kabanata viii

104 4 4
                                    


NAGTATALO ANG ISIP ko kung agad na pipindutin ang End Call Button o hahayaan nalang na sagutin ko ang tawag.


"H-hello M-Mr. Y-Ynares?!" sagot ko kapagkuwan tapos ikiniskis ko sa suot na pantalon ang cellphone. "Choppy po kayo, eh!" Ikiniskis ko uli. "Sumasakay na kasi ako ngayon ng bus papuntang venue. Sige po, bye!" Chos! Nakatayo pa kaya ako sa gilid ng kalsada, tapos ang alibi nakasakay na agad-agad ng bus. Sa'n ka pa?! Galing!

Tinapos ko na ang tawag saka ini-off ang cellphone. Off hah, as in naka-shutdown!


Masyado na kasing maraming nagmamahal sa cellphone number ko. Mabuti sana kung mga kliyente ko ang tumatawag. Kaso hindi eh. Pang-asar lang lahat.


Nagmamadali nalang akong maglakad papunta sa terminal ng bus. Baka kasi mamuti na ang mata ni Solly kakaantay sa akin.

















PAGDATING KO SA VENUE, bumulaga sa akin ang malakas na tugtugin mula sa mga gahiganteng speakers. Hindi rin pahuhuli sa biyahe iyong mga kababaihan at kalalakihan na naghantad ng kanilang makurbang katawan.

Yeah! Makurba talaga!

Eh ano pa naman ang tawag dun sa mga naka-two piece na may nakausling bilbil? Sa mga lalaking naka-swimming trunks nga pero nagtataglay lamang ng 1 pack ab?! Ab lang! Isa lang naman, eh! Pa'no magiging abs with matching S?! Ngunit banat naman ng mga may 'ABS' este A Big Stomach kunu..."Kung sila may anim na pandesal yung amin naman isang layer ng cake!" Boom tusok!


Pero mind you guys, meron din namang yung totoo talagang seksi at fit. Palibhasa modelling ang career sa ibang bansa kaya alaga ang figure. Kagaya na lamang ni Rutilla Avergonzalo na mas kilala bilang si La Tigra Ruthie. She's our batch muse and Miss CCA way, way back during sa high school days namin. Ngayon, isa lang naman siyang internationally acclaimed model. At sa pagkakabalita ko, she's one of the models na rumampa sa runway during the Chanel Haute Couture Fall 20**.

Edi wow! Siya na talaga ang sikat!



Iginala ko ang paningin sa lugar. Whoaah! beach na  beach teh! Hawaiian themed. Parang there's a Big Luah tonight. Wai kiki!


Sa kakasuyod ko ng tingin sa lugar, sa wakas naman nahagilap ko na din si Soledad Leila. Patakbo niya akong nilapitan. At aba-aba...ang gara ng lokaret sa suot nitong white statement tee, brown two piece swimsuit with silver metallic detail. Mayamanin ng ayos! Palong-palo!

Nanlaki ang mata niya nang pasadahan ako ng tingin. Naging tarsier?!


"Isidra, ano na namang drama 'to?!" nakakunit-noo at salubong ang kilay na tanong niya.

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now