Kabanata 9

15 5 10
                                    

Kabanata  9

NANATILING nakapako ang tingin ko sa kaniya tila natulala ako dahil sa kaniyang sinambit. Hindi ako makapaniwala na talagang ako'y kaniyang sinundan dito upang marinig lamang ang aking sasabihin.

Nakapako rin ang tingin nito sa akin habang napapansin ko ang pagtaas-baba ng kaniyang tatagukan. Umiwas ito ng tingin sa akin at bumuntong hininga, napapikit ako ng dalawang beses at napahinga nang malalim. 

"Pasensiya na Ginoong Lazaro kung ikaw ay aking naabala..." Panimula ko. Tumingin ito sa akin habang blangko ang kaniyang ekspresiyon. Napatingin ako kay Anna at kinuha sa kaniya ang hawak nitong takuyan.

Napatingin doon si Lazaro bago ibinalik ang tingin sa akin. "Aking ipapaunlak na lamang sa  aking Kuya David ang aking nais na sabihin" patuloy ko. Dahan-dahan kong inilahad sa kaniyang harapan  ang hawak kong takuyan. "Sana'y maiibigan mo ang aking munting handog Ginoong Lazaro....simbolo ito ng aking pasasalamat sa iyo kanina" saad ko at binigyan ito ng matamis na ngiti.

Nakatingin lamang ito sa takuyang aking nilalahad sa kaniya. Ilang sandali'y tumingin ito sa akin ng panandalian bago tinanggap ang mga sariwang prutas na aking nilalahad. Napangiti ako. "Sariwa ang mga iyan Ginoong Lazaro, halos kabibili lamang namin ito ni Anna kanina" wika ko at ngumiti ng matamis.

Kung makapagbigay ako ng ngiti sa kaniya ngayon ay tila ba walang nangyaring hindi maganda kanina na halos ikalukot na ng aking buong mukha. Hindi ko batid kung bakit bigla na lang nawala ang yamot at lumbay na aking nararamdaman nang makita ko ulit si Lazaro. Siguro'y hindi ko maloloko ang aking sarili kung sakali mang dumating ang araw na layuan ko ito ay hindi ko magagawa, makita ko lamang ang kaniyang presensiya ay kusa na akong bumibigay. Nakababahala!

Dahan-dahan itong tumango habang nakatingin sa akin. "Maiwan na kita Ginoong  Lazaro kami'y mauuna na ni Anna...at pasensiya na rin sa abala" saad ko at ngumiti sa kaniya. Nakatingin lamang ito sa akin hanggang sa ako'y dahan-dahan nang tumalikod, huminga ako nang malalim at kumawit sa braso ni Anna.

Kahit na ibig kong marinig mula sa kaniya ang kaniyang tugon ay hindi ko na nagawa dahil hindi ko na malaman ang aking nararamdaman. "Solana" napatigil kami ni Anna sa paglulan sa kalesa nang tawagin ni Lazaro ang aking ngalan.

Tila ba mistulang isa akong makina dahil sa agad akong napalingon sa kaniya. Humakbang ito ng dalawang beses palapit sa akin. Ngumiti ako sa kaniya habang hinihintay ko ang kaniyang nais sabihin.

"Maraming salamat, ikaw ay mag-iingat"


"BINIBINI, kanina pa po hindi mawala ang inyong ngiti" wika ni Anna habang nakatingin ito sa akin. Napatingin ako sa kaniya at tinugon ko lamang ito ng isang malaking ngiti habang sumandal sa sandalan ng kalesa. "Patuloy na umiikot sa aking isipan ang sinambit sa akin ni Lazaro" saad ko habang nakangiti sa kawalan.

Napatingin sa akin si Anna. "Kahit ako rin Binibini ay nagulat sapagkat nagawa iyong banggitin ni Ginoong Lazaro" saad nito at malumanay na tumatango. "Sa simpleng tinuran niya na iyon ay halos makaligtaan ko sa aking isipan ang yamot, lumbay at kaba na aking nararamdaman kanina" wika ko habang malapad ang aking ngiti na tila ba isa akong masayang bata na nahandugan ng isang mamahaling aguinaldo.

"Tunay na isang makapangyarihang lunas para saiyo si Ginoong Lazaro Binibini" masayang sambit nito. Ngumiti ako sa kaniya nang malapad na pagpapahiwatig ng aking pagsang-ayon sa kaniyang sinambit. Tunay na isang mahiwagang lunas para sa akin si Lazaro. Nararamdaman ko na lamang na nagiging mabuti ang aking kalagayan sa tuwing nasisilayan at nakakausap ko ito.

Kung sana noon ko pa lamang itong nakilala ay sana'y lumaki akong malusog at hindi sakitin.

Pagkababa namin sa kalesa ay nanumbalik muli ang aking kaba, dati rati ay hindi ako nakararamdam ng kaba sa tuwing ako'y umuuwi sa aming mansyon ngunit kakaiba na ngayon. Sa lubusang aking kabang nararamdaman ay tila ba ang aming tahanan ay isang pinalulugaran ng mga masasamang espiritu.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon