kabanata xii

90 6 1
                                    

"MAMU, ANYARE kay Atiie Sid at biglang sinipag ng ganyan?" rinig kong tanong ni Basha sa tiyuhin niya habang abala naman ang mga kamay sa pagpepedicure ng isang kustomer.

"Witiwit alam hija. Ako man din ay nagtataka sa ikinikilos ng alaga kong iyan."

Lumapit naman sa kinaroroonan nina Mamu sina Nica at Dora.

"Eh Mamu.." simula ni Nica na parang nag-alangan pa siya na dugtungan ang sasabihin. "...baka..baka nilapastangan na yang si Ate Sid ng mga tambay jan sa kanto. Niyurakan ang pagkatao. Ohmigosh! Di na'to makatarungan." dugtong pa niya sabay takip ng mukha gamit anga kanyang dalawang palad with matching hagulhol drama.

"Tapos..tapos ini-upload sa mga social networking sites ang mga litrato at video ng ginawa nilang kawalang-hiyaan. Ohh..hindi! Hindeee! Hindi talaga ito katanggap-tanggap!" segunda namanni Dora na nag-walling pa ang peg.


Sriously? Ang lawak ng itinakbo ng imahinasyon nila ha. Sa nakikita ko ngayon, hindi ko ata kayang ilarawan ang senaryong nabubungaran. Yung mga itsura nila..aysus. Wag niyo nang itanong . Di kanais-nais sa paningin.

Mula sa pagkakasalampak sa sahig, bigla ba namang napatayo si Dora. Naku masama, eto. Sa pagkakakorte pa lamang ng ngisi neto sa mga mata..tiyak na kagimbal-gimbal at kahindik-hindik na naman ang naiisip nito.

"Hindi angkop at lalong hindi tama na pagpipiyestahan ng mga netizens ang mga litrato at video footage ni Ate Sid. Dahil ako..ako lang ang dapat pagkakaguluhan. Sinuman ang makikialam ay hahalayin ko 360 degrees. Bwahaha..." at umalingawngaw nga ang bruhang pagtawa niya sa kabuuan ng salon na iyon.



Napailing-iling nalang ako sa mga naririnig saka ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mga glass walls. Halos nanggagalaiti na nga ako sa ginagawa. Pinakintab ko na ang sahig at ngayon naman ang salaming dingding ang pinagdidiskitahan ko. Tagaktak na ang pawis ko sa noo ngunit patuloy pa rin ako sa ginagawa. Kailangan kong abalahin ang sarili upang hindi  na maggugumiit sa diwa ko ang eksena kanina.

Pero takte! Parang mini-episode lang sa telebisyon at nagpe-playback sa isip ko ang mga kaganapang nais kong takasan at ibaon na tuluyan sa limot. Tokwa lang!


Para namang nananadya at tila lalong lumilinaw sa balintataw ko ang senaryong kanina kasama si Uke.


Peksman..hindi ko talaga sinasadya. I mean hindi ko talaga ibig na ilagay si Uke sa ganoong sitwasyon. Nadawit lang naman siya dahil sa takot ko lang na masuplong ako ni Phil. Susmio mamang! Sabi ngang hindi pa ako ready na makadaupang-palad ang Phil Ynares na iyon lalo na't taglay pa niya ang sanhi ng pagkapahiya ko sa kanya noon.


Iyon bang bling-bling niya sa sasakyan---ang 1/4 sheet na intermediate paper na medyo naninilaw na sa kalumaan at nakalaminate pa. Iyong may sulat-kamay ko na nagsasabing: LAW OF GRAVITY IS EASIER THAN THE LAW OF ACCELERATION. BECAUSE IT IS MUCH EASIER TO FALL THAN TO MOVE ON.

Crap! Masyadong antigo na ang kahihiyang iyon. Kaya..kung maaari nais ko na sanang iwaglit muna. Lalo na't kay Phil my labs pa nakakonekta.

Ngayon..panibagong kahihiyan na naman ang kinasusuungan ko. Saklang lang bes!


Infairness naman kay Koyang Mangingisda ha..sa una lang siya nagulat. Kalaunan pa nga siya na itong nagpalalim sa pinagsaluhan naming halik. Eh di ang popoy niyo naman ang nawindang! Parang whooah! Ano yun? Kani-kanina nga lang pinagtatalunan pa namin na kesyo charing daw ako mga ganun-ganun. Tapos..ano 'to?!

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now