kabanata xvii

67 4 1
                                    



NAGKATITIGAN SILA. Hindi ko mawari ang tensiyon na lumukob sa pagitan ng dalawa. Ang hirap palang pumagitna sa dalawang nag-uumpugang bato. Gosh! Biruin mo, dalawang hotness fafaness ang nagpang-abot together with me. Gosh! Haba ng hair ko. Winner.

Kinaltok ko ng mahina ang ulo. Walanjo. Ako pa talaga ang lumandi at sa ganito pang sitwasyon. Taena lang! OMG! Wattamaygonnado? Hindi kaya may alam na si Phil hinggil sa isyu ng mommy niya at ni Uke? Takte! Intense!



Pero..nakapagtataka rin. Tinawag ba naman ni Phl si Uke sa kung anong pangalan. HIndi kaya iyon ang totoong pangalan ni Uke? Tapos eto namang si Uke kung tawagin niya si Phil, my labs, eh sa buo pa nitong pangalan. Magkakilala na kaya anga dalawa?



"Whoah..long time, long see Luke!" si Phil, my labs ang unang nakabawi, sabay nakipag-fist bump. Wee?! Di nga. Close sila? "So..this is where you're hiding?"


Uke just scoffed saka napailing-iling, sabay kuha ng helmet at sumampa sa motor niya. "Napadaan lang ako." ini-start na niya ang engine. Binalingan niya ako. "Madam, ihahatid na kita sa orphanage. Baka mamaya tatawid ka naman jan pag may humarurot na namang sasakyan. Bibigyan mo pa ng problema ang mga drayber at ilang motorista. Tsk."


Aba't..talagang antipato at arogante 'tong si Uke, ha. Akala mo naman kung sinong may maipagmamalaki. Grr..

"Heh..salamat nalang Mister. Solohin mo yang motor mo." asik ko sa kanya. Kainis lang!

"You're heading to the orphanage Sid?" biglang sansala ni Phil, my labs. "Sa akin ka na lang sumabay tutal dun din naman ang punta ko."


Atubili pa kong lumingon lay Phil, my labs. pa'no ba naman kasi..amalayer diba? Yan kasi disguise pa more, tapos ngayong nabisto na hindi na 'ko magkandatuto sa pagpapaliwanag.


"A-ah eh..uhm, w-wag na po kayong mag-alala pa Mr. Ynares. Salamat na lang po."

"I insist Sid. And one more thing..just call me Phil. Just like the old times." he said flashing his million-pound banknote amile. Oha..english yun!


Brooomm...isang malakas na pagmaniobra sa engine ng motorsiklo ang pumaimbulog. Ang usok lang ng tambutso niya. At sa gawi pa namin ang buga. Hanep! Problema ng isang 'to?!


"Geh.." yun lang ang namutawi sa kanyang bibig bago pinasibad ng mabilis ang sinasakyang motor.

Wow ha. Kahit kailangg talaga napakawalang-modo ng isang iyun. Arogante, antipatiko, walanghiya..arggh lahat na yata sinalo na niya.


"Let's go?" untag sa akin ni Phil, my labs. Nakatanaw pa rin kasi ako sa dinaanan ng papalayong motorsiklo ni Uke.











"MISTER YNARES, maraming-maraming salamat po sa inyong muling pagdalaw. Laking tuwa at galak ng mga bata sa inyong mga handog." taos-pusong wika naman ni Sister Romana, ang Madre Superyora ng ampunan---SRMPF, Inc.

Ang Parlorista Na RakiteraDove le storie prendono vita. Scoprilo ora