Kabanata 18

16 5 6
                                    

Kabanata 18

"MAY mga sibilyan!" halos magitla kami ni Lazaro sa malakas na sigaw ng gwardiya. Bago pa man nito galawin ang gatilyo ng baril ay mabilis na hinawakan ni Lazaro ang aking kamay at kumaripas ng takbo.

"Habulin sila!" Mas lalong humigpit ang kapit sa aking kamay ni Lazaro habang kami'y tumatakbo. Binabaybay namin ang masukal na kagubatan at tila ba nakikipagpatintero kami sa mga puno at malalaking damo.

Palinga-linga si Lazaro sa aming likod at hindi ko magawang hindi silipin ang mga ito, halos dumagundong ang aking dibdib dahil sa mayroong tatlong gwardiya ang sumusunod sa amin. Mas binilisan namin ang pagtakbo at kahit anong mangyari ay hindi ako bumibitaw sa hawak ni Lazaro

Tila hindi na namin alintana ang aming pagod dahil mas nangingibabaw sa amin ang kaba. Napayuko kaming dalawa nang may magpaputok ng baril. Napalingon ako sa likod at halos isang kilometro ang layo namin sa kanila, hindi ko akalaing ganito kami kabilis tumakbo ni Lazaro.

Napadaing ako nang makarinig muli kami ng putok. Halos naririnig ko na ang tibok ng aking puso dahil sa kaba at pangamba. Lumiko kami ni Lazaro at mabilis na nagtago sa likod ng isang malaking puno.

Umupo ito habang pinaupo ako sa kaniyang harapan. Nakadikit ang aking likuran sa kaniyang dibdib, hinahabol ko ang aking hininga nang huminto kami sa likod ng isang malaking puno.

Dumagundong muli ang aking dibdib at napatakip ako sa aking bibig nang makarinig kami ng mga kaluskos. "Halughugin niyo!" maotoridad na tinig ng isang lalaki. Naramdaman kong hinigit ako ni Lazaro palapit sa kaniya, tinanggal ko ang takip ko sa aking bibig.

Mas lalo hindi ko mapigilan ang aking kaba dahil sa nararamdaman ko ang mainit na paghinga nito na dumadampi sa aking batok. Nagitla ako nang makarinig kami ng isang kaluskos malapit sa aming kinalalagyan. Mabilis na tinakpan ni Lazaro ang aking bibig at mas lalong hinigit ako palapit sa kaniya.

"Narito lang sila, ito ang itim na balabal ng isang binibini!" halos dumagundong ang aking dibdib nang marinig iyon, tila ito na ang aming katapusan napaliligaran kami ng tatlong gwardiya habang umaasa kami sa isang malaking puno.

"Solana makinig ka sa'kin" halos mapaigtad ako nang marinig ko ang mahinang tinig ni Lazaro malapit sa aking tainga. Napalingon ako sa kaniya ng kaunti at halos sumandal na ang aking ulo sa kaniyang baba.

"Kailangan nating tumakbo nang mabilis" saad nito habang pinapakiramdaman ang paligid. Napatango ako habang nakahawak sa ibabaw ng kaniyang kamay na nasa aking bibig. "Pagbilang ko ng tatlo....tatakbo tayo" wika muli nito.

Napatango muli ako kahit na may pangambang namumutawi sa akin. "Isa......dalawa" tinanggal nito ang pagkakahawak sa aking bibig at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

Hinanda ko na rin ang aking sarili sa aming pagtakbo. "Tatlo!..." Pagkasabi na pagkasabi na iyon ni Lazaro ay agad kaming kumaripas ng takbo. "Naroon sila!" Tinig ng isang gwardiya. Binibilisan ko ang aking pagtakbo sa abot ng aking makakaya, hindi ko na maawat pa ang pagdagundong ng aking dibdib.

Tila hindi na bago para kay Lazaro ang bagay na ito. Ang higpit ng hawak nito sa aking kamay habang diretso naming tinatahak ang kahabaan ng gubat. Napatigil kami ni Lazaro nang makita ang isang bangin. Lumingon kami sa aming likod at hindi na namin maaninag ang mga gwardiyang humahabol sa amin.

Mabilis akong hinila ni Lazaro patungo sa kaliwang bahagi ng kagubatan. Tumakbo muli kami nang mabilis hanggang sa may naulinigan kaming ugong ng isang kalesa.

Mabilis naming tinakbo ang masukal na gubat patungo sa ugong ng kalesang aming pag-asa. "Lazaro banda roon" saad ko sa kaniya at itinuro ang kanang bahagi ng gubat mabilis kaming nagtungo roon at hanggang sa marating namin ang isang daanan.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now