Kabanata 40

12 2 0
                                    

Kabanata 40


MAG-ISANG tinahak ni David ang kahabaan patungo sa daungan ng barko, matapos maisalaysay ni Luz ang buong nangyari sa kaniya ay hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon.

Pinaghalong galit, lumbay, at pangungulila ang kaniyang nararamdaman, talagang hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang kapit ni Jacinto sa kanilang pamilya. Tila hindi ito makapapayag na mamuhay muli sila nang matiwasay at buo.


Hindi inalintana ni David ang dilim ng kapaligiran, sapat na ang liwanag ng buwan at ang munting ilaw sa daan upang mahagilap nito sina Jacinto. Pilit nitong nilabanan ang pagod na kaniyang nadarama at kahit kailan ay hindi pumasok sa kaniyang isipan ang magpahinga.

Dahil sa lubusang kaba at galit nito'y hindi na nito naisipan pang kausapin si Señor Guarez. Si Guarez ay dating isang abogado at naging isa ring heneral. Siya ay ang tiyo ni Susmitha, ang kapatid ng kaniyang ina, madali lamang nakakuha ng matutuluyan sina David at Lazaro dito sa Europa sa tulong ni Susmitha. Kaya't malaki ang kanilang pasasalamat at utang na loob sa dalaga.

Tanging ang mga mabibigat na yapak lamang ni David ang maririnig, tumatagaktak na rin ang pawis nito mula sa kaniyang buong mukha. Malapit na siyang makadaong sa daungan ng barko, batid nitong hindi pa ito umaalis sapagkat wala pa ang hudyat ng animo'y isang tinig ng sirena.

Halos mabunutan ng tinik si David nang makadaong ito sa daungan, agad nitong inilibot ang kaniyang mga mata upang masumpungan ang katauhan ni Jacinto.  Ang kadiliman ng kapaligiran ang isang nagpahirap sa kaniya upang masumpungan niya ang mga ito.

Halos paisa-isa lamang ang mga taong naroroon at ang lahat ay tila abala sa kanilang mga ginagawa.  Nilibot ni David ang kabuuan ng daungan ng barko, malaki ang kasiguraduhan nito na hindi pa sila nakaalis sapagkat narito pa ang barko.

Samantala sa kabilang dako, halos hindi magkamayaw si Jacinto kung paano nito patatahanin ang kaniyang anak. Sila'y nagtatago sa  gilid at umaasa sa isang punong kanilang pinagsisilungan. Mula sa kanilang kinalalagyan ay kitang-kita ni Jacinto ang presensiya ni David, halos mayamot ito dahil sa hindi nito matanggap ang katotohanang sila'y natunugan.

"Ama—"

"Tumahimik ka Ligaya!" maotoridad na saad nito sa kaniyang anak at tinakpan nito ang kaniyang bibig upang hindi ito makalikha ng anumang tunog.  Halos bumuhos ang luha ni Ligaya dahil sa takot at lumbay nito.  Nanakit na rin ang kaniyang braso dahil sa ginawang pagkurot at pagpalo sa kaniya ni Leonora.

Hindi lubos akalain ni Ligaya na may ganitong klaseng budhi ang taong kaniyang minahal nang lubusan. Tila napakalayo na ng kanilang pagkatao mula sa una nitong nakilala.

"Bakit tayo nasundan ni David?" nayayamot na tanong ni Leonora habang napadyak ng dalawang beses sa loob ng kanilang karwahe. "Sally, sigurado ka bang nalagyan mo ng pang pangpatulog ang inumin kanina ni Luz?!" nayayamot na tanong nito kay Sally gamit ang salitang español. Dahan-dahan itong napatango kahit pa halos mabalot na ito ng kaba at pangamba.

Hindi nito nais na sumama kina Jacinto ngunit nais ni Jacinto na sumama ito sa sa kanila dahil ayon sa kaniya ay maaaring siya ang magiging ina ni Ligaya. Hindi batid ni Sally sa kaniyang sarili, ngunit nang mga panahong iyon ay napapayag siya ni Jacinto, sapagkat ito  ang isa sa kaniyang hangarin.

"Ako ho'y sigurado na iyon ay aking nilagyan ng pangpatulog" tugon nito gamit ang salitang español. Napangiti nang mapait si Leonora. "Kung totoong iyong nalagyan ng pangpatulog ang inumin ni Luz bakit narito ngayon si David? kung hindi magigising si Luz ay malabong maisuplong niya ang lahat kay David....hindi ka nag-iisip, wala ka ring silbi!" mariing saad muli ni Leonora.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Onde histórias criam vida. Descubra agora