Kabanata 13

17 5 13
                                    

Kabanata 13


IBINABA ako ni Mang Jose sa hulugan ng sulat. May katagalan din akong naroon dahil sa marami rin ang nais magpadala ng sulat para sa kanilang mahal sa buhay. Ayos lamang para sa akin ang maghintay dahil halos sanay na ako. Natuto akong maghintay ng lubos dahil kay Lazaro.

Nang maihulog ko na ang sulat ay agad akong nagbayad ng lubos para mas mabilisan ang pagpapadala nito kay Kuya Samuel. Bilin iyon sa akin ni Kuya David na kung nais kong magpadala ng sulat ay magbabayad ako nang lubos upang mabilis na makarating ang sulat kay Kuya Samuel.

"Saan na ho tayo tutungo?" Tanong ni Mang Jose nang makasakay ako sa kalesa. "Dumaan ho tayo sa kwartel Mang Jose, nais ko pong makausap si Kuya David" wika ko. Agad itong tumango at pinalakad ang kalesa. May kalayuan din ang padalhan ng sulat sa kwartel kaya't ipinahinga ko muna ang aking sarili.

Tila nawawala na naman ako ng gana simula nang aking malaman na maaaring dating kasintahan ni Lazaro si Susmitha. Dapat ay hindi ako magtanim ng galit sa kanilang dalawa dahil matagal na silang hindi nagsasama, ngunit hindi ko pa rin maiwasang panibugho at tanggapin ang katotohanang si Susmitha ang unang pag-ibig ni Lazaro.

"Mang Jose, saglit lang ho bibili ho ako ng suman at ng tupig" saad ko at agad itong tumalima. Bumaba ako sa kalesa at agad na nagtungo sa nagbebenta ng suman at tupig.

"Binibini ikaw ba'y bibili?" tanong ng ale. Ngumiti at tumango ako. "Oho, limang suman nga ho at limang tupig din po" saad ko, agad namang tumalima ang tindera na may ngiti sa kaniyang labi.

Habang aking hinihintay ang aking binili ay hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang isang batang babaeng kaniyang katabi. Magulo ang kaniyang buhok at madumi ang kaniyang pisngi. Ngunit kahit na nababalot ng uling ang kaniyang pisngi'y hindi ko maiwasang magandahan dito.

"Ah, ilang taon na ho siya?" Tanong ko habang nakatingin sa bata. Agad namang napatingin sa akin ang ale at ngumiti. "Siya'y limang taon na, ayon sa kaniya" tugon nito. Napatango ako. "Napakaganda ho ng inyong anak" wika kong muli habang nakangiti. Agad namang umiling ang ale. "Naku! hindi ko ho siya anak Binibini, kinupkop ko ho ang bata na ito dahil siya'y pagala-gala sa daan" tugon nito.

Napatingin ako dahil sa sinambit niya, hindi ko maiwasang hindi mangamba. "Wala ho kayong balita sa mga magulang niya? Hindi niyo ho ba siya inilapit sa mga pulis?" saad ko. Ngumiti ang ale at inabot sa akin ang aking binili.

"Hindi ko na ho siya nadala sa mga pulis Binibini dahil sa pilit na kumakawala ito at lubusang umiiyak. May mga binabanggit ho siyang mga bagay na hindi ko maunawaan kung bakit na lamang nito sinasabi iyon" saad nito. Napatingin muli ako sa batang babae at ito'y tahimik lamang habang nakatingin sa kawalan. May hawak din itong manika sa kaniyang kaliwang kamay.

Ilang sandali pa'y napangiti ako nang humarap ito sa akin at tinitigan ako sa aking mata. "Ano ang iyong nga-"

"Patay nila.....itay ko.....kawawa si itay ko hindi na makahinga" halos manlaki ang aking mata dahil sa sinambit nito, bumilis rin ag pintig ng aking puso animo'y nasa paligsahan ito. "Kawawa kami....pinunit nila damit ng aking inay at pati...pati aking kapa-" hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin dahil bigla itong humagulgol.

Halos takpan ko ang aking bibig dahil sa pagkabigla sa kaniyang tinuran. "Pasensiya kana Binibini, ganito ho ang kaniyang madalas na sinasabi sa tuwing may nakikita siyang mga tao...paumanhin ho" saad ng ale at binuhat ang batang babae at pilit na pinapatahan ito.

Tila may malalim at masakit na pinagdadaanan ang batang babae, bawat hikbi nito'y tila ba humihingi ng katarungan. Hindi ko makalilimutan ang kaniyang mga tinuran, hindi ito madaling sabihin ng isang musmos na bata kung wala itong nasaksihan.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now