kabanata xv

78 3 1
                                    

//: GUSTO KO lamang sa buhay ay yakapin mo ako

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

Hindi naman ako milyonaryo

Basta't araw-araw yakap mo ko

Feeling ko ang yaman yaman ko . . . ://


Takte! Mapapakanta naman ako sa feeling na eto. Swak na swak ang awitin ni Jugs ng Itchyworms. Hihi..

Free hugs pa more! Hmm..bango talaga netong si Koyang Mangingisda. Tofu lang! Nakakaadik!


Tapos biglang may nag-flash na liwanag. Wengya yun ah! Kinuhanan ata kami ng litrato.


OMG! Baka may mga paparazzi na sumusunod sa amin? Hindi kaya mga espiya iyon ng sugar mommy ni Uke? Hala ka!

Naku naman! Baka may mag-abang na neto sa akin sa mga eskinita at ha-hunting-in nila ako. Tapos, tapos..kikitlan ng buhay saka ipapalutang ang labi sa estero! Oh hindee! Mukhang maling ideya ata na naki-angkas ako kay Uke!

Ano nalang kaya kung tumalon ako? Konting galos at gasgas sa katawan ay keri lang naman. Saka may suot naman akong helmet. Di naman siguro mababasag bungo ko neto. Tama!

Unti-unti kong niluwagan ang pagkakayakap ko sa kanya at inihanda na ang sarili sa pinaplano.



Ngunit anak ng tinapa yan, oh! Bumilis naman ang pagpapatakbo ni Uke. Hindi kaya magkalasug-lasog buto ko neto pag tinuloy ko ang binabanlak? Tokwa lang!

Siya namang pagdagundong ng malakas at sinabayan pa ng latay ng kidlat. At dahil sa pagkakagulat, napasiksik ako ng husto at napaakap ng mahigpit. Naramdaman kong umuuga ang balikat niya. Kaipala'y tumatawa ang hudyo!


"Scaredy cat!" tudyo pa nito.

"Tse! Hindi ako takot. Nagulat lang! Hmmp!"


Di naglipat minuto unti-unti nang umaambon hanggang sa walang humpay na ang malakas na pagpatak ng ulan. Basa na ako, lalung-lalo naman si Uke. Ramdam ko ang malamig na dapyo ng hangin sa aking balat.

Brr...ang lamig!


Iniliko ni Uke ang motorsiklo at iginarahe malapit sa isang motel.


"Magpapalipas muna tayo ng gabi dito Madam. Masyadong malakas ang ulan para ipagpatuloy natin ang biyahe. Delikado na din, baka umapaw na yung tubig dun sa tulay mahihirapan din tayong tumawid." mahabang salaysay siya saka nagpatiuna nang pumasok sa loob ng establisyemento.

Naiwan akong mag-isa sa garahe habang nakasandal pa rin sa motor ni Uke. Pambihira ng plano niya, hah! At sa motel pa talaga binalak mag-stop-over. Para ano? Para magawa na niyang manyakin ako?

HUh?! 

Marahas na napailing-iling ako, baka sakaling matagtag iyong mga di kanais-nais na isipin. Ano ba yan na-kontaminado na naman yata ni Uke ang mailinis kong kaisipan. Pa'no ba naman kasi, ang hota at gwapo niyang tignan habang pababa siya kanina sa minamanehong motorsiklo. Idagdag mo pa ang wet look niyang get-up! Ugh! Bumakat tuloy ang kanyang mga abs. Susmio mamang!


Lalong lumakas ang buhos ng ulan na sinabayan pa ng nakabibinging kulog at nakasisilaw na kidlat. Umihip ang hanging habagat ngunit hindi ko alintana ang lamig dahil sa tuwalyang ipinatong sa balikat ko. Idagdag pa ang braso na nakapulupot sa akin. Bahagya pa akong nagitla ng magsalita si Uke.

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now