Panimula

83 6 18
                                    

Panimula
SOLANA



"BINIBINI, naroon ho sa kabilang mesa ang inyong ama't ina" mahinang bulong sa'kin ni Anna. Napatingin ako sa kaniya at ikinumpas ang aking abaniko. "Tayo'y manatili muna rito, ako'y nakararamdam lamang ng yamot sa tuwing tayo'y tutungo sa kanilang kinalalagyan" bulong ko rito. Tumango-tango ito kahit bakas sa kaniyang mukha ang pagdadalawang isip.

Sa tuwing may pagdiriwang ay hindi maiiwasang hindi paunlakan ng imbitasyon si ama bagay na hindi na bago para sa aming lahat. Sa tuwing ako'y tutungo sa kanilang kinalalagyan ay hindi ko maiwasang makaramdam ng yamot dahil sa bukambibig nila ang politika at negosyo.

"Binibini, sa tingin  niyo ho ba'y hindi magagalit ang iyong ina?" tanong muli sa akin ni, Anna, napatingin ako at siningkitan ito ng aking mga mata. Ipinako ko muli ang aking tingin sa mga panauhing abala sa pakikipanayam sa mga kapwa panauhin. "Magtiwala ka lamang sa akin Anna, tayo'y hindi kapopootan ni Ina" kalmado kong sambit. Napatango muli ito bago piniling tumahimik sa aking tabi.

Habang mas lumalalim ang gabi ay dumarami rin ang mga panauhin, kanina pa nagsimula ang pagdiriwang ngunit hindi ko pa matukoy ang dahilan kung bakit nila isinasagawa ito. "Nasaan si Kuya David?" tanong ko, napalingon kaagad sa akin si Anna at tumukhim bago tumugon.

"Hanggang ngayon po'y wala pa rin ang inyong Kuya, Binibini" saad nito at ngumiti nang masilay dahilan upang mas lalong sumingkit ang mga mata nito. Si Anna ay ang aking personal na soltera halos bata ito sa akin ng tatlong taon. Magdadalawang taon na itong naninilbihan sa akin at hindi ako nakararamdam ng poot at yamot sa kaniya hindi katulad ng mga nakalipas. Napatango ako at ikinumpas muli ang aking abaniko.

Hindi ko batid kung gaano katagal na kaming namamalagi dito ni Anna. Napag-isip-isip ko rin na mas makabubuti na rin na nakahiwalay kami kina ama't ina dahil hindi ko nais na dumugo ang aking ilong kakaparanig ng kanilang usapang halos hindi pasok sa aking bokabularyo.

"Inyo na bang naulinigan ang balita?" halos sabay kaming napatingin ni Anna sa tatlong binibining malapit sa aming kinatatayuan, nag-uusap ang mga ito ng masinsinan habang hindi maiwaksi ang mga ngiti sa kanilang labi. "Ano ba ang balitang iyon?" saad ng isang babae. "Bukod sa kaarawan na ipinagdidiwang ngayon ni Don Tolentino ay ngayon din nito ipakikilala ang kaniyang anak!" masayang sambit ng isang binibini na kulang na lamang ay tumalon ito dahil sa saya.

"Si Ginoong Jacinto ba ang iyong tinutukoy Laura?" Singit ng isang binibini. Tumango ng paulit-ulit ang nagngangalang Laura at hindi mapigilan ang namumuong saya sa kaniyang labi. "Iyo bang maalala dati, na halos lahat ng Binibini ay ibig itong mapangasawa dahil sa maginoo at nakahahalina ito" saad muli ni Laura.

Napaiwas ako ng tingin at napatingin kay Anna na hanggang ngayon ay tutok pa rin sa kanila ang kaniyang atensiyon. "Ikaw ay interasado?" agarang napatingin ito sa akin dahil sa biglaan kong tanong "Ikaw ho ba Binibini, ikaw ay hindi interasado?" tanong nito. Pinaningkitan ko ito ng aking mata. "Kung sino man ang Jacinto'ng kanilang binabanggit ay hindi ako interasadong alamin kung sino iyon. Ako'y hindi madaling mahumaling sa simpleng paglalarawan lamang ng mapupuring dila" saad ko.

Napatango-tango ito at ngumiti. "Ako'y hangang-hanga sa iyo Binibini" saad nito. Marahan kong hinaplos ang kaniyang balikat at ngumiti. Ilang sandali pa'y naagaw ng aming atensiyon ang impit na batihan at sigaw ng mga panauhin.

Nagitla ako nang hawakan ni Anna ang aking kamay at hinila ako nito patungo sa kinalalalgyan nila ama't ina. "Pasensiya na Binibini, ako'y natakot sa masamang titig ng inyong ina, wari'y pinapahiwatig nito na magtungo tayo sa kanilang tabi" bulong sa akin ni Anna. Napatango-tango ako kahit may bakas ng labag sa aking loob. Nanatili lamang nakapako ang aking tingin ko sa aking abaniko. Hindi pa rin tumitigil ang impit na bulungan ng mga panauhin.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now