kabanata iii

142 3 0
                                    


SAKTONG PAGBUKAS ko ng pinto ay siya namang pagbukas din ng pintuan nang katapat kong okupante. Hmm... may bago na palang umuukopa sa apartment na iyan.


Ngunit gayon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng mapagsino ang bagong kapitbahay.


Anak ng tinapa! Sa dinami-dami naman ng tao sa Pilipinas, bakit ang walang modo pa na lalaking ito ang naging kapitbahay ko. Mantakin niyo naman, ang lalaking naging dahilan ng pangangamoy isda ko kahapon at garapalang nambastos sa akin, eh neighbor ko pala.

Ugh! May galit ba ang sangkalupaan sa akin kaya dinaranas ko ang mga ito?! 



"Hoy lalaki! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo para sundan ako. At talagang ang katapat pa ng apartment ko ang napili mong okupahin." nag-uusok na talaga ang ilong ko sa sobrang inis. Atribida na kung atribida.


Ngunit sa halip na gatungan niya ang mga parunggit ko, isang nakakalokong ngiti lang ang kumawala sa kanyang mga labi. Mataman namang nakatuon ang pares ng mga mata nito sa akin. Para akong hinihipnotismo sa uri ng pagkakatitig nito.


Oh my goodness! Abot hanggang buto-buto teh! Ako'y nalulusaw.


Humakbang siya paabante. Awtomatiko namang paatras ang ginawa ko. Abante siya, atras ako. Abante-atras. Abante-atras. Abante. . .ugh! Wala na akong kaaatrasan. Dead end. Oh oww!


Lalong lumapad ang nakakaloko nitong pagkakangiti. Animo'y nagbabadya na wala na akong kawala sa kung anumang maitim nitong binabalak.


Napalunok ako.


Lumapit siya ng husto sa akin at itinukod ang dalawang kamay sa pader. I'm trapped!


Umabot sa pang-amoy ko ang ang pabango nito. Axe.

Wow, sosyalen si Koyang Mangingisda. Infairness ha, ang bango niya ay malayo na sa malalansang isda. Amoy-tao na siya.

Unconsciously ay napapikit ko ang mga mata at sininghot ang mabango nitong amoy sa katawan. Hmm...


"Ehem. . ."


Dahil dun ay bigla akong napamulat at bumalik sa kasalukuyan. Kulong pa rin ako sa pagitan ng matitipuno nitong bisig at katawan.

Nang salubungin ko ang kanyang mga titig, parang may hibla ng takot na rumehistro ngunit kagyat lang din ay napalitan naman ito nang pang-uuyam.


"Madam!" suwabe ang pagkakabigkas nito ngunit bahagyang nalangkapan ng pang-iinis. "Siguro naman sapat na ang ginawa ko para ma-enjoy mo ang presensiya ko." dagdag pa niya sabay bitaw sa mga kamay na nakatukod sa pader.


Sa wakas, malaya na ako! -,- 


"Di tayo talo. At isa pa...hindi ako pumapatol sa mga charing." panapos niyang wika sabay layas.


Loading. . . 00000.000001%

"Di tayo talo!"

Ang Parlorista Na RakiteraWhere stories live. Discover now