Chapter 31

2.7K 128 12
                                    

Ellyse Villareal

Kumilos agad si Risi ng araw ding iyon after namin mag-usap. Nagbayad ako ng malaking halaga para payagan kaming silipin ang laman ng libingan ni Thea.

Pagkaraan ng dalawang araw. Nakatanggap agad ako ng tawag mula sa kanya.

Ngayon ang araw nang paghuhukay nila. Hindi ako nagpunta dahil baka hindi ko kayanin kapag mali ako ng akala. Kaya hinayaan ko si Risi na siya ang mag witness sa ginagawa nilang paghuhukay.

Sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?"

"Ellyse, magugulat ka sa sasabihin ko."

Nasa kabilang linya si Risi.

"What? Diretsahin mo na ako."

Doble-triple ang kaba sa dibdib ko. Nananalangin ako na sana totoong buhay pa si Thea.

"Jusko Ellyse! Andito kami mismo at pinapanood ko ang ginagawa nila."

"Okay, so anong nakita mo?"

"Wala kaming nakita."

"Wala kayong nakita?"

"Ellyse, walang laman ang puntod ni Thea! Walang kahit anong buto na nahukay."

Buti na lang nakakapit ako dito sa table. Nanghihina ang mga tuhod ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Para akong mawawalan ng malay.

"Kung ganon, malaki ang chance na buhay si Thea?"

"Baka nga buhay talaga siya, baka fabricated lahat ng ito para lang paniwalain ang pamilya mo na patay na siya."

"Oh God! What shall I do, Risi?"

Parang nawalan ako ng kakayahang mag-isip sa mga oras na ito.

Naniwala akong patay na si Thea. Nagluluksa ako ng ilang taon, hanggang ngayon iniiyakan ko pa rin siya.

Humahagulgol ako ng iyak habang kausap ang kaibigan ko.

"Kung magha-hire ka ng private investigator baka matagalan bago mahanap si Thea lalo na kung ayaw niyang magpakita. It's up to you, kung makikipag-negotiate ka sa Kuya Mico mo para malaman mo agad kung nasaan siya."

"Gagawin ko. I've missed her so much, Risi. Gustong gusto ko siyang makita...."

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko.

....

NAPASUGOD ako rito sa resort na pag-mamayari ni Kuya Mico at naabutan ko siyang naliligo sa pool.

"Ops! Mukhang convinced ka na sa sinabi ko. Naniniwala ka na ba sa akin?"sabi niya pagkakita sa akin.

"Where can I find her? Tell me at makukuha mo ang gusto mo."

Umahon siya sa tubig at kinuha ang towel.

Hindi ko inaasahan na ganito katuso ang taong ito.

"Follow me."

Sinundan ko siya rito sa opisina ng resort at saka niya inilapag sa ibabaw ng mesa ang isang contract.

"......sabi ko na nga ba. Mapapakinabangan ko rin si Thea. I want you to sign it at sasabihin ko right away kung saan siya matatagpuan."

Greedy! Kung sino pa ang masasama ang ugali sila pa ang nabubuhay ng payapa sa mundong ito. Nakukuha nila lahat ng gusto nila.

Pinirmahan ko ang kontrata, naka-saad dito na lahat ng shares ko ay malilipat sa pangalan niya.

"Diyan mo siya matatagpuan."may ibinigay siyang address sa akin. 

"Paano ako makakasiguro na totoong nandito si Thea?"

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu