Kabanata 34

18 2 0
                                    

Kabanata 34

IBINABA ko ang liham at napahinga nang malalim. Kung pagninilayan ko ang liham ni Ate Leonora ay tila ba pinapagapang nito ang aming kapalaran ni Ligaya sa kaniyang kamay. 

Dahil sa kanilang ginagawa ay hindi ko maiwasang hindi maghinala. Tila may tinatago sila sa aking kakaiba, simula nang aking makilala sina Lazaro at David ay pilit na nila akong pinapalayo, aking napapansin na sa tuwing may mga taong nakakabatid sa akin ay kanilang hinahadlangan.

"Señora, ayos ka lamang ba?" napatingin ako kay Manang Luz nang inilipag nito ang ulam at kanin. Napangiti ako nang matamis at itinago ang liham. "Ayos lamang po ako Manang Luz, kumain na po ba si Ligaya at kayo ho?" tanong ko at umiwas ng tingin.

Ngumiti ito. "Huwag kang mag-alaala kami'y tapos nang kumain, o siya kumain kana riyan Señora at huwag mo ring kalilimutang uminom ng iyong gamot" wika nito.  Napangiti ako at tumango.

Sinimulan ko nang kumain habang iniisip kung paano ko hahalungkatin ang aking nakaraan. Malinaw na para sa akin na si Solana Delos Santos ay nagtatago sa pangalan na bilang Solana Aragones at iisa lamang ang aming katauhan.

Subalit hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat kabilang na ang nagpapatay sa aking mga magulang. Buhay pa ang aming magulang ni David, ibig sabihin ba ang mga sinabi lang sa'kin ni Jacinto ay isang istorya lamang na walang katotohanan?

Nais ko nang malaman ang lahat ng kasagutan. Nais ko nang malaman kung sino at ano ang tunay kong katauhan. Napahinga ako nang malalim at uminom ng isang basong tubig. Kailangan kong makausap sina Lazaro at David, nang masagot ang mga ibang katanungan sa'kin.

Kung kinakailangan na sumama kami sa kanila ni Ligaya ay aking gagawin ngunit batid ko na hindi kami papaboran  ni Jacinto dahil siya pa rin ay aking asawa.

"INA, maaari po ba akong sumama sainyo?" malambing na saad ni  Ligaya habang nakayakap ito sa aking baywang. Tila nababatid nito na ako'y may pupuntahan dahil sa presentable ang aking ayos.

Napagpasiyan ko na dumulog kina Lazaro at David dahil nais kong may magbigay kasagutan sa aking mga katanungan. Napaupo ako upang ito'y aking mapantayan. "Ligaya patawad ngunit manatili kana lamang dito sa ating tahanan. Ako'y babalik din agad" saad ko at ngumiti nang matamis.

Umiling ito at bumakas ang lumbay sa kaniyang mga mata. "Hindi ko ho nais ina, nais ko pong sumama sa inyo" saad nito. Napabuntong hininga ako at hinaplos ang buhok nito. "Ano ba ang nais mong bilhin ko saiyo nais mo ba ng ipit ibibili kita sa aking pag-uwi" saad ko at umaasa na mapapalitan ng saya ang nalulumbay nitong mga mata.

Sandali nitong itinaas ang kaniyang ulo sa taas na tila ba may iniisip ito. Ibinababa nito ang kaniyang ulo at tumingin muli sa akin. "Hindi po ba talaga ako maaaring sumama sainyo  ina?" saad nito.  Napangiti ako bago tumango. "Ako'y may mahalagang bagay na pupuntahan at pinapangako ko ako'y babalik saiyo kaagad aking anak. Ibibili kita ng paborito mong prutas sa pamilihan" wika ko.

Sandali itong natahimik bago dahan-dahang tumango. "Ina nais ko rin po na bilhan niyo ako ng ipit na may diseniyong mirasol" hiling  nito. Napangiti ako at pinisil nang bahagya ang kaniyang pisngi dahil sa ilang beses nitong inulit ang salitang disenyo.

Napatango ako. "Pinapangako iyan saiyo ni Ina" saad ko dahilan upang mapangiti ito nang matamis. Hinagkan ko ito nang mahigpit at hinalikan ang kaniyang noo. "Huwag matigas ang iyong ulo ha" paalala ko. Tumango ito at ngumiti nang matamis.

"Ina, maaari rin po ba kayong tumungo kay, kay Tiyo David, maaari po ba kayong magpasalamat sa kaniya sa pagsama niya po sa amin kahapon" wika nito dahilan upang mapatulala ako sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang araw na nagtungo sila ni Sally sa parke upang makapasyal. Ibig sabihin ay nakasalamuha niya roon si David.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now