Chapter 2

9.2K 318 15
                                    

Ellyse Villareal

Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko pati ang ulo ko, parang ang bigat ng buong katawan ko. Naririnig ko ang paligid ko, pero hindi ganon kalinaw.

"Hayaan muna natin na magpahinga ang pasyente. Kapag nagising na siya at okay naman ang pakiramdam niya, pwede na siyang pauwiin bukas."

"Sige po Doc."

I was only able to open my eyes halfway through at kahit hindi pa malinaw ang lahat sa paningin ko hindi ko mapigilang pagmasdan ang babaeng nakatayo sa tabi ko habang kausap niya ang doctor, nakaharap siya kaya nakikita ko ang mukha niya. She's gorgeous, her bob haircut looked so fine, her poisture was perfect. Siya ba ang nagligtas sa akin?

Biglang tumahimik ang paligid, umalis na ata yong doctor. Pumikit ulit ako at pinakiramdaman ang paligid ko, hanggang sa iminulat ko ulit ang mga mata ko at nakita kong nakatingin sa akin yong babae kanina.

"Oh, hey. Gising ka na pala." Her warm hand touched my shoulder, napapikit ako at nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

"It's all right now, Miss. You'll be fine." Umiiyak ako hindi dahil sa sakit ng katawan ko but thankful na may mabuting tao na sumagip sa akin.

"Saglit tatawagin ko si Doc, kalalabas lang niya." Lumabas siya ng kwarto at ilang saglit lang bumalik din siya. "......Miss, andito na yong doctor."

"Hija, anong nararamdaman mo? Do you remember your name?"

"Yes, doc."sagot ko.

"Good. Magsabi ka lang kung may kakaiba kang maramdaman. Sa ngayon magpahinga ka lang muna at imo-monitor namin ang lagay mo at kapag wala naman naging problema, pwede ka ng makauwi bukas."

"Thank you, Doc." Lumabas na ulit yong doctor at naiwan kami nong babae.

"Ako nga pala si Thea."

'Thea.....sweet name.' Nakatitig lang ako sa kanya at umupo siya dito sa tabi ko.

"You almost gave me a heart attack there, Miss." Napakawarm at soft ng voice niya even though may pagkaseryoso ang tono nito.

"I'm sorry. Ang alam ko lang matagal akong tumakbo, hindi ko napansin na paparating ka."

Tumahimik siya at tumango-tango.

"Now, I understand. Natakot lang ako akala ko nakapatay na ako ng tao."

"I'm so grateful, hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako."

"Natakot ako nong una, pero hindi ako masamang tao para iwanan kita doon."

"I owe you a lot."

"Huwag mo na isipin, ahm, ano bang itatawag ko sa iyo?"

"Uhh,.... Ellyse. I'm Ellyse."

"Okay Ellyse. Uh, andito na yong pagkain mo. Kumain ka muna para lumakas ka agad. Iinom ka pa ng gamot."

"Thank you, pero I don't eat much. Hindi ko mauubos ito." Lugaw na may chicken ang dinalang food dito para sa akin pero napakarami ng serving.

"Basta kumain ka ng kaya mo, importante may laman yang tiyan mo bago ka uminom ng gamot."

Tumango ako at tinulungan niya akong lagyan ng unan ang likod ko.

"Thea, sorry sa abala, ha."

"Walang problema. Siya nga pala, tanda mo ba yong number ng pamilya mo para makontak natin? Para malaman nila ang sitwasyon mo?"

Umiling ako.

"Wala akong pamilya." Nakita ko ang reaksyon ng mukha niya at napatitig ito sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ang mga tingin na iyon ay parang napaka-init. Nakakamangha ang pakiramdam na iyon.

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now