Chapter 8

4.3K 218 5
                                    


Ellyse Villareal

Pagkapasok ng mga gamit namin sa room naghanda na rin kami ng mga iluluto like inihaw na talong, barbeque, at inihaw na isda.

"Tulog na si Oliva, yong milk niya nabitawan na niya."sabi ko habang kasama ko si Tam at Lisa. Si Thea kasi kausap yong may-ari ng resort.

"Ikaw pala yong girlfriend ni Thea?"nagulat ako sa sinabi ni Lisa. Napansin ko naman na binato siya ni Tam ng sili sa ulo at natatawa ito.

"Ay sorry, hindi ba?"sabi ulit niya. Parang ramdam kong nagiinit yong mukha ko. Hindi ko alam kung nagbibiro lang itong si Lisa.

"Ano ka ba beh, hindi sila magjowa. Mukha lang, para silang aso't pusa." tawang tawa si Tam.

"Naku sorry Ellyse, napaka-assumera ko. Akala ko kasi kayo." Umiling ako at napangiti rin sa kanila.

"It's okay, close lang talaga kami ni Thea since mapunta ako sa kanya."sagot ko.

"Mabait yang si Thea, pamilya na rin ang turing namin sa kanya. Siya ang lagi naming takbuhan nong naguumpisa pa lang kami ni Tam." Super bait talaga ni Thea at isa ako sa magpapatunay sa bagay na iyan. Nagpatuloy ang usapan naming tatlo habang nagiihaw, at nalaman ko na si Tam pala ang biological mother ni Oliva. Nabuntis ito ng di sinasadya dahil nalasing daw siya. Akala ko nga si Lisa ang mommy talaga ni Oliva dahil mas mukha siyang babae. Pero si Tam, maiksi lang ang buhok but overall very feminine pa rin naman.

"Mauna na kayong maligo. Ako muna ang magbabantay kay Oliva at magluto rito. Sige na, mag enjoy muna kayo." Hinila ako ni Tam at sakto naman nakasalubong namin si Thea.

"Tara swimming na." si Thea at sabay kaming pumasok dito sa room. Tahimik lang ako habang naghuhubad ng blouse at shorts. Nakasuot na yong bikini ko kaya hindi ko na kailangan magbihis pa. Sa isang banda, napatingin ako kay Thea at napangiti. Kagaya ng sinabi ko noon, hot talaga siya. Lalo na ngayon nakikita ko siyang nakabikini.

"Baka mahubaran ako Ellyse sa ginagawa mo. Kanina ka pa nakatitig sa akin."

Natatawa ako.

"You look great, Thea."

"You look hot, Ellyse."

"No! Mas hot ka sa akin."sagot ko.

"Well, thank you sa compliment."

Lumabas na siya. Bakit parang may kakaiba? Bigla na naman siyang naging mailap. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ako. Kagaya ngayon hindi niya ako hinintay.

Paglabas ko ng room dumiretso agad ako sa pool at lumublob sa tubig. Nasa kabilang dulo siya ng pool habang si Tam naman ay nandon siya nakababad kung saan malapit si Lisa.

Lumangoy ako papalapit kay Thea.

"Thea, are you okay?" Laging siya ang nagtatanong sa akin kung okay lang ako, ngayon ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Yeah, I'm fine. Gusto ko lang magbabad."
Bakit parang iniiwas niya ang mga tingin niya sa akin? Mukhang okay naman kami kanina.

"Thea, if one day. Bigla akong nawala at hindi nakapagpaalam sa iyo. Just remember, na nasa maayos akong lagay." Parang piniga ang puso ko. Kailangan ko na ba talagang magpaalam sa kanya?

"Do you have plan na umalis?" This time tumingin na siya sa akin. Ako itong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko maiiyak ako.

"No. Pero once na umalis ako don't expect na magkikita pa ulit tayo." Tumango ito at lumangoy papalayo sa akin.
Nakatanaw ako sa kanya at hindi ko man lang napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Pag ahon niya sumandal siya sa gilid, at nakatingin sa malayo.

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt