Chapter 41

2.8K 148 12
                                    

Thea Sebastian

Matinding pananakit sa ulo ang naramdaman ko. Dahan dahan akong bumalikwas at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang babaeng nasa tabi ko.

"Yulie! Anong ginagaw mo rito?!"

Itinulak ko siya. Shit! Ang sakit ng ulo ko. Naparami ako ng inom kagabi.

"Mmmm...Thea?"

Bumangon na rin siya sa wakas.

"Bakit ka natulog dito?"

"Lasing tayo pareho kagabi. Hindi ko na kayang umuwi kaya natulog ako rito. Hindi ko na nga inisip kung magagalit ang dad ko sakin."

Pinagmasdan ko ang katawan ni Yulie baka anong nagawa ko kagabi. Tiningnan ko kung may suot ako, meron naman.

"Walang nangyari satin! Ang sarap ng tulog mo kagabi. Ang boring mong katabi sa kama, ha! Puro ka lang ungol!"

"Nang insulto ka pa! Sa tingin mo ba gagawan kita ng hindi maganda, hindi naman tayo magkarelasyon."sagot ko.

"Yon na nga eh. Bakit kasi hindi pa maging tayo? Para magawa natin lahat ng gusto natin."

"No. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng dad mo."

"Ganon lang? Di ba ako pwedeng mag-stay dito kahit saglit lang?"

Umiling ako.

"Gusto kong mapag-isa."

"Ano ba kasi ang problema mo? Sabihin mo sakin maiintindihan ko naman, eh. Kahit papaano may pinagsamahan tayo."

Parang mabibiyak ang ulo ko dahil sa nararamdaman kong sakit dulot ng hang over.

"Wala 'to."

"Yong Ex mo ba ang dahilan? Mahal mo pa rin?"

Hindi ako umimik. Akala ko kapag nasobrahan ako ng inom makakalimutan ko na si Ellyse. Bwisit, siya pa rin ang nasa isip ko. Andito pa rin yong sakit sa dibdib ko.

".....Thea, masakit sakin na binabalewala mo ako. Alam mo ba kung bakit kita nagustuhan? Dahil hindi ka katulad ng iba na nagpapakita ng interes sa akin. Pero, ayoko rin namang ipilit kung ayaw mo sakin. Huwag ka lang sanang ganyan na hindi umiimik at hindi man lang magsabi ng problema. Makikinig ako, promise."

Umupo ako dito sa gilid ng kama. Iniisip ko ang mga nangyari sa amin ni Ellyse noong mga nakaraan. Sobrang sakit, lalo na kapag naaalala ko na yakap siya ng boyfriend niya at balak na pala nilang magpakasal.

"Mahal na mahal ko siya Yulie, pero ikakasal na siya sa iba. Sobrang sakit, hindi kasi ako mayaman, hindi ako lalaki, wala akong laban sa lalakeng pakakasalan niya. Sobrang layo ng agwat namin sa pamumuhay, malamang gusto iyon ng pamilya niya, samantalang ako naranasan ko ang mapunta sa bingit ng kamatayan dahil ipinaglaban ko siya noon pero walang nangyari, pinaghiwalay kami. Siguro, tatanggapin ko nalang, maging masaya lang siya."

Dito bumuhos ang luha ko. Ayoko sanang umiyak lalo na sa harap ng ibang tao. Pero sobrang bigat na, hindi ko na kayang ipunin pa yong bigat sa dibdib ko.

"....apat na taon kaming hindi nagkita. Masaya ako nong bumalik siya. Pero hindi ko inaakala na masasaktan ulit ako nang sobra."

"Shhh, naiintindihan kita Thea. Alam ko naman eh, kitang kita ko sa mga mata mo na mahal mo ang babaeng iyon. Iiyak mo lang. Magiging okay ka rin."

Hinahagod niya ang likod ko.

"I'm sorry Yulie, hindi ko kasi siya kayang kalimutan. Siguro taon ulit ang hihintayin ko bago ko magawa iyon. Pero paano kung habang buhay na akong makulong sa kalungkutan na 'to? Mamamatay na lang ako na puro pasakit ang nararamdaman ko."

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon