kabanata i

192 9 0
                                    

"ISANG BUONG baka ipinasok sa makina, paglabas corned beef de lata na! Ladies and gentlemen, ARGENTINA!" Pakilala nung unang kalahok na nakasuot ng de-lata...ah este damit pala. Gown kuno tawag nya dun. Tsk...nagmistula tuloy siyang ni-rolyong red carpet.

"Hindi para sa iyo, di rin para sa akin. Para kanino nga ba? Eh di para sa KENYA." Dumadagundong pa ang boses nung sumunod na kalahok, medyo naipit nga lang sa bandang huli ng kanyang pagpapakilala. Barado ba ng maraming plema lalamunan nun?! Eww...

"Minsan ng sumikat ngunit kelanman hindi pa din magpapa-olats. Palakpakan para sa LAOS!"

Todo palakpak na din ako kahit na medyo namumula na ang mga kamay ko.

Full support lang para sa manok ko, este sa pambato ko pala.

"Bravo Servacio! Bravo!" Buwis buhay kong sigaw. Dapat lang yun para naman sumirit pataas ang confidence level ng baklitang iyon.

Hindi naman ito ang unang beses na ipang-cheer ko ang kaibigan at kasamahan sa parlor na pinagtatrabahuan ko. Sa katunayan nga, hindi na mabilang-bilang ng aking sosyal na kamay at paa kung pang-ilang pageant na etong dinayo pa namin para lang makasali ang unkaboggable beauty ni Servacio Tayubong, also known as Basha, pag gabi.

Isang malakas at dumadagundong na namang hiyawan at sigawan ang maririnig. May iilan ring sumipol.

Eto talagang sequence ng pageant ang nagpapabuhol sa manipis at well maintained kong kilay.

Aba! At talagang ang lalakas ng confidence sa katawan ng mga kalahok at nagagawa pang rumampa suot ang one-piece swimsuit attire na obviously ay ini-sponsor ng munisipyo. Terno ang lahat,eh!

Mabuti nga, selyo at logo lang ng lugar ang naka-print, hindi na idinagdag ang mukha ni Mayor!

Witwew...laki lang ng mga 'maskels' niyo sa braso at sa binti mga 'pre! Bwahehe...

Pinakatampok sa lahat ng pageant shows ang question and answer portion. Ngunit gayon na lamang ang pag-awang ng bibig ko ng marinig ang kanilang mga katanungan.

Seriously?!

Beauty pageant ba talaga itong sinalihan ni Servacio o serye lang ng mga academic contests sa isang paaralan?!

Mantakin mo naman ang mga katanungan nila:

'A stone is dropped from the top of an 81 ft. building. How long will it take the stone to reach the ground?'
'The sum of the two numbers is 48 and their difference is 12. What are the two numbers?!'

'When a number is added to its additive inverse, what is the sum equal to?!'

Kitam?! Nganga lang teh! DepEd MTAP Math Challenge lang ang show nila gurl.

In the end, umuwi naman kaming. . . WINNER!

Tama! Akala niyo umuwi kaming talunan?! Echos me lang sisteret, winner na winner pa rin ang peg ni Basha kahit na minor awards lang ang nasungkit niya.

The award?! Darling of the Crowd!

Oh diba?! Lakas lang nang hatak niya sa madlang pips! Isang napakalaking achievement na yun.

First time in the history yun mga lola, kaya dapat pa-burger ang baklita!

























ARAW NG LUNES, unang araw ng pasukan. . . err... ang ibig kong sabihin pasukan sa trabaho, hindi sa eskwela. Nagtatrabaho ako sa salon na pagmamay-ari ni Mamu Doro----ang butihing tiyahin, este tiyuhin ni Basha. Kilala sa buong Barrio Bototay ang salon ni Mamu kaya maraming kliyente. Laspagan talaga ang show mula umaga hanggang gabi. Hindi lang kasi basta pagpapaganda ang ini-offer ng salon, may dagdag ring entertainment.

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now