Kabanata 2

34 6 8
                                    

Kabanata 2

HINDI ko batid kung saan patutunguhan ang aking isipan, wari'y isa itong malayang ibon na lumilipad sa himpapawid. Hindi maipinta ang aking mukha dahil sa tinuran ni Lazaro, ngunit dapat ay hindi ko kaawaan ang aking sarili dahil unang-una ay hindi ko batid na hindi ito mahilig sa kakanin.

Siya talaga ang aking sadya roon na aking masilayan at handugan ng pagkain, ngunit hindi ko akalain na sa lamang tiyan ni Kuya David ang lahat ng kahihinatnan non.

Bumuntong hininga ako, naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Anna. Lumingon ako rito at ngumiti ng matamis, ibubuka pa lamang nito ang kaniyang labi nang unahan ko na ito.

"Ayos lamang ako" saad ko, batid kong itatanong nito sa akin ang aking kalagayan kaya't unahan ko na lamang ito. Ibinaling ko na ang aking tingin sa harapan ng tinatahak naming daan.

"Ano ang inyong sinasabi Binibini?, Batid ko po na ayos ang inyong kalagayan dahil inyong nakausap ni Ginoong Lazaro?" napalingon ako rito at pinaningkitan ito ng aking mata. "Nais ko lamang po sana itanong kung ano po ang inyong napag-usapan ni Ginoong Lazaro?" halos mapaawang ang aking labi habang nakatingin sa kaniya.

Kung may isang pangyayari na dapat kong ibaon sa limot yun ay ang kahihiyan ko kanina. Napapikit ako at imipit na sumigaw. "Bakit ho Binibini?!" Nagtatakang tanong ni Anna. Tinignan ko ito nang may kahihiyan na mukha. "Hindi mahilig si Ginoong Lazaro sa kakanin" nayayamot kong saad habang bakas sa aking mukha ang pagkadismaya.

Napatakip sa kaniyang bibig si Anna "Totoo po ba Binibini? Kung gayo'y hindi makakain ni Ginoong Lazaro ang kakanin na personal mong handog sa kaniya?" dahan-dahan akong napatango. Yamot akong napasandal sa sandalan ng kalesa habang iniisip kung ano ang aking dapat gawin. Pakiramdam ko pinagbagsakan na naman ako ng kamalasan o dili kaya'y nasalo ko ang libo-libong paghihinayang.

Nasa tapat na kami ng tarangkahan ng aming mansyon nang may isang magarbong kalesa ang nakaparada roon. Nagkatinginan kami ni Anna at iisa lamang ang tumatakbo sa aming isipan. 'maaaring nariyan na sila ama't ina'. Napakagat ako sa aking labi, ihahanda ko na lamang ang aking tainga dahil sa sermon at pangangaral ni ama. Batid kong isa sa mga disgusto nito ay ang pag-alis ng walang paalam.

Huminto na ang aming kalesa sa loob, wari'y pinagmamasdan ko pa lamang ang aming mansyon ay tila hindi ko na nais bumababa. "Binibini, bumababa na ho kayo....huwag na ho kayong kabahan wala pa po ang inyong ama't ina" napatingin ako kay Anna na ngayon ay nasa baba na at nakalahad ang kaniyang kamay upang ako'y kaniyang alalayan sa pagbaba.

Napangiti ako at tinanggap ang kaniyang kamay. Napahinga ang aking kaloob-looban nang sabihin ni Anna ang mga salitang tiyak na ikaluluwag ng aking loob. "Kanino ho kaya ang karwaheng iyan Binibini?" Bulong sa akin ni Anna. Napatingin ako sa kalesa at napakunot ang aking noo, magarbo nga ang kalesa, mayroon pang palamuting puting rosas sa palibot noon. 'kaunti na lamang ay akin nang mapagkakamalan na karwahe iyon ng mga sumakabilang buhay'.

Nagkibit balikat ako at humarap kay Anna. "Hindi ko batid, siguro'y nakihanay lang?" saad ko habang nagtataka rin ang aking mukha. "Binibining Solana, mabuti nariyan na kayo. Saan ba kayo nagtungo? kanina pa kayo hinihinitay ni Ginoong Jacinto!" halos magkatinginan kami ni Anna dahil sa tinuran ni Manang Loring.

Narito si Jacinto? Bakit?

"Ano ho ang pakay ni Ginoong Jacinto?" Nagtatakang tanong ko kay Manang Loring, kinuha nito ang aking braso at iginaya niya ako papasok sa mansyon. "May ibig daw itong itanong saiyo" tugon ni Manang Loring. Napakunot ako ng aking noo, ano ang bagay na dapat nitong tanungin sa akin tingin niya ba ay isa akong sikat na diksyonaryo? Ngunit ayos lamang sa akin at buong puso kong tatanggapin ang pagiging diksyunaryo kung si Lazaro naman ang ibig magtanong sa akin.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now