Kabanata 6

25 5 9
                                    

Kabanata 6

"ANNA! lubusan akong nagagalak, kung nasilayan mo lamang ang aming sitwasyon kanina tiyak na ikaw rin ay liligaya"  masayang sambit ko habang nakaupo kami ni Anna sa aking katre. Hindi rin mawala ang malaking ngiti ni Anna sa kaniyang labi habang nakikinig ito sa'kin.

Matapos naming mag-usap kanina ni Lazaro ay agad akong bumalik sa aking silid. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa aking silid ay agad ko nang pinakawalan ang ligaya na namumutawi sa aking puso. Pakiramdam ko'y lumilipad ako sa mga alapaap hindi ako makapaniwala na nagawa ni Lazaro na sabihin ang mga ganong bagay. Hindi ko iyon inaasahan mula sa kaniya.

Kahit hindi ko batid kung ano ang nararamdam nito para sa'kin ay sapat na ang aking pusong makaramdam ng ligayang siya mismo ang dahilan.

"Labis akong nahihiwagaan sa mga sinambit ni Ginoong Lazaro Binibini, tulad mo'y hindi ko rin iyon inaasahan" saad ni Anna habang nakatingin ito sa akin. Ngumiti ako nang malaki at niyakap ang aking sarili. "Sa palagay ko'y ito na ang isa sa magandang araw na nangyari sa aking buhay" saad ko habang nakangiti sa kawalan.

Naramdaman ko ang paghaplos sa aking kamay ni Anna. "Sa tingin ko Binibini, mahihirapan na naman kayong makatulog nang mahimbing mamayang gabi" saad nito dahilan upang ikalaki ng aking ngiti. "Ikaw ay tiyak Anna, kaya't pakiramdam ko'y gising ang  talukap ng aking mga mata kasasariwa ng mga nangyari sa amin kanina" saad ko habang hinahaplos ang kamay ni Anna.

"Mabuti at hindi po kayo nasaksihan ni Ginoong David kanina" saad ni Anna. Napatingin ako dito at binigyan ito ng kakaibang ngiti.

"Kung gayo'y......nanaisin ko na lamang na maging kulay itim at walang buhay ang aking kapalaran nang ito'y iyong makulayan"

Nanatili lamang nakapako ang tingin ko kay Lazaro. Hindi ko lubos akalain ang mga salitang binitawan nito.  Tila namanhid ang aking bibig at hindi ko mawari ang aking sasabihin. Hindi ko napaghandaan ang bagay na ito, kung nababatid ko lamang sana na ganito kaganda ang kaniyang isasagot ay sana nagnilay na ako kanina.

Umihip ang malakas na hangin kasabay nang pag-awit ng tibok ng puso ko. Umiwas ito ng tingin sa akin at ibinalik ang tingin nito sa harapan. Ngumiti ako at napahinga nang malalim. "Hindi ko batid kung ano ang aking dapat sabihin" saad ko habang itinuon ang aking tingin sa harapan.

Ang hirap puksain ng labi ko sa pagngiti. Tila kahit anong pagninilay ko ay hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Nangangamba ako na kapag nasilayan ako nito ay mapagkamalan ako nitong nawawala na sa katinuan. At hindi niya iyon ibig para sa kaniyang mapapangasawa.

"Hindi ko hinihiling na iyon ay iyong tugunin" napatingin muli ako rito dahil sa kaniyang tinuran. Walang reaksiyon ang kaniyang mukha habang nakatingin ito sa harapan. Tila hindi man lang ito ngumiti pagkatapos ng kaniyang sinabi kanina.

"Tapos na ba kayong mag-usap?" nagitla ako nang marinig ko ang tinig ni Kuya David. Napalingon si Lazaro sa kaniya habang ako'y hindi mawari kung lilingon ba o hindi. "May tinatanong lamang ang iyong kapatid" saad ni Lazaro at tumingin sa akin.  Kinunutan ko ito ng aking noo at walang ekspresiyon ang kaniyang mukha wari'y sinasabi nito na walang dapat ikabahala.

Dahan-dahan akong napalingon at tumingin kay Kuya  David, halos mapalunok ako dahil prenteng nakaupo si Kuya sa mahabang upuan habang nakasandal ito sa sandalan. Nakatingin ito ng diretsiyo sa akin. Sa kalagayan niya ay mukhang kanina pa ito nakaupo rito. Hindi kaya nasaksihan at narinig nito ang mga ginawa kong kapangasahan kay Lazaro?

Tila isa akong may sala na nililitis sa hukuman dahil sa aking kaba. Akmang ibubuka na nito ang kaniyang labi nang unahan ko ito. "Ah, Aking maalala na mayroon pa akong gagawin. Maiwan ko muna kayo" natatarantang saad ko at mabilisang tumakbo paalis. Ni hindi ko na nasilayan pa ang kanilang mga reaksiyon.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ