kabanata vi

122 4 0
                                    


NAGTALUKBONG AKO ng kumot. Kasalukuyan na akong nasa sariling apartment. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makahuma sa nangyari. To think na prenteng-prente akong nakitulog sa higaan niya at nagawa pang magkalat. 

Ugh! Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa lalaking iyon. Damn!


Suot-suot ko pa rin ang T-shirt niyang Abercrombie & Fitch. Heck! Hindi ko na nagawang makapagpalit nung umalis ako sa unit niya.


'Siyanga pala, iyong mga damit mo ipina-laundry ko na. Pwede mong padaanin iyon mamayang hapon kina Aling Diday. Wag kang mag-alala, bayad na yun Madam!' 

Iyon ang pahabol niyang sabi matapos kong magpaalam para umalis.


Infairness huh, pinagkaabalahan pa talaga niyang ipa-laundry ang mga damit ko. Naks! Kinilig naman ang lola niyo!


Err...scratch that!


May ibang love interest na si Kuyang Mangingisda. Remember the sugar mommy, chorva niya?! Wala kang panama dun teh.


Arrgghh...


Marahas akong napailing-iling. Grr...kung ano-ano na 'tong pumapasok sa isip ko. Nakontaminado na ata ni Uke. Syete!

Nagmagandang-loob lang yung tao na alagaan ako sa gitna ng kalasingan, tapos heto ako nagsimula naman atang kumerengkeng.


Tokeneneng! Move on, move naman Sid pag may time. Alalahanin mo na lang si Phil, my labs. Remember, darating siya ng bansa.


Namilipit naman ako sa nadaramang kilig sa isiping iyon. Ang eng-eng ko lang, ano?! Daig pa ang panahon dahil sa pabago-bago ng emosyon at moods.


Di naglipat-segundo, ginulantang naman akong tunog ng aparato na nakapatong sa tokador. Nang tignan ko, si Solly pala ang tumatawag.


"Magandang buhay Sid!" eksaheradang bati niya.

"Anong atin Momshie Melai?!" segunda ko naman. Bumunghalit lang ng tawa ang nasa kabilang linya. Weng'ya 'to. Hmmp!

"Anyways...nagpaalala nga pala si Mr. President hinggil sa batch reunion natin. Sa darating na Sabado na iyon. Kaya. . .be ready beybi." impit pa siyang napatili.


Saglit akong natigilan. Oo nga pala, malapit na yung reunion namin. Magkikita-kita naman kami ng mga dati kong kaklase at siyempre si Phil, my labs.


Pero nakakahiya naman sa kanila pag nalaman nilang hindi pa rin ako nakakaangat sa buhay. Na hanggang dakilang manicurista at parlorista lang ang bagsak ko. Hindi naman sa ganun na minamaliit ko ang trabaho ko. In fact, I love it and all the people I'm working with.

Kaya lang. . . alam mo naman nasa totoong mundo tayo. Marami ang mapangmata at mapanglait sa kapwa. Given na talaga na may mga kontrabida. Haleer...walang kabuhay-buhay ang teleserye ng totoong buhay kung wala sila. Duh!

Asus...nagdrama pa talaga ako. Tch.



Ang Parlorista Na RakiteraKde žijí příběhy. Začni objevovat