Kabanata 21

10 4 0
                                    

Kabanata 21

HINDI ako mapakali sa aking silid, pabalik-balik ako ng lakad na tila ba nililibot ko ang aking buong silid. Nais kong samahan si  Lazaro upang makuha ang mga ebidensiya sa opisina ni Don Tolentino ngunit tumanggi ito.

Hindi ako napapanatag na nakahilata lamang sa aking katre kinakabahan ako para kay Lazaro dahil sa baka mahuli ito. Sinabi sa akin ni Jacinto ang eksaktong lagayan ng mga papeles ngunit, hindi ko masyadong naipaliwanag iyon kay Lazaro dahil sa biglang bumisita si ama at Kuya Samuel sa kaniyang opisina mabuti na lamang at madali ako nitong naitago sa kanilang palikuran.

Hindi nababatid ni Lazaro ang eksaktong lalagyan kung saan nakatago ang mga kinakailangan naming papel. At nangangamba ako dahil maaaring magtagal siya roon kahahanap ng mga ebidensiyang maaari magamit sa hukuman bukas ng umaga.

Ilang sandali pa'y napadungaw ako sa bintana nang sumakay si Kuya Samuel at ama sa kalesa. Batid kong tutungo sila Sta. Rosario, kanina ko pa sila hinihintay na umalis upang makatakas ako sa aming mansyon.

Alas otso ng gabi papanhik si Lazaro sa opisina ni Don Tolentino kaya't dapat ito'y aking maabutan.  Pagkaalis nina kuya at ama ay agad akong nagpalit ng aking baro't saya, kulay itim na baro't saya ang aking isinuot at ako'y kumuha rin ng itim na balabal.

Dahan-dahan akong lumabas sa aking silid at nagtungo sa lihim na lagusan ng aming mansyon. Hindi ko na nabalingan pa ng tingin si ina dahil batid kong hindi nito ako papayagang umalis gayong malalim na ang gabi.

Nang makalabas ako sa aming tahanan ay agad akong sumakay sa isang kalesa, kahit pa malalim na ang gabi'y may mangilam-ngilan pa ring kalesa ang dumadaan. At mabuti na lamang at nakatagpo ako ng isa.

HAPONG-HAPO ako dahil sa kaba, nang makarating ako sa harapan ng kwartel, kasalukuyan akong nagtatago sa isang kalesa dahil hindi nila ako papasukin ng basta-basta sa loob ng kwartel. Malakas ang aking kutob na hindi pa nakakalis si Lazaro dahil kitang-kita ko pa ang liwanag ng lampara sa kanilang opisina.

Matapos ang mahigit kalahating oras ng aking paghihintay ay aking naaninag si Lazaro na palabas sa kwartel. Tumango ito sa mga gwardiyang nagbabantay at sandaling may binulong. Tumango ang gwardiya at isinarado nito ang kwartel.

Naaalerto ako nang biglang maglakad si Lazaro dala ang isang maliit na lamparang walang sindi at isinuot nito ang dala nitong kulay itim na sombrero. Patago ko itong sinundan hanggang sa lumiko ito sa kaliwa, patakbo akong nagtungo sa kaniya kahit pa umaasa lamang ako sa katiting na liwanag.

Binilisan ko ang aking takbo hanggang sa makalapit ako sa kaniyang likod ngunit nagitla ako nang bigla itong humarap sa akin at akmang itutok sa akin ang isang patalim. Nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin at ibinaba ang hawak nitong patalim.

"Bibining Solana ano ang ginagawa mo rito?" ramdam ko ang pagtataka sa kaniyang tinig. Napangiti ako ng tipid.  "Ginoong Lazaro nais kong sumama sa iyo sa paghahap ng ebidensiya" saad ko. Napabuntong hininga ito at nagitla ako nang bigla nitong hawakan ang aking palapulsuhan at naglakad kami patungo sa likurang bahagi ng kwartel.

Humarap ito sa akin at binatawan ang aking kamay. "Hindi kana dapat nagtungo dito Solana, batid mong ito'y mapahamak....hayaan mo na lamang ako na magtungo roon...umuwi kana" maotoridad na saad nito.

Napailing ako sa kaniya. "Ginoong Lazaro nais kitang tulungan aking nababatid ang eksaktong kinalalagyan ng mga papeles" wika ko. Napapikit ito nang mariin. "Kung gayo'y sabihin mo sa akin kung saan ang eksaktong kinalalagyan ng mga iyon at ikaw ay maaari nang umuwi" saad nito.

"Lazaro nais kong sumama saiyo...nais ko rin na tulungan ang aking kapatid....ang dami na nitong naitulong sa akin samantalang ako wala akong nagagawa sa kaniya" nangungusap kong tinig.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now