Chapter 34

2.9K 135 6
                                    

Thea Sebastian

Umupo muna ako rito sa sofa pagkauwi ko galing trabaho at sumandal. Hinayaan ko ang sarili ko na magpahinga habang nakapikit. Ilang araw na ang lumipas at hindi na nagpakita pa si Ellyse.

Talagang hindi na siya babalik dito dahil ipinagtabuyan ko siya. Dahil ayoko na masaktan pa ulit at maloko pa.

Ilang minuto rin ako nagpahinga, tumayo lang ako para maligo at magbihis. Pagkatapos wala na akong magawa, nagluto na lang ako ng kanina at ulam.

Bigla ko naalala, ayaw ni Ellyse na masasanay ako sa reheat na ulam. Shit!

Ano ba to! Lagi na lang siya ang naiisip ko. Samantalang ayoko na sana siyang maisip pa.

Tinapos ko ang pagluluto ko kahit wala akong gana na kumain. Umupo ulit ako dito sa sofa at nanuod ng TV. Hindi ako mapakali. Tumayo ako para silipin ang kwarto na tinulugan niya. Nandito pa ang damit na pinagbihisan niya. Nakatupi at nakapatong sa kama.

Napabuntong hininga ako at bumalik ako dito sa sofa.

Iniwan na niya ako noon, kaya hindi imposible na iwanan ulit niya ako ngayon.

Humiga ako dito sa sofa at pumikit.

"Thea?! Thea!"

Nataranta ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Pamilyar ang naririnig kong boses.

"....Thea, may nakalimutan ako. Yong bracelet ko naiwan ko ata diyan sa bahay mo!"

Binuksan ko ang pintuan.

Hindi ako makapaniwalang andito ulit siya. Akala ko tuluyan na siyang aalis at hindi na magpapakita pa ulit.

"Nakita mo ba yong bracelet ko? Hindi ko alam kung saan ko nailagay. Hinanap ko na sa hotel, sa resort, sa bahay ng magulang ko, pero hindi ko makita kahit sa kotse wala."

Para siyang maiiyak habang nagsasalita.

"Hindi ko nakita."

"Nasaan na ba yon?"

Pumasok siya dito sa loob ng bahay at nagsimula siyang maghanap.

Ano bang meron sa bracelet na iyon bakit parang hindi siya tumitigil kakahanap?

"Saan mo ba ipinatong?"

"Hindi ko matandaan."

Pabalik-balik siya sa kwarto sa banyo, titingnan niya ang ilalim ng mesa, ilalim ng upuan.

"Nagwalis ka na ba, Thea? Baka kasi naitapon mo."

"Ha? Uh, wala akong napansin. Baka naman naiflush mo sa toilet."

"Hindi, hindi maaari. Baka nailapag ko lang yon kung saan, please tulungan mo akong hanapin iyon. Importante sakin yon."

Hindi na siya mapakali, namumula na ang mukha niya dahil para na siyang iiyak.

"Hayaan mo hahanapin ko. Ano ba itsura non?"

"Gold bracelet."

"Gaano ba kahalaga iyon?"

"Sobrang mahalaga, kayamanan ko yon. Kapag namatay ako kasama yon sa libing ko."

"Ano?"nabigla ako sa sinabi niya.

"Seryoso ako, Thea. Hindi ako pwedeng mamatay ng wala iyon."

Napapailing ako. Bigay siguro ng boyfriend niya!

"Okay tulungan kita na hanapin iyon."

Baka sobrang mahal ang bagay na iyon kaya ganon na lang ang kagustuhan niyang mahanap.

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon