kabanata xiv

86 6 0
                                    

"HELLO SISTER, my pleasure to finally meet you." anang sugar mommy ni Uke este ano pala ina pala ni Phil. Inilahad pa nito ang kamay para makipag-shake hands. Ako pa yata itong nag-atubili. 

Mahabaging langit! Hindi ko ata kinakaya ang rebelasyong ito.


Hanep din naman makapamili ng gagawing sugar mommy etong si Ukeng Mangingisda. Iyon pa talagang nahahanay sa altasosyedad at tinitingala sa lipunan. Hindi maipagkakailang sunod sa luho ang magaling na lalaki---mula sa gamit na pabango, aftershave, damit at undergarments, lahat at de-tatak. Sa madaling salita, branded. Malamang..naka-bingwit ba naman ng saksakan ng yaman na matrona, naturalmente barya-barya lang para dito ang gastos.


Tsk, tsk..naawa ako sa matandang Ynares. Hindi marahil nito batid ang kataksilan ng kabiyak. Mukhang si Phil ay ganun din. Bulag sa kalokohan ng kanyang ina.

Pa'no kaya kung sasabihin ko ang nalalaman kay Phil, my labs?!


Arggh..lalabas naman ako netong pakialamera at nanghihimasok sa buhay ng may buhay. Ano ba talaga?


Napabuntung-hininga ako.


"Sister..don't you like the food? Di mo kasi nagagalaw ang pagkain mo. It's okay if you like to order another dish." 

"Ahh..eh, hindi na po kailangan Madam. Ayos na po ang mga eto. Ano kasi, ahh.. n-nahihiya po akong makisalo sa inyo. Baka ikako kalabisan na ang presensiya ko sa bonding niyong mag-ina. Paumanhin ho." pakli ko sabay yuko ng ulo.

"Oh! No, no, no..don't say that. It's really, really fine with me, also with my son. In fact, it's a great pleasure to have you joining us." ani pa ni Mrs. Ynares na bahagya pang pinisil ang kamay ko habang nakapaskil sa mukha nito ang isang malapad na ngiti. Isang sinserong ngiti.


Nagpakawala ako ng isang buntung-hininga saka tinumbasan ko ng matamis na ngiti si Mrs. Ynares. Pansamantala ko munang iwinaglit sa isipan ang kung anumang ugnayan ng ina ni Phil kay Uke. At isa pa wala ako sa posisyon na manghimasok sa buhay nila. Ni ang humusga o makisawsaw sa kung anumang isyu nila. Period.


Ayy mga teh, wala sa bokabularyo ko ang magpaka-espiya ala Sherlock Holmes. Hindi ko ata keribels tumalon sa mga bakod with matching tumbling-tumbling, gulong-gulong habang may bitbit na magnifying lens.


Imagination pa lang yun..pero hindi ko talaga nakikinita ang sa sarili sa ganung set-up. Baka pag nagkataon, hindi pa ako nakakausad sa misyon, semplang na agad. Paka-banal pa siguro ang drama sa life baka may pag-asa! -,-

Ipalayo lamang sa tama ng kulog at kidlat.





Ayun..sa haba man daw ng litanya at prusisyon ay sa simbahan pa rin ang tapos. Nagpaalam na ako sa mag-iina matapos ang masaganag hapunan na aming pinagsaluhan. Very accommodating at very down to earth si Mrs. Ynares. At base na lamang sa obserbasyon ko, she really care and love her family so much, lalung-lalo na sa nag-iisa nitong anak na si Phil. Of course, minus the rumors/issues na...well nasaksihan ko. May chance pa naman na maisalba ang pamilya nila from the wreckage. Kailangan ko lang makausap nito si Uke.


Punyemas! Yung isang yun. Ang totoo hindi ko pa ako ready na kausapin siya! Tokwa lang! Parang nagre-rewind at rerun lang ng mga flashbacks at the back of my head, replaying the scene na nangyari kanina lang. Mahabaging langit! Ako na talaga ang matagal maka-move on! Affected much si teh!

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now