kabanata xix

82 3 1
                                    


MATAPOS ANG nakakawindang na dinner dun sa Sebastianni, dito naman kami ngayon sa Piazza Atrium. May live performance kasi si Phil kasama ang banda niya. Sa bilugang mesa, kasama ko sina Uke este Lucas pala at si Ateng Foreigner. Nasa hiwalay naman na mesa ang mag-asawang Ynares at Marquelencia. Iyong matandang Marquelencia naman ay nasa umpukan din ng mga di ko kilalang tao. Marahil kapareho din nitong businessman.


Maingay at nagkakasayahan man ang paligid, ngunit hindi iyon nakatulong upang maibsan ang pagkakailang ko. Ang awkward lang Mamu! Lone ranger ang peg, (you know nasa stage na si Phil dahil nga magpe-perform na sila nung ka-banda niya) tapos parang nang-aasar 'tong dalawang kasama ko at panay pa ang harutan. Sarap nilang pag-uuntugin!


Ibinaling ko nalang ang atensiyon sa direksiyon ni Phil. Nakatayo siya sa isang platform malapit sa grand piano. MAtapos mai-set up, pumwesto na siya at kinausap ang madla.


"Feliz Navidad!" paunang bati niya. "This song's for you!" dagdag pa niya habang nakatingin ng diretso sa akin, sabay kindat.


Ang iginawi niyang iyon ay hindi nakaligtas ng mata ng karamihan. May ilang guests pa ngang napatili. Pati nga 'tong si Ateng Foreigner ay napa-comment din.


"Your boyfriend's so romantic!" Tae! Hopeless romantic din pala 'tong si Teh. Feel ko ang kilig niya. Swear! 

Hinayaan ko na lang na isipin niya na boyfriend ko si Phil. Di niya siguro gets yung spiel ko kanina. Tsk! 


"Dave would you do such stuff to please a women?" kapagkuwan ay tanong ni Teh dito kay Lucasdevero.


Nabaling ang atensiyon ko sa kanila. Hinihintay ang magiging sagot ni Lucas. Salubong ang kilay, matalim ang tinging ipinukol niya sa akin.

"I don't do such sh*theads! Excuse me.." saka tumayo at nag-walkout.


Galit? Taray huh. Teh na foreigner..wag mo na kasing ine-echos yang si Uke este Lucas pala, kanina pa yata yan bad mood. Ewan ko lang kung nakakabeast mode ba yung kinain niya. Eh mukhang panay lang ang lagok niyan nung wine. Yun na yata ginawa niyang tubig. Sunod-sunod ba naman ang tungga.


//: My idea of a perfect Christmas

Is to spend it with you
In a party or dinner for two
Anywhere would do
Celebrating the yuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special too
When they're shared with you.. ://



Nagsimula nang kumanta si Phil. Kasabay naman nun ang pagliliwaliw ng diwa ko. Nagbabalik-tanaw sa senaryo kanina. NUng mga oras na nag-freak out si Kuyang Mangingisda dun sa Sebastianni...



"GIRLFRIEND?" biglang bulalas ni Uke na nagpagulantang sa lahat.

Pati nga ako nagulat din sa inasta niya. Ano namang ipinagpuputok ng butse niya at maka-react sa sinabi ni Ma'am Zoila ay wagas na wagas? Di kaya siya affected? Naks! ANg haba na talaga ng hairlalu ko. Eiih..wag ganun Koya, kinikilig ako pero slight lang! Pabebe pa ako, eh!


"Why son is there something wrong? Do you already know her?" sansala naman ni Ma'am Rose na nagpalipat-lipat ng tingin sa aming tatlo.

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now