kabanata xviii

76 4 1
                                    


MAHIGIT ISANG linggo na ang lumipas mula nung magpaalam si Uke na umalis. Pang-walong araw na din ng simbang gabi at bisperas na bukas. Natapos ko ngang gawin yung regalo ko sa kanya. Sa katunayan, nakabalot na nga. Ang tanong niyan, pa'no ko ba ibibigay yung regalo ko sa kanya gayong ni aninno niya ay hindi ko man lang mahagilap?


Nagulo ko uli ang kakasuklay ko pa lang na buhok. Aish! Naman eh! Bukas ng gabi na pala yung imbitasyon ni Phil Ynares. Ang totoo niyan nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi. Wala na yata akong mukhang maihaharap sa kanila. Malakas kasi ang kutob ko na andun din ang pamilya ni Phil. Naman! Sa ikalawang pagkakataon, ayoko ng ipahiya uli ang sarili.


Pinagamsdan ko ang repleksiyon sa salamin. nang makontento sa nakikitang gandang di mo inakala, nagwisik ng pabango sabay dampot ng shoulder bag at agad tinungo ang pinto. Papasok na ako sa trabaho. Madami kasing kliyente alam mo naman Pasko na, kaya ang peg ng sambayanang kababaihan ay pagpapaganda para sa ekonomiya.

Gaya ng nakagawian, nilakad ko lang ito. Ngunit isang humaharurot na motorsiklo ang dumaan at huminto sa harap ko. Nakasuot ng helmet ang driver kaya hindi ko agad ito namukhaan.


"Uke?!" mahinang sambit ko. Hindi mapaghahalataang excited ako na makita muli siya. Talking sarcasm here, ayon pa kay Solly.


At sa ikalawang pagkakataon, nadismaya naman ako. YUng totoo?! Nag-aasar ba talaga ang tadhana? Paasa ganun?! Tsk.


"Good morning babyloves! Hmm..hmm..you are so beautiful.." pambungad na pamimiste ni Rodman. Bahagya pa niyang kinanta yung huling mga kataga.

Yeah right. Siya lang naman yung driver ng motorsiklo na tumigil sa harap ko. May isinangla na naman sigurong motorsiklo dun sa talyer ni Mang Kadyo at hindi pa natutubos kaya eto at ginagamit sa paglalagalag ng anak. Tss.


"Umangkas ka na babyloves. Ihahatid na kita." dagdag pa niya with matching kindat.


Tipid akong ngumiti, kahit sa totoo lang gusto ko ng ituktok sa bumbunan niya ang takong ng suot kong wedge na sandal. "Wag na. Salamat nalang."  saka nagpatiuna na akong lumakad.


Di ko feel na makiangkas sa motor niya. Well, may itsura din naman si Rodman at medyo kalokalike ni JC De Vera pag naka-shades. Medyo lang. Pero wala eh. Di ko talaga bet. Maliban nalang kung si Uke yung driver. Like!

Napailing-iling ako. Ano ba yan..nitong mga nagdaang araw puro Uke nalang ang umuukilkil sa isip ko. Siguro namimiss ko lang siya. Akalain mo, may kakayahan pala yung mangingisdang yun na magpa-miss. Kainis! Ako na talaga ang affected!


"Wag ka nang mahiya babyloves. Sakay ka na!" pamimilit pa rin niya, habang lulan pa rin ng motor at sinasabayan ako.

"Salamat nalang pero trip kong maglakad ngayon." walang gana kong sagot. At salamat naman tinantanan na din niya ako. Saving grace talaga 'tong mga beks kahit kailan. May isang bekiloo kasi na narinig ang imbitasyon este pangungunlit ni Rodman na umangkas ako sa motor niya, kaya walang anu-ano'y sumakay agad ito. Hindi na makahuma si Rodman dahil sa gulat. Anumang eksena na namagitan sa kanila dun ay wala na akong pakialam. Nagmamadali na kasi akong umalis para makalayo lang dun. Isa't kalahating badtrip na ako sa araw na'to. Tsk.


Di bale, irarampa ko nalang ang bagong get-up at outlook ko. Ash blonde na ang kulay ng buhok ko. wala na yung burgundy highlights. At saka isang pouty red ang shade ng gamit kong lipstick. Oh diba, pak na pak! Anne Curtis lang ang peg.

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now