kabanata xx

91 3 0
                                    



ANG GALING namang cliffhanger nitong si Uke. Pa-thrilling much! Pero putspa lang! Nagkaroon lang naman ako ng instant alagain! No choice din naman ako, alangan namang pabayaan ko ang isang 'to na ginawa na yatang kama ang sahig. Kaya ang endpoint, buong-lakas ko siyang binuhat na may kasamang hatak para lang maihiga ng maayos sa kama. Anak ng tinola! Ang lakas naman ng loob nito na maglasing eh borlogs din naman sa huli. Tsk.


Sinulyapan ko ang natutulog niyang anyo. Ang payap lang tignan ng kanyang mukha. Napadako ang tingin ko sa bahagyang kumikibot-kibot niyang labi, napangiti ako at naalala ang senaryong namagitan sa amin kanina.

Napabuga ako sa kawalan at ngumiti ng mapakla. Ang kaganapan kanina ay mananatiling lihim. Kaya wag kang mag-alala Uke, hindi ito makakarating sa nobya mo. Ayoko din naman ng gulo. Mainam na iyong ako nakang ang makakaalam. Siguro kikimkimin ko nalang ang katotohanang..ikaw ang nag-iisa at bukod-tanging lalaki na itinatangi nitong puso ko.

Isang butil ng luha ang kumawala sa pisngi ko. Dali-dali ko itong pinahid. Tumayo na ako at inayos muli ang pagkakakumot sa kanya. Naalala ko yung ginawa kong regalo sa kanya. Isang ginantsilyong bonnet na kulay abo. Nakaburda pa roon ang salitang UKE. Doon ko na iniwan sa mesita sa tabi ng lamp shade.


"Isang munting handog ko sa iyo Uke. Bilang pasasalamat na din sa lahat ng mga naitulong mo sa akin. Sa loob ng maigsing panahon na nakilala kita at nakasama, kahit na puro pang-aasar lang naman ang inaabot ko sa'yo masaya ako. Oo, naging masaya ako. Ang uri ng saya na ngayon ko lang nahanap. Ipagkakanulo ko ang sarili kung sasabihin kong hindi ako kailanman mahuhulog sa'yo. Ngunit..taena lang! Hindi ko na maalala kung kailan mo ako tuluyang nasilo. Nagising nalang ako isang araw na lunod na sa damdaming matagal ring naging mailap sa akin." pinahind ko ang mga luhang saganang namalisbis sa aking pisngi saka ipinagpatuloy ang impit na panaghoy.


"Hindi ko man talos ang dahilan ng pagtago mo sa iyong totoong katauhan, naniniwala naman akong walang halong pagbabalot-kayo ang iyong ipinakitang kabutihan. Kakatwa ngang isiping ako pa pala itong mapanghusga sa'yo noon. Pinaniwala ko pa ang sarili na sugar mommy mo ang ina ni Phil, iyon pala ninang mo siya. Ang lawak nga naman talaga ng itinakbo ng imahinasyon ko. Haha.." natawa pa ako ng pagak.


"Mahigit isang linggo kang hindi nagpakita, laking gulat ko nalang nang malamang isa ka palang tinitingala sa lipunan at nabibilang sa hanay ng mga altasosyedad. Tingnan mo nga naman ang dakilang kargador ng banyera ay isa palang big boss ng isang napakalaking kompanya. HUh! CEO siya teh."


Psh..ngayong nalaman kong CEO na siya, nalaman ko rin na ang sama ng ugali niya. Tsk! Isaksak niya sa baga niya lahat ng mga barko niya. Hmp!


Sa kabila ng kapintasan na iyong nalaman, mahal mo naman!


Nangiti ako ng mapakla sa realisasyong iyon. Sinipat ko muli ang natutulog niyang pigura. Ang payapa niyang tignan.


"Merry Christmas Uke! Paalam!" hinalikan ko siya sa noo at walang lingon-likod na nilisan ko ang silid na iyon.










Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now