Kabanata 26

10 4 0
                                    

Kabanata 26


NAALIMPUNGTAN si Solana dahil sa banayad na pagdampi ng basang tela sa kaniyang mukha. Isang pigura ng lalaki ang bumungad sa kaniya. Nakangiti ito nang malapad na tila ba ikinagagalak nitong siya'y makitang muli.

Ibinaling niya ang kaniyang ulo sa magkabilang panig, kulay puti at kagamitang pang-ospital lamang ang nakikita nito. Pinagmasdan nito ang puting kisame halos masilaw ang mga mata nito sa katingkaran ng kulay nito. Ibinaling muli niya ang kaniyang paningin sa lalaking ngayon ay lumuluha sa kaniyang harapan.

Ilang sandali pa'y may pumanhik na dalawang lalaki at isang babae sa kanilang silid. May bakas ng pagkagulat ang kanilang mga mata habang nakatingin sa kaniya. Lumapit sa kaniya ang isang lalaki at hinalikan ito nang mariin sa kaniyang noo.

Nangilid ang luha ni Solana, hindi niya batid kung ano ang nangyayari, hindi nito batid kung nasaan siya naroroon at kung sino ang mga taong kasama nito ngayon. Pilit niyang itinaas ang kaniyang kamay. Idinampi niya ito sa pisngi ng lalaki at pilit inaaninag ang mukha nito.

Napapikit ang lalaki at tumulo mula roon ang kaniyang luha. Napakurap ng dalawang beses si Solana, tila ngayon lamang nito nasilayan ang lalaking nasa kaniyang harapan. Sinuri niya ito nang mabuti na tila ba isa itong aklat. May bahid ng pangamba at pagkasabik ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.

"S-Solana" halos pabulong na saad nito. Inalis niya ang kaniyang kamay sa pagkakalapat sa pisngi nito at buong pwersang tumayo. Inalalayan ito ng isang babae na nakadamit pang-doktor sa kaniyang pagbangon.

"Solana" saad muli ng lalaki napatingin lamang sa kaniya si Solana habang pilit kinikilala ang mukha nito. Tila blangko ang kaniyang utak, tila bumalik ito sa kaniyang pagkabata na walang naaalala sa kaniyang nakaraan.

"N-nasaan ako?" halos paos na tinig ni Solana. "S-sino kayo?" patuloy nito sanhi upang mapabasag nang dahan-dahan ang balikat ng lalaki at pinagmasdan ito nang mariin. Inilibot ni Solana ang tingin nito sa dalawang lalaki at sa isang babaeng ngayon ay nakatayo sa kaniyang harapan.

Hindi nito nababatid kung sino ang mga ito at kung bakit siya kinakausap na tila ba kakilala niya ang mga ito. Malumanay na nakatingin sa kaniya ang babaeng nakadamit ng pang- doktor. Kapansin-pansin din ang pamumuo ng pagtataka sa kaniyang mga mata.

Ilang sandali pa'y napatingin silang lahat sa lalaki nang magsalita ito. "Maaari bang iwan niyo muna kami rito" mahinahon na saad nito. Tumango ang dalawang lalaki habang ngumiti nang matamis ang babae.

Napabaling ang tingin ni Solana sa lalaki nang bigla itong lumapit sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. Gulat na nakatingin lamang si Solana sa misteryong lalaki na ngayon lamang nito nakita.

Maganda ang hubog ng mga mata nito at makapal ang kaniyang kilay, makinis din ang kaniyang mukha at matangos ang kaniyang ilong na wari'y isa itong patalim.

Nagitla si Solana nang hawakan nito ang kaniyang kamay at pinisil ito nang marahan. "Wari'y tila nabura na saiyong isipan ang ating nakaraan" panimula nito. Nanatiling nakatingin sa kaniya si Solana na may pagtataka, labis itong naguguluhan sa mga nangyayari.

Nagising na lamang ito sa isang silid at kaharap ang isang misteryong lalaki ni kahit pangalan nito'y hindi niya nababatid. "Ngunit nais ko na malaman mo Solana na kahit anong mangyari ay hindi ko puputulin ang koneksiyong bumabalot sa ating dalawa" dagdag nito.

Napakunot ang noo ng dalaga, hindi nito nababatid kung sino ang Solana'ng kaniyang nababanggit. Ngumiti ang lalaki kahit bakas ang lumbay at pagtataka sa kaniyang mga mata. Hindi nito akalain na matapos ang trahedya ay hindi na nito makakasama si Solana.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now