Kabanata 28

13 4 0
                                    

Kabanata 28

"INA, nasaan ho si ama?" napabaling ako kay Ligaya nang magsalita ito. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa aming katre at sinusuklay ko ang mahaba at makintab nitong buhok. Pagkatapos namin kumain kanina ay umuwi na rin si Ate Leonora sa kaniyang tahanan dahil sa baka ito'y abutin ng takip-silim.

Hinaplos ko ang buhok nitong humaharang sa kaniyang mukha at isinakbi ko iyon sa likuran ng kaniyang tainga. Napangiti ako nang matamis, nakuha ni Ligaya ang hubog ng aking mata, nakuha rin nito ang aking labi at ang tuwid na buhok.

Tatlong taong gulang na ito, kaya't kitang-kitang na ang pagkamuwang nito sa mundo. Hindi ko maikakaila na minsan palagi silang magkasama ni Jacinto na lumilibot sa parke malapit dito sa Ecija.

Nakatingin ang mga mapupungay na mata nito sa akin na tila ba nais nitong matugunan ang mga misteryong bumabalot sa kaniya. "Hindi ba't pangarap ni ama na magtungo sa Paris" panimula ko, tumango ito. "Siya ngayon ay nagtungo na roon, nababatid mo pa ba ang sinambit saiyo ng iyong ama na..."

"Sundin mo kung ano ang iyong pangarap" saad nito habang nakatingin sa akin. Napangiti ako ng tipid. "Ngayon sinundan na ni ama ang pangarap niyang makatungo sa Paris dahil naroon ang kaniyang inaasam na mga pangarap na bituin" patuloy ko at marahang hinaplos ang kaniyang buhok.

"Ang lahat ng pangarap niya ay ang pangarap din nito sa'tin, batid mo bang hindi niya magawang umalis sa ating tabi dahil sa nangangamba siya na baka ikaw ay umiyak.." patuloy ko at dinampian ito ng maliit na halik sa kaniyang noo.

"Lagi mong tatandaan Ligaya, na kaya nagawang umalis ni ama ay dahil ang lahat ng kaniyang hirap at pagod ay nilalaanan nito sa atin...kaya't sana ay naiintindihan mo ang kaniyang paglisan" patuloy ko at ngumiti nang matamis.

Tumango lamang ito nang dahan-dahan ngunit bakas pa rin ang lumbay sa kaniyang mga mata. "Kailan po siya babalik ina?" malumanay na tanong nito. Kinuha ko ang kamay nito at inilahad sa kaniyang harapan ang sampung daliri na ito.

"Sampung buwan....sampung buwan na mananatili siya roon...at sa muli nitong pagbalik tiyak na mananabik siya saiyo at hindi mawawala ang mga pabarito mong laruan" wika ko at masiglang ngumiti upang mabahiran ng saya ang kaniyang pakiramdam.

Tinitigan niya ang sampung daliri nito at tumingin sa akin. "Kapag po ba umuwi siya muli ina tutungo ho ulit kami sa parke?" tanong nito. Natawa ako nang marahan at dahan-dahang tumango. "Ikaw ay wasto!" saad ko at hinaplos ang tungki ng kaniyang ilong.

Ngumiti ito nang matamis at hinagkan ang aking baywang. Hinagkan ko rin ito nang mahigpit at binuhat ito at pinahiga sa aming katre ni Jacinto, "Ikaw ay matulog na ng mahimbing dahil malalim na ang gabi at huwag mong kalilimutan ang magdasal"  marahang wika ko at hinalikan ito sa kaniyang noo.  Tumango ito at ngumiti nang matamis, ilang sandali pa'y pinikit nito ang kaniyang mga mata at ipinagdikit ang dalawang palad nito.

Inangat ko ang kumot sa kalahati nitong katawan at dahan-dahang humiga sa kaniyang tabi. Hinalikan ko muli ang pisngi nito at dahan-dahan na hinele ito upang siya'y tuluyan nang makatulog. Batid kong malinaw at naintindihan na niya ang lahat, kaya't sana'y ikaw ay makatulog na ng mahimbing.



"LIGAYA, halika kana rito tayo'y kakain na!" marahang sigaw ko habang pinagbabalat ito ng paborito nitong dalandan, tinanggalan ko na rin ito ng balat ng saging at hinatihati ito upang mailagay ito sa kaniyang plato.

Napahinga ako nang malalim nang hindi pa rin ito tumutungo sa hapag kainan. Gising na ito kanina nang mga panahong sinilip ko ito. Napahinga ako nang malalim at pinagpasiyahang tunguhin ito sa aming silid.
"Ligaya.." marahan kong tawag at binuksan ang pinto.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now