Chapter 23 ⚠️

4.9K 147 4
                                    


Ellyse Villareal

"Patawarin mo ako kung kailangan kong gamitin ang Kuya Mico mo para mapalapit ako sayo."

Nakwento niya sa akin kung paano siya napunta rito at hindi na ako magtataka na agad siyang napansin ng Kuya ko. Maganda si Thea, may pagka-aloof ang aura niya at sa tingin ko iyon ang mapapansin ng iba sa kanya, napaka-sexy rin niya.

At kahit na babae rin ako, ay nagagawa ko siyang hangaan at hindi lang paghanga ang nararamdaman ko kundi pagmamahal para sa kanya.

"Magagalit sayo si Kuya Mico kapag nalaman niya ang ginawa mo at lalo na yong tungkol sa atin, Thea."

Nakaupo kami rito sa gilid ng kama.

"Hindi niya malalaman basta huwag mo akong isusumbong."

Napangiti siya at kahit ako napangiti rin.

".....hindi ako makapaniwala na ikaw yong nakita ko kanina pagdating ko rito sa resort. Pero nagtaka ako kung bakit hindi mo ako pinansin. Parang wala lang sayo na nakita mo ako. Ang ini-expect ko tatakbo ka palapit sa akin at yayakapin mo ako. Pero ini-snob mo ako."

Natatawa ako dahil parang may pagtatampo ang salita niya.

"Akala ko kasi multo, eh."sagot ko.

Natatawa na rin siya.

"Sinadya kong mapalapit sa Kuya Mico mo para lang makita ka."

"Babaero si Kuya Mico. Baka ligawan ka non."

Nag-aalala ako sa totoo lang na baka mainlove siya sa Kuya ko. At ramdam ko na type siya ng Kuya ko dahil hindi naman siya papansinin kung wala siyang dating.

"Huwag kang mag alala, nakuha mo na ang puso ko. Hindi ako na-aattract sa lalakeng may malalaking pandesal sa tiyan at sobrang guapo ng Kuya mo, ha. Kaso mas type ko yong maganda at adik sa bagoong."

Hindi ko maiwasang matawa. Alam na alam niya na gusto ko ng bagoong. Paano ba ang gagawin ko? Ang saya saya ko habang kasama siya.

"Siguraduhin mo lang ha, kundi magiging hate ko na ang bagoong kapag niloko mo ako. Dahil naalala kita sa bagoong."

"Baka naman iniisip mong mabaho ako kaya mo ako naaalala sa bagoong?"

"Hindi no! Comfort food ko yon at isa yon sa pinakamasarap na natikman kong pagkain."

Natigilan kami nong makarinig kami ng katok sa pintuan. Sinabihan ko siya na magtago sa closet, saka ko binuksana ang pintuan.

"Hinahanap ka ni Kuya Mico. Okay ka lang daw ba?"si Ross.

"Oo, okay lang ako. Magpapahinga lang muna ako. Hindi ako tatakas, huwag kang mag alala."

"Siguraduhin mo yan. Kundi baka pati ako madamay kapag tumakas ka na naman."

"Hindi kita ipapahamak, Ross."

"Okay, goodnight."

Nakahinga ako ng maluwag pag-alis ng kapatid ko. Isinara ko ulit ang pintuan at pinalabas sa closet si Thea.

"Kailangan ko munang puntahan ang Kuya Mico mo para sabihin na matutulog na ako baka kasi magtaka iyon. Nagpaalam lang ako sa kanya na may kukunin ako sa kwarto ko."

Sumimangot ako.

"Wala ba talaga akong dapat na ipagselos sa Kuya ko?"

Umiling siya saka niya ako hinila at dinampian ng halik ang mga labi ko.

"Wala kang dapat na ipagselos. Ginagawa ko lang 'to para makasama kita. Babalik ako rito hintayin mo ako, okay?"

Gumaan ang loob ko sa sinabi niya.

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now