Chapter 14

4.6K 232 44
                                    


Ellyse Villareal

Hininto ni Thea ang sasakyan. Galing kami sa mahabang byahe.

"Nandito na tayo, Ellyse." bumaba na kami at kinuha ang mga gamit namin sa loob ng sasakyan.

Napatingin ako sa paligid. Matatanaw ang beach at parang nasa five hundred meters lang ang layo nito mula sa kinatatayuan namin.

Fresh air at ang natural scent ng dagat ay nakakarelax.

"Ang daming coconut trees."sambit ko.

Napapalibutan din ng green grass ang part na kinaroroonan namin ni Thea. At iilan lang ang bahay na naritito. Parang five lang at magkakalayo pa.

"Ellyse, halika, punta tayo sa bahay ng Tita Grace ko."

Hawak niya ang kamay ko. Mga fifty meters lang naman ang layo nito sa sasakyan. Bungalow ang bahay.

"Tita Grace! Andito na kami."

Lumabas ang isang babae mula sa pintuan siguro nasa edad fifty na ito.

"Thea pamangkin!" Patakbo itong yumakap kay Thea. Napangiti ako sa eksenang ito. "Jusko dalaginding ka pa nong huling punta mo rito."

"Oo nga po, ah Tita si Ellyse nga po pala girlfriend ko. Ellyse si Tita Grace malayong pinsan ni Tatay pero super bait niyan."

"At mabait din si Thea. Swerte mo dito sa pamangkin ko, hija."

"Tama po kayo, maswerte po ako."nakangiting sagot ko. Nagmano na rin ako bilang paggalang.

Niyakap din ako ng Tita niya.

Kung ganon open pala si Thea sa mga kamag anak niya na isa siyang lesbian?

Well, mukhang tanggap naman nila ang pagkatao niya. Wala ka namang maipipintas sa kanya dahil totoong mabait siya.

"Ang galing talaga pumili ng pamangkin ko, pinakamaganda pa talaga ang pinili mong girlfriend, kutis porcelana. Jusko tingnan mo naman, mamula-mula pa ang mga pisngi ni Ellyse. Naku baka umitim ka rito, hija."

Natatawa ako sa sinabi ng Tita niya na kutis porcelana raw ako. "Okay lang po kahit umitim po ako."

"Mukhang napakabait mo pa, hija. Swerte rin ng pamangkin ko. Ay siya! tara muna sa bahay para makapag-pahinga kayo at pwede kayong magswimming mamayang hapon."

Sabay na kaming naglakad papasok ng bahay at itinuro sa amin ang kwarto para sa amin ni Thea.

Pumasok na kami at inilapag muna namin ang mga bags sa sahig.

"Ellyse pasensya ka na ha, masaya lang ang tita ko na ipinakilala kita sa kanya."

"It's okay, ang bait nga ng Tita mo just like your dad. Parang ang sarap laging kasama ng family mo."

"Thank you. Huwag kang maiilang dito, ha?"

"Yeah. Andito ka naman kaya alam ko na mag e-enjoy ako rito."

Umupo siya sa gilid ng kama at hinila niya ako dito sa tabi niya.

After namin magtanggal ng mga sapatos ay humiga na siya.

"Mag-rest muna tayo then mamaya ipapasyal kita sa sea side. Pwede tayong magswimming mamaya."

"Sure."

Humiga din ako sa tabi niya. Nakaunan ako sa braso niya at nakayakap sa tummy niya.

"Ilang days tayo rito, Thea?"

"Okay lang ba sayo one week?"

"Of course. Basta kasama kita. Okay ako."

Napansin ko ang pag ngiti niya.

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now