Chapter 11

4.2K 209 10
                                    

Ellyse Villareal

Nakahawak ako sa braso ni Thea. At lalo pang humigpit ito nong mapunta kami rito sa maraming tao.

"Ang tawag namin dito ay peryahan. Marami kang pwedeng gawin dito. Maglaro, mag rides, kumain."

Nakikinig ako sa mga sinasabi niya habang palingon-lingon ako sa mga ginagawa ng mga tao.

"Thea bakit sila naglalagay ng pera sa table?"

"Ahh, kung may casino ang mga mayayaman kami rin na mga mahihirap meron. Halika, try natin."

"Thea hindi ka naman mahirap, tsaka hindi ako mayaman. Ano ka ba!"

"Talaga? Oh eh bakit hindi mo alam ang bagoong, kwek-kwek, ang perya?"

Natulala ako. Paano ko naman malalaman yon? Ang dami kong hindi nagagawa kapag nasa bahay ako.

Hindi ko nasagot ang tanong niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako. Naglabas siya ng pera at nilapag niya ito dito sa table na may ibat ibang kulay. Dilaw ang pinili niya.

Ang isang lalake ay naghagis ng bola sa ring na nasa bandang gitna. At paglapag ng bola sa table ay umikot-ikot ito hanggang sa tumigil sa kulay dilaw.

"Yon! Panalo. Yong singkwenta natin nadoble."nakangiting saad niya.

"Thea, gusto ko rin subukan."

"Sige, Pero sa iba naman. Tara doon!"

Naikot ata namin lahat ng pwede naming laruan. Ubos ang isang libo niya na ipinanglaro ko.

"May balat ka ata sa pwet Ellyse. Wala ka man lang naipanalo na kahit isa."

Nakasimangot ako.

"Ang sama mo, Thea! Ibawas mo na lang sa sweldo ko."

"Okay lang. Biro ko lang yon. Importante nag enjoy ka."natatawa siya pati ako natatawa na rin.

Naglakad ulit kami at napadpad kami rito sa maraming tao. Magkahawak kami ng kamay hanggang sa nabitawan ko ang kamay niya dahil siksikan ang mga dumadaan. Akala ko nasusundan ko pa siya dahil nauuna siyang maglakad kaso nawala na siya sa paningin ko.

"Thea...."sambit ko.

Kumakabog ang dibdib ko dahil hindi ko siya makita. Pinilit kong makalabas sa crowd hanggang sa makakita ako ng pwesto na medyo maluwag kaya dito ako lumabas. Naglakad-lakad ako pero wala siya.

Tumitingkayad ako para mahanap siya pero wala talaga. Parang nasa dead end na ako. Tama nga dulo na ito. Sumiksik ulit ako dito sa ma-tao na lugar at bumalik sa pinanggalingan ko kanina.

Nakaharang ang mga kamay ko sa dibdib ko dahil minsan ay nasisiko ako ng mga dumadaan. Hanggang sa nakalabas ako.

Thea asan ka na ba? Gusto ko nang maiyak.
Iniwan na ata niya ako.

Palinga-linga ako.

Naglakad ako sa ibang direksyon at inisa-isa ang mga pinuntahan namin kanina na pinaglaruan. Ganito pala ang pakiramdam na wala siya sa tabi ko.

"Thea?!" kahit maraming tao ay sinubukan kong isigaw ang pangalan niya. "Thea?!"

Walang Thea na sumasagot. Naiiyak ako dahil sa pag-aalala. Pinagtitinginan ako ng mga tao lalo na ang mga kalalakihan na dumadaan. Kaya umiiwas ako ng tingin sa kanila.

Tumigil muna ako dahil pagod na ako sa paglalakad. Napakaluwang nitong peryahan kaya hindi ko alam kung saan siya banda naruroon.

"Miss may hinahanap ka ba? Baka matulungan ka namin, halika sama ka sa amin."

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon