kalsada ang kanilang tinatagong nevermind! Brr...

Mga imbyernang baklita! Di man lang naghunos-dili! Sakit niyo sa bangs!



Hahakbang na sana ako palayo sa lugar na iyon nang muling mapatigil lang dahil sa nakabibinging sigawan at tilian. 

Nang mapaharap ako, literal na naipako ako sa kinatatayuan. Si Kuyang Mangingisda na hinuhubad ang kanyang white shirt. Parehong-pareho yung klase nang paghubad ng damit ni Christian Grey. Ganun!

Ammpp...ang sexy mehn!

Ayan...expose na naman ng broad chest, muscular built at ugh...ang pamatay na six pack abs!


Good heavens! Napatitig nalang ako ng bonggang-bongga sa katawan niya. Lakas makahatak ng pwersa teh!


At nang mapadako ang tingin ko sa mukha niya...NGINISIHAN LANG NIYA AKO NG NAKAKALOKO. Wat da...

Tokneneng! Bistado pa ata ako.


"Uke , darling...pinagpapawisan ka na!" anang baklitang naglakas-loob na lumapit sa kanya na may dalang hand towel at akmang pupunasan ang malapad nitong dibdib. Napansin kong napakislot siya at bahagyang nagbigay ng distansiya palayo. Medyo ilag dito. Nang mag-angat siya ng tingin, salubong ko ang titig niya. 


Ako nalang ang unang nagbawi ng tingin. Di ata kinaya ng powers ko. Wala kaya siyang saplot pang-itaas. Di ko knows if asan ibabaling ang mata:  Sa mukha ba niya, sa yumminess na anim na pandesal o sa umbok na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Takte! Ako pa yata ang mukhang rated SPG ang isip.

Ang Parlorista Na RakiteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon