kabanata ii

153 5 1
                                    



ALAS-NUWEBE NA nang gabi at kakasara pa lang namin ng salon. Dagsaan kasi ng mga kliyente. Pa'no madatung ang mga mamamayang Pilipino kapag sumasapit na ang Ber Month.

Oyy...wag kayo! Para san ba yung tinatagong alkansiya, bonus at 13th month pay?! Waldas toda max ang peg ng mga lola nyo! Pa-beauty talaga para sa ekonomiya!

Laspagan na nga ang trabaho namin. Di bale, galante naman si Mamu kaya solb na solb kami!

Nag-uunat ako ng mga braso at bahagyang minamasahe ang nangangalay na bahagi nang lumabas mula sa pribadong opisina si Mamu. May iniabot sya sa aking isang liham.

"Mamu. . .summon ba itey galing Korte Suprema?!"

"Ayy. . .witiwit atiiiee! Fromlalu Sandigan Bayan!" Sabat naman ni Basha.

"Loley. . . wit na you eklavu ma-S if may ma-getching na love eklabush letter si Ate Sid! Acceptlalu the truthness. . . mas bonggacious ang aming kagandahan comparable se eyeow!" Sabayang bigkas nina Nica at Dora habang nakangisi ng malapad. Loley Basyang kasi ang taguri nila kay Servacio.

"Aba't. . .feelingera din itech na Twin Tower! Makukurot ko talaga keyo sa fiampey! Hmmp!" Napipikon ng saad ni Basha. Twin Tower ang bansag niya sa dalawa, pareho kasi silang matangkad at patpatin. Parang itinulos na kawayan lang. -,-

"Ohh...awat na mga hija!" Wushu! Ala-referee lang ang drama ni Mamu. "Siyanga Sid, mukhang galing sa dati mong eskwelahan iyang sulat. Ipinaabot lang sa akin nung kartero. Basahin mo nalang hija at wag mo na akong tanungin. Intiendes?! Aketchiwa ay naii-stresstabs senyo! Babushkie!"

Kitam?! Maka-babush lang si Mamu parang sinabi lang na 'Class Dismissed' o di kaya'y 'Meeting is adjourned' sabay evaporate condensada with taray  runway walk! Husay! -_-

Isinilid ko na lang sa shoulder bag ko ang liham saka gora na! Iniwan kong nag-iiringan pa rin ang mga pasaway. Mukhang hindi pa rin kasi matatapos ang Mga Kwento ni Loley Basyang patungkol sa Twin Tower! -,-

















"CAYETANO CURIMAO ACADEMY holds its first ever Grand Alumni Homecoming this coming February 14, 20xx at the School's Covered Gymnasium. See you there!"

Muli kong itinupi ang papel at isinilid pabalik sa sobre matapos kong mabasa ang nilalaman nito.

Wala akong balak na pumunta dahil alam kong puro sosyalan lang naman dadatnan ko doon. At isa pa, hindi naman kawalan sa lahat kung hindi ako makakadalo sa naturang pagtitipon.

Pasalampak akong naupo sa kama habang sinusuklay ang aking kagandahang buhok. Siya namang pagtunog ng aking cellphone na nasa ibabaw ng tokador. Nang abutin ko iyon, nakita kong si Solly ang tumatawag.

"Ohh, buhay pa ako! Eh ikaw dedo na?!"

Chos! Di talaga uso sa aming dalawa ang pagbati. -,-

"Buhay at humihinga pa rin Sid bruha!" Eksaherada niyang sigaw.

Lechugas! Natanggalan yata ako ng tenga pipz!

"Ano namang masamang hangin ang umihip sa'yo at napa-wang-wang ka?!" Asik ko sa kanya.

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now