kabanata xvi

80 4 0
                                    


"AT LAST AFTER centennial years, natapos ka din Madam!" tumayo na si Uke mula sa kama saka kalkulado ang mga hakbang patungo sa akin...ahh--este sa banyo pala.

Pahiya onti!


Nung nasa pintuan na siya ng banyo, nilingon pa niya ako saglit saka nagsalita. "Medyo mainit pa naman iyong sopas. Check mo nalang. May paracetamol din jan, inumin mo. Mabuti na yung maingat." iyon lang saka dire-diretso na siyang pumasok sa loob ng banyo.


Dahil medyo ginutom ako sa kalandian ng pag-iisip courtesy of Uke, ay agad kong nilantakan iyong sopas. Di na siya gaanong mainit, kaya madali ko itong naubos. Ininom ko na din iyong gamot para wala ng gulo. Pahirapan pa naman makipagtalo sa mangingisdang iyon.


Hinawi ko ang kurtinang nakatabing sa durungawan at sumilip sa labas. Walang humpay pa rin ang pagbuhos ng ulan. No choice, natengga talaga ako sa motel na ito kasama si Uke.


Dahil wala na rin lang akong magawa, napagpasyahan ko ng mahiga. Di rin naglipat minuto, unti-unti na rin akong hinila ng antok. Sa dami ba naman ng raket ko ngayong araw, drain na drain talaga ang pakiramdam ko.


Nagising ako bandang madaling-araw dahil naiihi ako ng bonggang-bongga. Sinipat ko ang katabi at hayun tulog na tulog ang walang muwang na si Uke. Pero ano eh, pansin ko lang parang magalaw siya. Gising pa kaya siya at 'nagmimilagro' sa ilalim ng kumot?!


OMG! dali-dali akong bumaba ng kama at kinapa ang switch ng ilaw.


Ngunit ibang sitwasyon ang bumungad sa akin---isang Uke na sobrang pawisan at namamaluktot ang katawan dahil sa panginginig.


Poong mahabagin! Paumanhin. Ang berde ko lang kanina!


Dinama ko ang noo niya. Confirmed. Mataas ang kanyang temperatura. May lagnat siya at ako---este ako lang naman ang narito na kelangan mag-alanga sa kanya. Alangan namang tawagin ko pa si Dra. Belo at Dr. Calayan, ehh mga derma yun. Saka sagad sa mahal ng TF nila este PF pala.


Hinamig ko ang sarili. Kalma lang Sid. Keribels mo ang ganitong sitwasyon. Akmang lalabas na ako ng maalalang puputok na pala ang pantog ko kaya ayun.. U-turn ang drama ko. epic fail lang!


Lumabas na ako at humingi ng tulong mula sa housekeeping. Kumuha ako ng maliit na batya na pinalagyan ng maligamgam na tubig. Saka bimpo na rin at gamot at isa na ring extra shirt. Pihadong basa ba naman ng pawis yung damit niya. Nang makuha ko na ang kakailanganin, dali-dali kong tinungo ang silid na inuokupahan namin ni Uke.


Ipina-sponge bath ko siya at talaga namang buwis-buhay!


Hindi ba nga nabasa kami ni Uke sa ulan bago pa man kami makasilong? Nagkataong wala pala siyang spare kaya ang ginamit niyang pamalit eh yung roba! At dahil na rin sa paglilikot niya kanina kaya natanggal iyong pagkakabuhol nung tali at bahagya etong nakalilis. Nahantad ang kanyang mga abs at ang umbok na nasa ilalim ng suot niyang boxer shorts.


Ugh! Susmio marimar, pulgoso! Pahirapan naman ang pag-aalagang eto! Kaya ang ginawa ko, pumikit nalang ako at sinigurong hindi patungong ibaba ang direksiyong tatahakin ng bimpong hawak ko. Kelangan ang ruta lamang ng bimpo ay hilaga, silangan at kanluran. Pansamantala munang kakaligtaan ang timog. Mahirap na at saka wala pang permisong ibinigay ang may-ari ng kompas! -,-

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now