Kabanata 12

15 5 3
                                    

Kabanata 12

NANATILING akong tahimik ng ilang sandali. Tumila na ang putok ng baril ngunit nanatili pa rin akong nakaupo sa ilalim ng lamesa. Nagtungo sa isang silid ang binibining nilapitan kanina ni Lazaro habang siya'y nagtungo sa labas upang alamin kung ano ang nangyari.

Lumabas ako sa ilalim ng lamesa na tila ba ngayon lamang ako nakalabas sa aking lungga. May kirot man sa aking damdamin ngunit ano ang aking magagawa. Mas makabubuti na tanggapin ko na lamang sa aking sarili ang nangyaring iyon. Masakit man para sa akin ngunit patuloy akong mas masasaktan kung pilit ko itong dadamhin.

Pagkalabas ko sa aklatan ay nasilayan kong patungo sa akin si Mang Jose. "Senyorita, tayo na ho'y umalis na rito" nangangambang saad nito. "Saan ho ba nanggaling ang malakas na putok ng baril?" tanong ko.

"Ayon ho sa aking naulinigan ay galing ho iyon sa bayan sa plaza de mayor ho mismo" tugon nito. Sandaling nanlaki ang aking mata, duon nagtungo si Kuya David. "Ang Kuya David ho at si ama naroon sila!" Nangangamba kong sambit. Umiling lamang si Mang Jose. "Senyorita kailangan na ho natin umalis, hindi po natin alam baka may insidente po muling mangyari....batid ko hong mabuti lamang ang kalagayan ng iyong kapatid" wika nito.

Napahinga ako nang malalim at tumango sa kaniya. Kung narito man ngayon si Kuya David ay paniguradong pauuwiin na rin ako nito sa bahay. Pagkasakay ko sa kalesa ay agad na pinalakad ni Mang Jose ito. Napatikhim ako, "Mang Jose si G-ginoong L-Lazaro ho?" hindi ko mapigilang tanong.

"Nagtungo ho siya sa plaza de mayor Senyorita, siguro ho'y para alamin kung ano ho ang nangyari" tugon nito. Napatango ako at umupo sa kalesa. Isinandal ko ang aking likod sa sandalan, nasisilayan ko ang mga taong pumapasok na rin sa kani-kanilang tahanan.

Hinihiling ko na sana'y mabuti ang kalagayan nina Kuya David at ama. Hindi ko lubos maisip na may naglakas loob na magpaputok ng baril sa Plaza De Mayor. Napahinga ako nang malalim at pilit na pinapagaan ang aking sarili.

Ilang sandali pa'y nakarating na rin kami sa mansyon at agad na bumaba si Mang Jose upang ako'y kaniyang alalayan. Pagkababa ko'y agad kong nasilayan si ina na nasa asotea habang masayang nakangiti sa akin.

Patakbo akong nagtungo sa kaniya at agad itong binigyan ng isang mahigpit na yakap. "Mabuti at ayos lamang ang iyong kalagayan, narinig ko ang balitang naganap sa bayan. Lubusan akong nangangamba dahil sa ikaw ay naroon" nag-aalalang tinig ni ina.

Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at ngumiti ng matamis. "Nasa aklatan ho ako ina nang maganap po ang insidente" tugon ko. Hinaplos ni ina ang aking pisngi at aking balikat. "Labis-labis ang aming pangamba ng iyong ama dahil ang batid namin ay ikaw lamang ay nasa iyong silid ngunit nabigla kami nang iulat ni Anna na wala ka roon" wika muli nito.

Sandali akong napatigil sa kaniyang sinambit. Narito si ama. "Narito ho si ama?" taka kong tanong. Napakunot ang noo ni ina. "Kanina pa siya narito, saglitan lamang kaming nagtungo sa bayan at daglian din kaming bumalik rito" tugon nito.

Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin kay ina, narito si ama kanina pa. Ngunit ayon kay Kuya David siya'y pinaunlakan ng imbitasyon ni ama. "Hindi po ba't pinaunlakan ni ama si kuya David na magtungo sa bayan?" Taka kong tanong kay ama.

Umiling si ina. "Ang iyong kuya David ay nasa kwartel hindi ba?" tugon nito. Napailing ako at napahinga nang malalim. Hindi si ama ang nagpaunlak kay kuya David, ngunit sino?

Agad akong naglakad patungo sa opisina ni ama. "Solana ikaw ay saan tutungo?" Naguguluhang tanong ni ina. Hindi ko ito tinugon at dali-daling nagtungo sa ikalawang palapag. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto, nagtatakang napatingin sa akin si ama at ibinaba nito ang kaniyang hithit na tabacco.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now