Kabanata 27

16 4 0
                                    

Kabanata 27
Solana

"IKAW ay mag-iingat, Mahal" malambing kong saad at hinalikan si Jacinto sa kaniyang labi. Ngumiti ito ng tipid at hinaplos nang banayad ang aking buhok. Inayos nito ang suot nitong huwego-de-anilyo at ang bagahe nito.

Alas-sais ng umaga ang sakay ni Jacinto sa barko patungong Paris. Matagal niya nang nais na makapunta at makatrabaho roon bilang isang negosyante, magandang balita ito para sa amin dahil sa natupad na ang ninanais nito.

Tinulungan kami ng kaniyang ate Leonora na magsimula muli rito sa Europa, nagamit ni Jacinto ang napag-aralan nito sa pagmamaneho ng isang negosyo kaya't naging magandang tulong ito para sa amin upang makabili ng mansyon dito sa bayan ng Zaragosa (old city of Spain). Akin ding nabalitaan kay Jacinto na mayroon pa itong isang lupang binili sa Zaragosa ngunit balak niyo itong tayuan ng kaniyang sariling negosyo sa hinaharap.

"Mag-iingat din kayo rito" matamis na saad ni Jacinto at niyakap ako nito nang mahigpit. Ako'y lubusang nalulumbay sa pag-alis nito halos limang taon na narin ang nakalipas ng kami'y ikinasal dito sa Europa. Inaamin ko na naging mahirap sa'kin ang desisyong ito ngunit sa huli'y unti-unti na ring nakukuha ni Jacinto ang aking puso.

Masaya ito na nararamdaman niya na tila nanunumbalik na ang dating kami, ang dating pagmamahalang binuo namin sa hardin kasama ang mga punong kahoy at mga bulaklak.

"Hindi namin pababayaan ang aming sarili kaya't huwag kang mag-alaala nang lubusan. Huwag mo ring kalilimutan na ako'y iyong sulatan" saad ko at ibinigay sa kaniya ang maliit na bagahe nito at ang paborito nitong itim na sombrero. "Huwag mo ring kalilimutan na ako'y iyong tugunin" pabirong saad nito at mahinang pinitik ang aking ilong.

Napatango ako habang hindi pa rin nawawala ang aking ngiti. "Asahan mong ikaw ay aking hindi bibiguin" tugon ko at hinagkan muli ito nang mahigpit. Tunugon nito ang aking yakap at muling dinampian ng halik ang aking labi.

"Ako'y hahayo na, mahal kita" malambing na saad nito at nagsimulang bumababa sa aming asotea. Kumaway ako sa kaniya habang pasakay na ito sa aming karwahe patungo sa daungan ng barko. Nangingilid ang aking luha habang pinagmamasdan ko ang karwaheng papalayo.

Paniguradong kung narito si Ligaya ay mahihirapan itong umalis, ngunit pansamantala itong nasa bahay ni Ate Leonora dahil sa hindi raw magagawang makaalis ni Jacino kung narito siya sa loob ng aming tahanan.

Napangiti ako ng mapait nang hindi ko na mahagilap ang kalesang kinalalagyan dahil sa nilamon na nito ng hamog. Napahinga ako nang malalim at nagtungo sa kusina, batid kong mamayang hapon pa ang dating nila Ate  Leonora kaya't mas maganda kung pagplaplanuhan ko na ang aking ihahandang pagkain  sa kanila.

"Señorita Solana, hoy es lunes, tiene que ir otra vez al Doctor Henares" (Senorita Solana, today is Monday, you need to go to Doctor Henares again) napabaling ako kay Sally nang magsalita ito. Napatango ako at napangiti, sandali kong hinaplos ang aking ulo dahil sa madalas nakakaligtaan ko ang araw ng pagtungo kay Doktor Henares.

"Muchas gracias, Sally y mencionaste nuevamente que me perdiste la cabeza" (Thank you very much, Sally and you mentioned again that, I lost in my mind) saad ko at ngumiti ng pabiro. "¿Quieres que me una a ti más tarde?" (Do you want me to join you later?) magiliw na alok nito.

Napatango ako at napangiti nang matamis.  "Graciass Sally" (thank you Sally),napatango ito at yumuko nang bahagya.

Tuwing lunes at sabado ay nagtutungo ako kay doktora Henares para sa lagay ng aking kalagayan. Nahinto na ang pag-inom ko ng aking gamot simula nang makasal kami ni Jacinto, ngunit muling napagdesisyunan ni Jacinto na ipakunsulta ako dahil sa palagian ang pananakit ng aking ulo.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now