Kabanata 33

15 2 0
                                    

Kabanata 33


NAKATINGIN lamang ako nang diretsiyo sa kaniyang mga mata. Tagos sa aking puso ang mga tinuran nito, tila bakas sa kaniyang tinig na kung maaari'y siya ay aking pakinggan at paniwalaan.

Napangiti ako nang mapait. "Hindi ako ang Solana na iyong hinahanap, ibang-iba ako kumpara sa kaniya" saad ko. "Kahit ilang beses mo pang itanggi na ikaw ang Solana na aming hinahanap ay hindi pa rin ako maniniwala. Higit walong porsyento na ang aming kasiguraduhan, sumama kana sa'min isama mo na rin ang iyong anak na si Ligaya, maaaring ikaw ay nakulong sa mundong ito. Napaliligiran ka ng mga taong hindi mo batid kung masama o mabuti ang dulot nito saiyo" mahinahon na saad nito.


Napailing ako. "Wala kang karapatan upang sabihin sa akin ang bagay na iyan Lazaro, bakit sa tingin mo maniniwala ako?  Pakiusap maaari bang itigil niyo na ito, labis-labis na akong naguguluhan sa mga pangyayari at maaari ba na kung nais niyong lumisan ay lumisan na lamang kayo ngunit hindi niyo ako mapipilit at ng aking anak na sumama sa inyo!"


"Walang mga araw na nagsayang kami ng panahon  Solana, bawat maliliit na detalye na mayroon saiyo ay aming pinagninilayan.  Isang malaki pruweba ang pagkawala ng iyong memorya, ang maliit na balat na mayroon ka saiyong leeg at ang ngalan ng iyong asawa na si  Jacinto" saad nito na ikinalaki ng aking mga mata.

Nababatid niya si  Jacinto, kung gayo'y sila'y magkakilala noon pa man, ngunit walang nabanggit sa akin si  Jacinto na mayroon itong kaibigan noon.

Napatingin ako kay Lazaro at pinagmasdan ang mga mata nito. "Solana hindi ba't wala kang nararamdaman para kay  Jacinto? ngunit bakit pinili mong magpakasal sa kaniya? malaki ang aking hinala na sinamantala niya ang iyong kalagayan upang mapasakaniya ka. Tinuring ka nitong kaniyang pagmamay-ari kahit na batid nitong mayroon nang tunay na nagmamay-ari saiyo. Nabulag ka ng kanilang mga salita, hinulma at binago ang iyong nakaraan, pati ang iyong Kuya David ay iyong pinagtatabuyan—"


"Nararapat lamang na kayo'y aking pagtabuyan dahil pinatay niyo ang aking ama't ina, si  David at ang kaniyang ama  na si  Roman  Delos Santos...at huwag niyong sasabihin sa akin na binulag ni  Jacinto ang aking isipan dahil ang totoo ay kayo ang bumubulag sa akin. Ilang beses ko nang sasabihin ito sainyo,  Hindi ako si Solana at hindi ko batid ko sino siya!  maaaring ang Solana na iyong hinahanap ay matagal nang nahimlay!" mariing saad ko dahilan upang bumakas ang lumbay sa kaniyang mga mata.

Kitang-kita ko ang nangungusap nitong mga mata na nagsasaad na kung maaari'y siya ang dapat paniwalaan. Tila napupuno ako ng poot dahil hindi ko na malaman ang aking nararamdaman, natatamaan ako sa kaniyang mga sinasabi, nanlalambot ang aking puso sa tuwing binabanggit nito si David.


"Hindi totoo ang bagay na iyan, si  Solana ay buhay at siya ay narito ngayon sa aking harapan!" halos mapaatras ako ng isang hakbang dahil sa talim ng pagkakasambit ni Lazaro, tumatagos sa aking puso ang kaniyang mga sinasambit. Nanlalambot ang aking puso, noong una'y halos pinaniwala ko ang aking sarili na ako si Solana ngunit bigla na lamang muli itong nagbago.

Ako'y lubusang gulong-gulo hindi ko na mabilang sa aking sarili kung ilang beses na akong nalito. Pinagmasdan ko ang mga mata ni Lazaro, punong-puno ng pagbabakasakali at pag-asa ang mga iyon. Pagbabakasakali na sana'y siya'y aking paniwalaan at pag-asa na ang Solana na kanilang hinahanap ay nasa aking katauhan.

Akmang ibubuka ko ang aking labi nang may isang karwahe ang paparating sa amin. Napalingon ako roon ngunit si  Lazaro'y nanatiling nakatingin sa'kin. Hindi ko batid kung sino ang lulan  nito sa loob ngunit bigla na lamang akong kinutuban nang lubos.

Napalingon si Lazaro sa papalapit na karwahe at tila masuri itong pinagmasdan. Kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga habang nakatingin sa kalesa.  Nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lamang itong naglakad patungo sa karwahe dahilan upang mapatigil ito.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now