Kabanata 20

13 5 3
                                    

Kabanata 20

"BINIBINI, gumising na ho kayo dumating na ho ang inyong Kuya Samuel!" halos manlaki ang aking mata dahil sa sinambit ni Anna.  Narito na si Kuya Samue?!  Halos nagmamadali akong napabangon sa aking katre.

At dali-daling lumabas sa aking silid. Pagkababa ko sa aming hagdan ay agad akong nagtungo sa aming sala. At halos lumaki ang aking ngiti nang madatnan ko roon si Kuya Samuel habang kausap sila ama't ina.

"Kuya Samuel!" nagagalak kong saad at dagling lumapit sa kaniya at yumakap dito nang mahigpit. "Talagang nanabik na saiyo ang iyong kapatid Samuel, sapagkat hindi niya na naayos pa ang kaniyang sarili makita ka lamang" nagbibirong wika ni ina.

Niyakap ako nang mahigpit ni Kuya Samuel at bahagya nitong hinaplos ang aking likod. "Kitang-kita naman ho sa kaniya ina ang pananabik na makita ako" tugon ni Kuya Samuel.

Humiwalay ako sa yakap niya at nginitian ito nang matamis. "Kuya Samuel bakit ang aga ng iyong pag-uwi ang hinala ni ama ay mamaya ka pa uuwi" saad ko. Ngumiti ito at umupo sa upuan habang umupo ako sa kaniyang tabi.

"Ang totoo'y noong nakaraang buwan pa ako bumyahe sa barko....paumanhin kung hindi ko na nabasa pa ang mga liham na ipinaabot ninyo saakin....mabuti na lamang at sumulat ako kay ama na ako'y nasa byahe na kaya't pinapadala ni ama ang mga sulat nito sa hihintuan kong daungan ng barko.." paliwanag nito.

Bahagya akong nalumbay. Kung gayo'y ibig sabihin hindi nito nabasa ang mga sinulat ko sa kaniya dahil nang mga panahong nagpadala ako ng sulat ay nasa barko na ito.

"Oh, bakit hindi maipinta ang iyong mukha Solana?" nagtatakang tanong ni Kuya Samuel. Napailing ako at tipid na ngumiti. "Paniguradong hindi mo nabasa ang aming mga sulat" wika ko. Ngumiti ito ng tipid at ako'y kaniyang inakbayan.

"Huwag ka nang mangamba Solana batid ko ang iyong mga nais na regalo mula sa akin" masiglang wika nito. Ngumiti ako nang matamis. Kahit kailan ay hindi nito nakakaligtaan ang mga nais kong bagay.

"Nga pala Samuel, panigurado'y nabalitaan mo na ang nangyari sa iyong kapatid....dahil nabasa mo ang huli kong liham na pinadala ko sa daungan ng barkong inyong hinintuan" saad ni ama. Napatingin sa kaniya si Kuya Samuel at tumango.

"Huwag kayong mag-alala ama natanggap ko iyon. Ibig ko pa sanang magtagal ng dalawang araw roon upang bumili ng mga pandagdag na handog sainyo ngunit nang mabasa ko ang inyong liham ay agad akong sumakay sa barko patungong Maynila" tugon ni Kuya Samuel.

Napangiti ng tipid si ama at napabaling ng tingin sa akin. Napangiti ako kay ama ngunit tila may bahid ng pagkabalisa ang mga mata nito.

"Solana anak. Maaari bang pumanhik ka muna sa iyong silid" malalim na saad nito. Nagtataka akong napatingin sa kaniya at ngumiti lamang ito ng tipid. Tumango ako at ngumiti kay ina at inalis ang pagkakaakbay ni Kuya Samuel sa akin.

"Kuya Samuel aking hihintayin ang inyong handog para sa akin" nagagalak kong saad, ngumiti ito ng matamis at tinapik ang aking ulo. "Agad ko itong ibibigay saiyo" wika nito. Ngumiti ako nang malapad, tumingin ako kay ina bago tumayo at pumanhik sa hagdan.

Nasa gitnang baitang pa lamang ako nang muli akong umatras ng dalawang baitang pababa. Nararamdaman kong mahalaga ang kanilang pag-uusapan, madalas akong pagalitan nina ama't ina dahil nakikisali ako sa kanilang usapan ngunit sa tingin ko muli ko na naman itong masusuway.

Bumababa ako ng isang baitang at naupo roon, makakapal ang mga mga disenyong kahoy na nakapalibot sa aming hagdan at may kaunting siwang lamang ang mga ito. Ngunit sapat na ang mga ito upang ako'y makatago.

"Samuel, batid kong sapat na ang iyong mga natutunan para hawakan ang isang kaso" panimula ni ama.  "Ibinibigay ko ang aking buong tiwala sa iyo upang hawakan mo ang kaso ng iyong kapatid" patuloy niya. Napatango si Kuya Samuel. "Huwag kayong mag-alala ama, gagawin ko ang lahat at hindi ko hahayang dungisan nila ang ngalan ni Kuya David na walang ginawa kundi isipin ang kapakanan ng San Igancio" seryosong saad ni Kuya Samuel.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now