kabanata xi

89 4 0
                                    


ANAK NG KABALYA! Syete lang talaga! Hindi nga ako kumurap, eh. Pero tokwa lang. Talagang nakadagan sa akin etong manyak na si Uke. Oo na...siya anga ang manyak. Biglain daw ba ako, luh!

Huh?! Sa'n nanggaling yun?! Crap. Na-kontaminado na talaga ako ng kamanyakan ni Uke. Tapos kung makatapon pa ng titig ang isang 'to, tagusan. Nuot hanggang laman. 


Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin. Ugh! Intense na nung eksena ripapipz, parang serye lang sa telebisyon. (Nagawa ko pa talaga ang magbiro gayong hindi na keribels ng bangs ko ang pangyayari. Oops..wala pala akong bangs.)


Isang pulgada na lamang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Ewan ko lang ano, pero parang awtomatiko akong napapikit. Ano yun? Parang feel the moment, seize the opportunity lang ang peg?


Tagal naman lumapat.


Wow lang. Talagang expectorant pa 'tong si teh.

May narinig akong mahinang kaluskos at pinipigilang impit na tawa. Anyareeh?!


"Aray.." bigla kong sigaw at agad na napadilat. Taena! Pinuntirya pa talagang pitikin ang ilong ko. Leshweng Ukeng Mangingisda na'to. Badtrip! Grr..


Nakatayo na sa paanan ko ang antipatikong manyakis na lalaki. Hindi na siya nakadagan sa akin pero mapang-asar pa rin ang tinging ipinupukol at nakakaloko pa rin ang malapad niyang pagkakangisi. Deym!

"Ang effect masyado ng ginawa mong pagpikit, Madam. Hanep! Ano ba kasi sa tingin mo ang gagawin ko sa'yo?" napailing-iling pa ampotek. "Kinuha ko lang naman etong T-shirt ko na hiniram mo. Mukhang nawala na kasi sa bokabularyo mo ba isauli sa may-ari. Tsk, tsk." saka ko pa lamang napasadahan ng tingin ang hawak-hawak niya. Iyon yung 'Abercrombie & Fitch' gray shirt na ipinasuot niya sa akin nung nalasing ako at nangamoy-suka.

Siyanga naman, nakalimutan ko palang isoli. Pahiya naman ako onti.


"Eh bakit may padagan-dagan ka pang nalalaman jan kung iyong T-shirt mo lang pala ang sadya mo. Pwede mo namang diretsuhin ang pasabi, hindi yung madami ka pang pasakalye at kung anu-ano mang ka-ek-ekan na drama." ayan bumalik na ang katarayan ko, palibhasa kasi napahiya.


"Nasa ulunan mo yung T-shirt, Madam. Tapos nakabulagta ka pa sa kama kaya ano sa tingin mo ang gagawin ko para maabot yun?"


At ampotek pilyo pa ang pagkakangiti. Grr..


Ibinuka ko ang bibig para lang muling itikom dahil sa wala akong maapuhap na sasabihin. Naman ooh! Ngayon pa yata umurong ang dila ko na para bang binibigyan ng pagkakataon ang mangingisdang ito na lalong alipustahin ako. Arrgghh...

Pumihit na patalikod sa akin si Uke at nagsimulang tunguhin ang pinto. Anyong lalabas na siya ng walang anu-ano'y bigla siyang huminto at humarap sa akin. Napataas ako ng kilay sa iginawi niya. Ano na namang nakalimutan neto?!


"Siyangapala Madam..." bahagya pa niyang ibinitin ang sasabihin. "...ang hanep ng panali mo sa buhok. Bagay sa'yo." dagdag pa niya na nakangisi nang paasar saka tuluyan ng lumabas ng silid.

HUh?! Panali sa buhok? Kinapa-kapa ko pa ang ulo. Oh shoot! At dun ko lang namalayan na sumabit pala sa buhok ko ang isang bra.

Badtrip mehn!

Ang Parlorista Na RakiteraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon