Kabanata 15

18 5 6
                                    

Kabanata 15

NANG gabing yaon, napuno ng pagtatangis ang aking silid. Hindi ko na mabilang ang luhang lumabas mula sa aking mga mata, wala akong matatakbuhan kundi si ina at ang aking sarili lamang. May poot sa akin si Kuya David at hindi ko inaakalang mas lalalim ang poot sa akin ni ama.

Ang sakit na marinig sa sarili kong ama na isa akong kahihihiyan para sa aming pamilya. Sa sobrang sakit ay tila ba pinipiga ang aking puso.

Tulala ako habang nakatingin sa kawalan, nakaupo ako malapit sa bintana ng aking silid habang pinagmamasdan ang mga sangang masayang nagsasayawan. Hindi ko batid kung saan at paano ako magsisimula, napahinga ako nang malalim kasabay ng malamig na pagsimoy ng hangin. Tila mayroon pa rin ang kirot sa aking dibdib, tila kahit sino ay walang kayang pumawi nito.

"Binibini?" napalingon ako at tipid na ngumiti kay Anna. Nakangiti ito ng matamis habang dala-dala ang pagkain. "Binibini, kumain na po kayo ng umagahan. Bilin po ito sa akin ng inyong ina.....at sana'y huwag niyo hong pabayaan ang inyong sarili" wika nito at maingat na binaba ang mga pagkain sa lamesa.

Ngumiti ako rito. "Maraming salamat" saad ko. "Batid ko hong masama pa rin po ang inyong kalooban dahil sa alitan ng inyong ama ngunit ipinagdasal ko po kayo kagabi na sana'y maging maganda ang inyong kalagayan" patuloy nito.

Ngumiti muli ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. "N-nais kong tanungin kong tumugon ba ang aking Kuya David sa sulat na ipinadala ko?" tanong ko.

Kagabi ay pinilit kong magsulat ng liham para kay Kuya David kahit pa nababasa na ng aking luha ang bawat letrang aking isinusulat ay pinagpatuloy ko pa rin ito.

Biglang napayuko si Anna at malungkot na tumingin sa akin. "Aking ikinalulungkot binibini, ngunit wala ho akong natanggap na tugon mula sa kaniya" malungkot na saad nito. Napatango ako at pilit na ngumiti ng tipid.

Hindi ko kayang diktahan si Kuya David para sa kaniyang nararamdaman. Batid kong sa mga panahong ito'y siya'y abala kung kaya't wala na siyang oras para tugunin ang aking liham. Ngunit kahit na ganoon nais ko pa ring tuparin ang aking panata sa kaniya na siya'y aking dadalhan ng kaniyang umagahan.

"Anna, maaari mo ba akong samahan na magtungo sa kwartel?" tanong ko habang sinimulan ang pagkain upang makapaghanda ako ng aking dadalhin sa kwartel.

"P-pasensiya Binibini, ngunit mahigpit po na ipinagbilin ng inyong a-ama na manatili lang ho kayo dito sa inyong mansyon" malumanay na saad nito. Halos mabitawan ko ang kubyertos dahil sa sinambit ni Anna.

Bakit  hindi? Hindi pa ba nakukuntento si ama? Hinahadlangan na nito ang aking kaligayahan at nais nito na manatili lang ako dito sa aking silid. Nagulat si Anna nang bigla akong napatayo at mabibigat na hakbang ang aking ginawa.

"Binibini saan ho kayo tutungo?" nagtatakang tanong  nito. Ngunit hindi ko ito pinansin at nagtungo sa opisina ni ama. "Binibini, wala ho rito ang inyong ama" rinig kong sambit ni Anna. Ngunit dali-dali pa rin akong pumasok sa opisina ni ama, at sinuri ito sa kaniyang palikuran at hinanap ito kung saan.

Nanlulumo akong napaupo sa kaniyang upuan at ipinatong ang aking kamay sa  lamesa at manaka-nakang hinilot ang aking ulo. Hindi ko na muli napigilan ang pagbabadya ng aking luha dahil sa yamot. 

"Binibini, ayos lang po ba kayo?" nangangambang tanong ni Anna. Napatingin ako sa kaniya at pinunasan ang tumakas na mga luha sa aking mata. "Ako'y umaasa na madadatnan ko rito si ama ngunit wala siya" saad ko at huminga nang malalim bago tumayo.

Akmang aalis na ako sa kaniyang opisina nang mapako ang tingin ko sa mga punit na papel na nakalagay sa isang basurahan. Agad kong pinulot ang mga iyon dahil sa kuryosidad. Ang isang papel ay nakalukot lamang ngunit ang isa'y pinagpupunit-punit ito.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now